-8-

167 4 1
                                    

Bullied

I grew up in an orphanage. Nasa thirteen years old na ko ng may umampon sakin—ang pamilyang Costales.

Noong una ay wala na kong pake kung may bago na naman akong mga magulang, ilang beses na rin kasi akong nagpabalik balik sa ampunang yun at sanay na ko. Sanay na kong pag ayaw na sakin ay basta na lang akong ibabalik.

Mayaman ang pamilya Costales at hindi maitatangging nagustuhan ko iyon. Sila ang pinakamayamang pamilya na umampon sa akin at naisip ko na kung magpapakabait ako, may posibilidad na mapasaakin ang lahat ng kanilang kayamanan—pero akala ko lang yun.

Ang nakakapagtaka kasi sa mag asawang ito ay meron na silang dalawang anak na lalaki—sila Zyarex at Zach Costales—pero nag ampon pa rin sila.

Sa unang dating ko, ang akala ko'y susungitan ako nung dalawang magiging kuya ko pero kabaligtaran ang nangyari. Naging mabait sila sakin. Lahat ng alam nila at laruan ay hinahatian nila ko kaya lumaki akong malapit sa kanila.

Hanggang sa mag-sixteen years old na ko. Ordinaryong high school student lang ako nun at maganda naman ang simula ng takbo ng buhay ko noon, despite na nerd ako at halos walang kausap.

Sa isang All Girls School ako pinasok nila mama kung kaya't hindi ko kasama sila kuya. Pabor din naman ako dito para makapag focus ako ng mabuti sa pag aaral, walang magugulong mga lalaki.

Pero nagbago yun ng dumating sa school si Margaux. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi niya kong binu-bully. Walang palya. Araw-araw siyang nahingi ng pera sakin na akala mo ay meron siyang patago, pati pagkain ko kinukuha niya, at kung minsan kinukulong niya ko sa banyo namin o kaya sa classroom—o kahit saang parte ng school namin.

Sa totoo lang punumpuno na ko sa kanya pero hindi ko siya magawang labanan. Kapag nalaman kasi nila mama na nakipag away ako, baka ibalik nila ko sa ampunan at hindi ko na makuha ang kayamanan nila. Ayoko mangyari yun.

Umuwi ako isang araw na punit ang school uniform at magulo ang buhok. Pinag-trip-an kasi ako ng tropa nila Margaux kanina.

Mabigat ang mga paa kong nahakbang patungo sa kwarto, dala na rin siguro ng pagod mula sa bugbog ngunit sinisigurado ko pa rin na walang tunog na lilikha sa bawat yabag ko upang hindi magising sila mama. Hindi na rin kasi ako nagpasundo kay Manong Nestor at baka magsumbong yun kapag nakitang gulagulanit ang uniform ko.

Sa pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay di ko inaasahang makikita ko sila kuya Zyarex sa loob. Kapwa sila nakaupo sa kama at tila may pinapanood sa laptop ko.

“Ano yan?. Bakit nandito kayo sa kwarto ko?” sunod sunod na tanong ko sa kanila. Di ba nila alam ang privacy?!.

Tumayo si Kuya Zach—ang pinakamatanda sa aming tatlo—at hinarap sakin ang screen ng laptop. Naka-play dito ang video kung paano ako pinag-trip-an nila Margaux kanina.

“Paanong—?” hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kung sa bagay bakit pa nga ba ako magpapalusot eh, huling huli naman ako sa suot ko pa lang na uniform.

“Binubully ka pala sa school mo, bakit di mo sa amin sinasabi?” tanong ni kuya Zach. Muli ay hindi ako nagsalita. Paano kapag nalaman to nila mama?, ayoko ng bumalik sa ampunang yun!.

“Paige, hindi tama ang ginagawa nila sayo. Bakit hinahayaan mo lang?” tanong naman ni kuya Zyarex.

Bakit nga ba?. Bakit ba ayaw kong sabihin?. Dahil natatakot ako kila Margaux, dahil ayoko ng bumalik sa ampunan?.

“Ewan. Ayoko gumanti. Baka kasi ibalik ako sa ampunan kapag nalaman nila mama na nakipag away ako.” Yun na lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

“Hindi gagawin yun nila mama, okay?” saad ni kuya Zyarex. “Dapat sinabi mo kaagad samin para natulungan ka namin.” Saad naman ni kuya Zach. Tiningnan ko naman sila sa mata at seryoso ang binabato nilang tingin sakin.

Ngayon ko lang naramdaman na may mga tao pa lang nagmamalasakit sakin. Ang tanga ko.

Natapos ang gabing yun na tahimik. Sa ngayon daw ay hindi muna sasabihin nila kuya ang kasong ito kila mama dahil kaya naman daw nilang resolbahin. Hindi na nila dinetalye kung paano nila ito gagawin pero iniwan nila sakin ang makahulugang ngiti.

Kinabukasan ay pumasok ako sa school na pinagkakaguluhan ang isa sa mga bulletin board namin, hindi karaniwang nangyayari ito kung kaya malamang ay may malaking balita.

Dahan dahan akong naglakad palapit dito at sumambulat sakin ang nakakagulat na larawan.

Sinakop nito ang buong bulletin board namin na kasing laki ng Black board kaya kitang kita ng napakaraming studyante ang larawan ni Margaux na nakapaskil dito.

Wala siyang saplot at tila may kahalikang mga lalaki sa larawan. Samu't saring flash ng camera ang naririnig ko at ilang negatibong komento mula sa nakapalibot na mag aaral.

Napalingon ang lahat ng hikahos na tumatakbo palapit si Margaux sa amin. Gulat ang nakapinta sa kanya mukha ng mapalingon sa litrato. Umiiyak siyang pinagpupunit ito kahit huli na ang lahat—nakita na namin.

Napaupo siya sa sahig at malakas na humagulhol. Nagkalat na sa kanyang mukha ang kanyang make up at gulo gulo na rin ang kanyang buhok.

Dahan dahan niyang inangat ang tingin sa aming lahat hanggang sa mapako ito sa aking mga mata.

“Ikaw!. Alam ko, ikaw ang nasa likod nito. Hayop ka!. Walang hiya ka!” sigaw niya sakin at tumatakbong nanlilisik ang mata patungo sa direksyon ko. Nakaturo ang mahaba niyang kuko sa akin at tila gusto ako nitong saksakin.

Ilang dipa na lang ang layo niya sakin ng bigla na lang may tumulak sa kanya—“Kuya?” bulong ko.

Anong ginagawa nila dito?. Paano sila nakapasok?. Bawal ang lalaki dito!.

“Hi, Paige. Gusto ka lang sana namin bisitahin pero di namin alam na ganito ang madadatnan namin. Tsk, tsk.” Saad ni kuya Zach at nakangiting kumakaway sa akin.

“Sino—teka. Kayo yung kagabi!” nilingon ng lahat si Margaux ng magsalita siya. Anong sinasabi niya?.

“Di ako pwedeng magkamali. Ako mismo ang bumili sa inyo.” Saad niyang muli.

Lumakad palapit sa kanya si kuya Zyarex at nagsalita. “Hindi ka namin kilala miss.”

Magsasalita pa sana si Margaux pero bigla na lang ako hinila paalis nila kuya sa lugar na yun. Pagkapasok sa kotse ay sinunod sunod ko na sila ng tanong.

“Kuya, ano yun?. Kayo ba may gawa nun?.” Hindi ako makapaniwala. Sobra nilang hiniya si Margaux kung sila nga ang gumawa nun. Pero walang duda, kilala sila nito eh.

“Diba sabi namin kami na bahala dun?. Karma niya lang yan.” Sagot ni kuya Zyarex.

“Hindi pa rin tama yun.” Isa kong hipokrita kung di ko sasabihing natuwa rin ako dahil kinarma si Margaux, pero sobra pa rin yung ginawa nila.

“Okay na yun Paige. Atleast magtatanda na siyang huwag kang banggain.”

“Hindi ka na mabu-bully nun. Galing kasi nito ni kuya eh.”

Nagtaka naman ako sa sinabing yun ni kuya Zyarex. “Bakit anong ginawa niyo?. Paano niyo nakuha ang mga litratong yun?” tanong ko sa kanila.

Tiningnan lang ako nung dalawa bago sabay na nagsalita. “Hacking”.

***

Author's Note

Sci-fi talaga genre nito, naisip ko lang siya isama dahil talagang bangag ako ngayon. Atat na kasi ako mag-type dahil ang tagal kong nawala.

Ps. Anyway, pambawi. Mahabang update!.

ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon