CHAPTER 3

980 6 12
                                    

Tin's Mom: Good mor--- Oh My God!

Nagising si Tin nang marinig ang gulat na gulat na tinig ng ina.

Tin: Mommy naman, ang aga-aga ang ingay niyo na po. (Muling pumikit saka hinigpitan ang pagkakayakap sa unan niya)

Nanlaki na lang ang mga mata niya nang maramdaman niyang gumalaw ang "unan".

Slater (naaalimpungatan): Good morning!

Napabalikwas ng bangon si Tin.

Tin's Mom: Anong ibig sabihin nito Christine?!

Tin: Mom, it's not what you think! Magpapaliwanag po ako.

Slater (pupungas-pungas pa): What's going on here?

Tin (ibinato ang polo ni Slater sa lalaki): Mommy kumalma po muna kayo.

Tin's Mom: Sino ang lalaking ito?

Slater (inunahan sa pagsagot si Tin): Boyfriend po ako ng anak nyo, Mommy!

Tin (pinukol ng matalim na tingin ang lalaki): Hell no! (Binalingan ang ina) Mommy wag po kayong maniwala, nasisiraan na ng ulo ang lalaking to!

Slater: Totoo po ang sinasabi ko, Mommy!

Tin: Wag mong ma-mommy-mommy ang mommy kong unggoy ka! Mommy sa akin ka maniwala.

Palipat-lipat lang ang tingin ng ginang sa dalawa.

Tin's Mom (hinawakan ang ulo): Argh! Sumasakit ang ulo ko sa inyo!

Padabog na nilapitan ni Tin si Slater saka ito hinampas sa braso.

Slater: Aguy! (Hinimas ang nasaktang braso).

Tin: Konti na lang at makakatikim ka na talaga sa'kin kaya umayos kang lalaki ka! Sabihin mo sa Mommy ko na nagbibiro ka lang!

Slater (napakamot sa ulo): Mommy nagbibiro lang po ako. Schoolmates lang po talaga kami ng anak nyo.

Tin's Mom: Ke magnobyo o schoolmates, wala akong pakialam! Panagutan mo ang anak ko!

Slater at Tin: What???!!!

Nagkatinginan sila.

Tin: Mommy wala po siyang dapat panagutan dahil walang nangyari sa'ming dalawa! (Bumaling kay Slater) Hindi ba?

Bahagyang tumango ang lalaki.

Tin: Sagot!

Slater: Opo, Mommy! Wala pong nangyari sa'min ng anak nyo.

Tin's Mom: Hindi nyo ako maloloko. Sa ayaw at sa gusto nyo, magpapakasal kayo!

Tin: Ayoko, Mommy! Wala nga pong nangyari sa'min ng unggoy na to at kahit meron man, hinding-hindi po ako magpapakasal sa kanya! Maniwala naman po kayo oh!

Slater: Grabe ka Tin-Tin! Kung maka-ayaw ka naman dyan! Baka hindi mo alam, ang daming magagandang babae dyan na handang magpakamatay para lang maka-date ako. Kung tutuusin maswerte ka pa nga, ikakasal daw ako sa'yo oh? Hello?

Tin: Pwede ba, hindi ako katulad ng mga babaeng sinasabi mo! Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, nunca na pakakasalan kita no! Ang kapal mo!

Slater: Mabuti naman dahil ayoko ring pakasal sa'yo! Hindi ako tanga para kumuha ng batong ipupukpok sa ulo ko. Baka wala pang isang linggo tayong nagsasama, nasa mental na'ko!

Tin (gigil na gigil sa lalaki): Bwisit ka, ang kapal mo talaga! Mommy naman, basta-basta mo na lang ba ako ipapaubaya sa ganitong klaseng lalaki?

Napahagulgol ang mommy ni Tin.

Tin's Mom: Hindi ko na kaya to, naguguluhan na ako!

Dinaluhan ng dalawa ang ginang nang mapaupo ito sa sahig sabay hawak sa dibdib.

Slater: Ma'am ayos lang po ba kayo?

Tin (napaiyak na sa takot): Mom...

Tin's Mom: Anak...

Tin (umiiyak): Gusto nyo pong tubig? Ikukuha ko kayo. (Umiling ang ginang) Kung ganon ano pong gusto nyo?

Tin's Mom: Ang gusto ko magpakasal kayo.

Sabay na umangal ang dalawa.

Tin's Mom: Argh! Naninikip ang dibdib ko!

Dahil sa nakikitang kalagayan ng ina ay wala nang nagawa si Tin.

Tin: Sige na Mommy, papakasal na ako sa kanya kung papayag siya.

Malambong ang mga matang bumaling ang ginang kay Slater.

Slater (napalunok): Promise po, pakakasalan ko na po ang anak nyo sa kahit saang simbahan kaya maging okay na po kayo please.

Tin's Mom (ngumiti): Talaga? Kung ganon, tawagan mo na ang parents mo at sabihin sa kanila ang nangyari. Kumbinsihin mo sila hijo.

Slater: Opo, ako na ang bahala.

Bago tumalima si Slater ay nagpalitan pa sila ni Tin ng nakamamatay na irap.

LOVEBUG (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon