Nang umaga ding iyon ay umuwi si Slater sa bahay nila. Ikinwento niya sa mga magulang ang buong nangyari maging ang gusto ng mommy ni Tin.
Slater's Dad (nasisiyahan): Marrying that girl will be the best thing you must do. Congratulations, son!
Slater: Ganun na lang, Dad? Hahayaan nyo na akong ikasal nang dahil lang dun?
Slater's Dad: Why not? Ang tagal na kitang kinukumbinsi para mag-asawa at ngayon na dumating ang ganitong pagkakataon, why not grab it? (Smiles)
Slater: Pero hindi nyo pa po kilala si Christine! Malay ba natin kung masama pala siyang tao.
Slater's Mom (tumawa): Christine? Nasaan na yung Tin-Tin na tawag mo sa kanya?
Hindi man personal na kilala ng parents niya si Tin ay parang kilala na rin ng mga ito ang babae dahil palagi niyang nababanggit ito everytime tatanungin siya ng mga magulang kung kamusta ang araw niya o kung bakit mukhang bad trip siya.
Slater's Dad: I believe having Tin as your wife will do you good. Hindi mo siya kayang kontrolin di tulad ng ibang babae dyan. I'm glad nakahanap ka na ng katapat mo anak. (Laughs)
Slater's Mom: Same here! Even though we love you so much, we still want to see you as a real man. Yun bang responsible at may totoong respeto sa mga babae.
Slater: I can't believe this! You're both impossible!
Slater's Dad: Wag ka na lang babagal-bagal diyan at bigyan mo na agad kami ng apo!
Dumating ang araw ng kasal nina Slater at Tin. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lamang ang imbitado dahil na rin sa hiling ng dalawa.
Slater (bumulong kay Tin habang nagho-homily): O, bakit ka umiiyak dyan? (Nang walang makuhang sagot mula kay Tin ay pumalatak) Ganun ka na ba kasaya na ikakasal ka na sa'kin?
Tin (pabulong din): Huwag kang feelingero dyan! Tears of grief to at hindi tears of joy!
Sa reception, matapos ang kasal...
Carlo: I don't even know if I should congratulate you dude.
Tom: Ako rin! (Laughs) Paano ba yan, goodbye pretty babes hello Ms. Sungit, or should I say Mrs. Sungit Young, na?
Jessie (tatawa-tawa): Loko tong mga to! Huwag nyo naman masyadong sirain ang loob nitong kaibigan natin nang dahil sa pagpapasakal nya!
Tawanan ang lahat.
Carlo (sumeryoso): Seriously dude, how do you feel about all of this?
Slater (saglit na napaisip): Actually I can't even figure out if I'm happy or not. All I know is that I'm excited! (Smiles)
Sabay-sabay na napalingon ang tatlo kay Slater.
Jessie: What do you mean?
Slater: (Shrugs his shoulder) Bago para sa'kin ang ganito yet I find marrying Tin-Tin thrilling. There is something in me na gustong malaman if now that we are married, mapapaamo ko kaya siya? That may be the reason kung bakit madali akong napapayag na magpakasal sa kanya.
Tom: Ganun lang? Ang babaw mo, dude! (Humalakhak) Hindi kaya in love ka lang kay Ms. Sungit?
Slater (umiling): I don't think so, Tom! I don't see any reason para ma-in love ako sa kanya. Sa kanya pa na lagi akong sinusungitan? (Laughs) Once pa lang ako na-in love alam nyo yan! (Saglit na lumambong ang mga mata pero nawala rin kaagad) And I think right now, I don't even know how to define the word love anymore!
Carlo (Smiling): Gusto mo ng isang definition ng love?
Jessie (ngiting-ngiti): Love knows no reason!
Tom: Cheers para sa kaibigan nating in love!
Carlo and Jessie: Cheers!!!
Fritzie: Grabe! Until now hindi pa rin ako makapaniwala na ikinasal ka na a while ago. I'm so not happy for you, baks.
Jean: Ako nga rin eh. Basta friend, huwag na huwag kang papa-kabog sa lalaking yun ha? Kapag pinilit kang mag-you know, sigaw ka agad ng rape!
Marjie: (Natawa) Gaga! Sino namang maniniwala na rape nga yun eh, kasal naman na sila?
Tawanan ang mga kaibigan niya. Siya naman ay malungkot pa rin at naluluha. Nang mapansin ng mga ito ang mukha nya ay niyakap siya ng mga ito.
Marjie: Tandaan mo lang baks, no matter what happens, dito lang kami for you!
Jean: Oo nga! Kapag may ginawang hindi maganda sa'yo ang lalaking yun, ispluk mo lang agad sa'min at yari sya! Mahal ka namin, alam mo yun!
Tin: Salamat ha? Ang swerte ko talaga sa inyo.
Fritzie: Aww! We love you friend.
Nang mapagsolo ay nagtungo si Tin sa gawi kung saan walang ibang tao. Doon siya tahimik na umiyak habang paulit-ulit na sinasabi sa isip niya na: Panaginip lang to! Bukas paggising ko, ako pa rin si Christine Patrimonio at hindi si Christine Patrimonio Young!
Tin's Mom: Nandito ka lang pala anak, kanina pa kita hinahanap.
Nang marinig ang tinig ng ina ay pasimpleng pinunasan niya ang luha niya. Ayaw niyang makita nito na umiiyak siya.
Tin's Mom: Teka, umiyak ka ba? (Hindi kumibo si Tin, napabuntong-hininga tuloy ang mommy niya) I'm sorry baby kung nasasaktan ka ngayon dahil sa 'kin. Sana wag kang magalit sa mommy ha?
Tin (naluha na naman): Wala naman na pong magbabago kahit na magalit pa ako sa inyo 'My, kasal na po ako. Hindi ko lang po talaga maiwasan ang hindi malungkot sa mga nangyayari.
Tin's Mom (naiyak na rin): Oh I'm so sorry baby! (Niyakap si Tin) Masyado lang akong natakot na baka tumanda kang nag-iisa kaya nang magkaroon ako ng chance ay ginawa ko ang lahat para hindi mangyari ang kinatatakutan ko.
Tin (mas piniling intindihin na lang sa halip na sumbatan ang ina): Okay na po 'My, huwag nyo na isipin yun.
Tin's Mom: I love you so much anak and I only want what is best for you. Unang kita ko pa lang kay Slater, magaan na ang loob ko sa kanya. Hindi ko man siya talaga kakilala pero alam kong nasa mabuting kamay ka. I don't know why but I have this feeling na magiging masaya ka sa kanya.
Ngumiti na lang si Tin kahit ang nasa isip ay: I don't think magiging masaya pa 'ko pagkatapos ng nangyari, lalo na sa piling ng mayabang na yun. Ni minsan hindi ko naisip na magiging ganito ang kapalaran ko.
Tin: I love you too Mommy. Nakakalungkot lang din kasi kailangan ko nang umalis sa 'tin. Ayokong iwan kang nag-iisa. (Lalong naiyak)
Tin's Mom: Hindi naman ako mag-iisa anak, nandiyan pa sina Yaya. At alam ko naman na dadalawin mo ako lagi di ba?
Tin: Of course 'My.
BINABASA MO ANG
LOVEBUG (ON HOLD)
FanfictionWill it be possible for love to bloom between the Chick Boy and the Man Hater?