isang nakakapagod na araw...
mag damag kami naglinis ni lureine dito sa bahay.pero salamat at natapos rin.
masaya rin dahil nakita ko na rin mga kaibigan ko pagkatapos kong bumili ng mga gamit umuwi na rin ako kaagad kaya kulang ang oras namin para makapag bond.
7pm
hala! 7 na pala di pa kami kumakain ng dinner maka bili na lng nga sa labas.
maya-maya may nag bukas ng pintuan.
"ATE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" ang baliw na si lureine.
"AY PALAKA! ANO BA YUN KAKAGULAT KA!"
"nagugutom na ko eh may balak ka bang kumain? ha?"
"nagugutom narin kaya ako kaya bili na lng tayo ng pagkain sa labas nakakatamad magluto pagod na ko tara na" hinila ko na siya palabas ng bahay.
pumasok kami sa greenwich na malapit sa village namin.
"whats your order mom?"
"1 lasagna supreme and bacon chicken carbonara"
pagkatapos namin umorder umupo na kami sa table.
kumakain kami ng biglang may narinig akong usapan sa kabilang table. at familiar na boses
"pare di ko akalain na magiging magkaibigan tayo"
"oo nga eh. samantalang galit ako sayo dati dahil sa sama ng ugali mo"
"haha kamusta na kaya si fat princess ay este lurisse?"
muntik na ko mabilaukan sa narinig ko. hindi ko pinansin at nagpatuloy sa pagkain at nakinig sa usapan nila
"oo nga nasan na kaya yun? sana naman nakauwi na siya miss ko na best friend ko eh" lumingon ako sa likod kung nasaan yung table nila nakita ko si lance at lawrence.
gusto ko sila kausapin kaso wag na lng hehehe.
pagkatapos namin kumain lumabas na kami kaso may na iwan yata ako.
huminto ako sa tapat ng pinto na nakatalikod.
YUNG WALLET KO!!!!!
saktong bumukas yung pinto at nabunggo ako.
nak ng tipaklong oh alam naman na may tao.
pag harap ko nakita ko ang napaka gwapong muka ni lawrence may napansin lng ako sa kanya.
lalo siyang gumwapo lumaki rin ang katawan niya at medyo nag matured ng konti pero ang gwapo niya talaga!!!!! teka naka move on na ko wala na kong paki sa kanya!
"ah miss sorry naiwan mo wallet mo eh"
"ah thanks" umiwas ako ng tingin mukang di niya ko nakilala
"pare nakaharang ka sa daan tabi nga" lumabas naman si chongo. ang gwapo niya rin ah. mukang malinis ang dating haha
bigla naman siyang napatingin sakin.
lance- O.O
tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.
mukang nakilala ako ah.
bago pa siya makapag salita pinangunahan ko na siya.
"CHONGO!"
"ikaw nga sabi na eh." lumapit siya sakin at niyakap niya ko.
"aray! teka lng ang higpit naman ng yakap mo"
kumalas ako sa pagkakayakap niya.
lance-"bakit nagkaganyan ka ano nangyari sayo? kelan ka pa umuwi?"
"hahaha adik ka talaga chongo kanina lng kami umuwi"
lance-"ang ganda mo gorilla ang sexy mo ano ba ginawa mo? lalo tuloy ako maiinlove sayo eh."
"hahaha wala lng trip ko lng mag papayat hehehe kamusta ka na? mag girlfriend ka na ba?"
lance-"ok lng...ano kaba noon pa naman ikaw na ang laman ng puso ko no!"
"haha baliw ka!"
napatingin naman sa katabi ni lance... si lawrence na nakatulala ano nangyari dito?
lance-"pare ano nangyari sayo may problema ba? kanina ka pa nakatulala"
nakatingin lng siya sakin na gulat na gulat.
lance-"huy! pare ano nangyari sayo?" tinulak siya ni lance para matauhan
lawrence-"ha? ahh.. a-ano...anu yung sabi mo?" agad naman siyang natauhan at umiwas ng tingin sakin.
lance-"ano ba nangyari sayo? natutulala ka? siguro nagandahan ka kay lurrise no? ano ka tol? ang dati mong inaasar na fat princess eto ngayon nasa harap mo na isang napakagandang bibibini ang sexy-sexy na.... ano masasabi mo ha?" nakangiting sabi ni chongo baliw talaga to.
lawrence-"ha?..ano" tumingin siya sakin "ah..a-ano....a-ang ganda mo lurisse ikaw ba ba talaga yan"
"hehe bakit? nakakapag taka ba na ang dating fat princess na pinag tatawanan mo,pinapahiya,ipinag tatabuyan eh. nandito sa harapan mo at hindi na pwedeng tawagin na fat princess dahil nag bago na siya?......... nag bago siya dahil sa isang taong minahal niya ng lubos"
hindi ko alam pero may na muong galit sa puso ko kaya nasabi ko yun.
nakita ko naman na natahimik siya at yumuko na lng.
"cge chongo uwi na kami kita na lng tayo ulit bye mag iingat kayo" paalam ko kay chongo at hinila na si lureine pauwi.
------------------------------------------------------------
dedicated kay @lorencaoile hehehe sorry kung di maganda wala talaga kong talent sa pag gawa ng story eh.
o ano masasabi mo lawrence? kala mo ha? hehehe ang tagal ko rin hindi nag update kakatamad eh..walang maisip....wala lng ako magawa kaya nag update.
vote, comment and bocome a fan.
marami pong salamat <3
BINABASA MO ANG
The F.A.T Princess
Teen FictionAng fat princess na umibig sa isang campus hearttrob...na handang gawin ang lahat para lng mapansin siya nito. hanggang sa narealize niya ang mga katangahan na nagawa niya para lng mapansin siya...eh pano kung si campus hearthrob naman ang magmahal...