-1-

666 11 3
                                    

Eight

"Wala ka ba talagang natatandaan sa nangyari sa mga kaibigan mo?"

Malamig. Puro metal ang nasa paligid ko. Anong ginagawa ko dito?. Bakit ako nasa loob ng ganitong lugar. Yung salamin, kung saan kitang kita ko ang aking repleksyon. Ang magulo kong buhok, ang makapal kong eye bags, ang tuyo at nanginginig kong labi nakikita ko sa salamin.

"Hindi ko alam. Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng magpahinga."

"Miss Bayoneta, kung hindi ka sasagot sa mga tanong namin, eh hindi ka pa talaga makakauwi. Ikaw lang ang nakaligtas sa inyong walo. Bakit ba ayaw mong magsalita?"

"Hahaha." Nakakatawa. Walo?, eight. Kaming walo. Kaming magkakaibigan. Ano ba talagang nangyari samin?. Bakit nawala silang lahat at hindi na mahanap?. Hahaha.

"Eight, eight, eight"

Walang nangyaring masama sa kanila. Nasa ligtas silang lugar ngayon kung saan tahimik na ang kanilang buhay at hindi na nila mararanasan pang muli ang nangyari sa gubat.

"Miss Bayoneta, sagutin mo na ang mga tanong namin."

"BAKIT BA?!. Ligtas na ngayon ang mga kaibigan ko, tahimik na ang mundo nila at hindi na sila mapapahamak ulit."

"Ano bang— Miss Bayoneta, sabihin mo lang kung nasaan sila at ng matapos na ang interrogation na ito. Gusto mo ng umuwi diba?"

"Hahaha. Gusto mong malaman?, bakit anong gagawin mo?. Ha?!."

Alam ko. May balak siya sa mga kaibigan ko kaya inunahan ko na siya. Nakita ko lahat, pero walang dapat makaalam.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, nababaliw ka na." Saad ng pulis.

Ang huling kataga na umalingawngaw sa utak ko ay ang salitang baliw. Ako?, baliw?. Hahaha. Hindi yun totoo. HINDI YUN TOTOO.

"Hindi ako baliw!. Ang mga kaibigan ko, mapapahamak sila dahil sa mga demonyo, kaya niligtas ko sila." Sunod sunod na ang pagpatak ng aking mga luha. Inaalala ko kung paano ko buong tapang na iniligtas ang aking mga kaibigan.

"Demonyo?" Saad ng pulis at tinutok ang atensyon saakin. "Oo, mga demonyo. Nakikita ko sila, at...at napakarami nila. Gusto nilang saktan ang mga kaibigan ko kaya inunahan ko siya."

Kumunot ang noo ng pulis at bahagya pang nilapit ang mukha sa akin. "Anong ginawa mo sa mga kaibigan mo?, asan na sila?."

Ngumiti ako sa kanyang tanong at inalala ang ginawa kong katapangan para sa mga kaibigan ko. Isa kong huwarang kaibigan na handang isakripisyo ang lahat para sa kanilang kaligtasan.

"Hihihi. Andito sila, sama sama kami ditong lahat." Saad ko at hinawakan ang aking tiyan.

"Dito, ligtas sila."

***

ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon