Sa restaurant, just after the bidding...
Tin (iritado): Pwede ba sabihin mo na yung three wishes mo at nang matapos na 'to?
Ang three wishes na tinutukoy niya ay ang kailangan niyang tuparin bilang privilege sa pagkakapanalo ni Slater sa bidding.
Of all people kasi, bakit ang mayabang na lalaking ito pa ang highest bidder niya?
Slater (itinuro ang plato niyang may lamang pagkain): Kumain ka muna kasi, masyado kang hot dyan! (Laughs)
Tin (lalong nainis): Eh kung ibalik ko na lang sa'yo ang ipinang-bid mo? (Umiling ito) I'll even make it doubled! (Iling ulit si Slater) Tripled? (Nang umiling ulit ito ay napabuga siya ng hangin) Para sabihin ko sa'yo, marami pa akong importanteng gagawin kaya sana kung ayaw mong ibalik ko na lang ang pera mo eh ipagawa mo na ang gusto mo.
Slater (nag-isip muna): Hmm... Okay! First wish ko, from now on be nice to me. (Napansin nitong mukhang aangal sana siya) Hep! Hindi yun bastos at lalong walang intimacy na involved dun kaya hindi bawal yun!
Tin: K fine!
Slater: Ganyan ka na ba pag nice? Parang may exclamation point sa dulo ang sinasabi?
Tin (malumanay na ang tinig): K fine...
Slater (smiling): Good. Now eat.
Tiningnan muna ng masama ni Tin ang lalaki bago tumalima at kumain.
Few days later, past 5 pm matapos ang klase...
Nagulat si Tin nang paglabas niya ng classroom ay datnan niya sa tapat niyon si Slater at nakaupo. Nang makita siya nito ay nakangiting tumayo ito at lumapit sa kanya.
Slater: Tin-Tin (iyon na ang nakasanayang itawag nito sa kanya simula nung gabing kumain sila sa isang restaurant) favor naman oh?
Ipinaalala muna niya sa sarili na dapat ay maging nice siya dito.
Tin: Ano yun?
Slater: Tulungan mo naman akong gumawa ng scrapbook, project lang namin.
Tin: Ayoko! Sa iba na lang.
Slater: Sa'yo ko gustong magpatulong eh. Saka isa pa, nakita ko yung gawa mo sa library, ang ganda.
Tin (biglang may naisip): Sige pero I'll consider this as your second wish ha?
Slater: Huh? (Mukhang ayaw nito sa idea pero sa huli ay napipilitang tumango na rin) Sige na nga.
Dahil kumpleto sa gamit si Tin ay nagpasya na lang silang dalawa ni Slater na sa bahay na lang nila sila gumawa ng scrapbook. Nadatnan nilang walang tao sa kanila dahil may dinalaw na kaibigan ang mommy niya at male-late daw ng uwi. Day off din ng katulong kaya silang dalawa lang ang nandoon. Matapos kainin ang nakahandang pagkain ay nagsimula na sila.
Pumunta silang dalawa sa kwarto niya para mag-print ng pictures. Habang nagpi-print ay humangin ng malakas kaya biglang sumara ang pinto.
Nagkatingin sila. Napaismid siya nang bigla ay kindatan siya nito saka ngumiti ng nakakaloko. Nagpaalam na lang tuloy siya dito na may kukunin lang sa ibaba. Nang tangkain niyang buksan ang pinto ay ayaw niyong bumukas.
Tin: Oh my! (Nagpa-panic sa pagpihit sa door knob) Slater na-lock tayo!
Slater: What?!
Magkatulong na pilit nilang binuksan ang pinto pero ayaw talagang bumukas. May lock kasi iyon sa labas. Nagkataon pa naman na naiwan niya sa living room ang bag niya kung saan nakalagay ang susi.
Nahahapong naupo sa kama si Tin. Mayamaya pa ay tumabi na sa kanya si Slater. Bigla siyang napatayo at lumipat sa couch. Napansin niyang matamang nakatitig lang sa kanya ang lalaki.
Tin: Anong tinitingin-tingin mo dyan?
Slater (half-smiling): Hindi mo talaga palilipasin ang isang buong araw nang hindi ka nagsu-suplada sa 'kin no?
Tin: Whatever!
Slater (pabulong): Sungit!
Mayamaya pa ay biglang nawalan ng kuryente. Hindi nagtagal ay nakita niya si Slater na hinuhubad ang polo nito.
Tin (naalarma): Hoy, bawal yan!
Slater (nanunukso ang tinig): Ang init eh. Don't worry, walang mangyayari sa'tin unless gusto mo. (Wink)
Tin: Bastos!
Tuluyan nang gumabi kaya dumilim na ang paligid. Sinabayan pa iyon ng malakas na ulan na may kasamang malalakas na pagkulog at pagkidlat. Sa una ay nilabanan ni Tin ang takot pero nang naging sunud-sunod na ang pagkulog at pagkidlat ay tinawag na niya ang lalaki.
Tin (nanginginig ang boses): Slater?
Ilang ulit niyang tinawag ang pangalan nito pero hindi ito sumasagot. Naglakas-loob na humakbang siya palapit dito. Kahit madilim ay naaaninag niya ito. Nakahiga na pala ito at natutulog. Hindi niya napigilan ang sariling pagmasdan ang mukha nito at na-realize niya na gwapo nga pala talaga ito.
Tin: Hmp! (Napaismid saka kinausap ang sarili.) Eh ano naman kung gwapo nga siya? Pare-pareho lang naman ang mga lalaki, mga manloloko!
Napatili na lang siya nang bigla na namang kumidlat ng pagkalakas-lakas saka napayakap sa natutulog na lalaki. Dahil doon ay nagising ito.
Slater: Tin-Tin? Bakit?
Lalong humigpit ang yakap niya kay Slater nang muli na namang kumidlat.
Slater: Nanginginig ka ah (niyakap na din si Tin).
Tin: Natatakot ako.
Slater (in a soft voice): Don't be afraid, Tin-Tin. Nandito lang ako, di kita iiwan.
BINABASA MO ANG
LOVEBUG (ON HOLD)
FanfictionWill it be possible for love to bloom between the Chick Boy and the Man Hater?