-6-

201 5 1
                                    

Life




Sa pagtunog ng bell ay sabay sabay na nag sitayuan ang mga kaklase ko. Inikot ko ang aking paningin at lahat sila ay nagpupulbo, nagsusuklay, may ibang nagli-lipstick at nagpapahid na ng foundation, lahat sila ay excited ng umuwi pero ako, heto naka upo at hindi manlang gusto gumalaw, ayokong tumayo, ayong lumakad pauwi, ayokong makita ang bahay namin.

"Uy Jhonalyn, di ka ba sasabay samin?" Tanong ng isa sa mga kaklase kong madalas makasabay pauwi noon. Gaya ng iba ay naka ayos siya at nakalugay pa ang buhok, may lipstick din at make-up ang kanyang mukha.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa murang edad ay may mga taong naglalagay ng mga ganyang kolorete sa mukha. Hindi ba't nakakasira yan ng balat?. Bakit ba pinagpipilitan nilang takpan o baguhin ang natural nilang hitsura?. Ah, alam ko na, nasa pilipinas pala tayo. Ang bansang sagana sa mapanglait na mata at mapang abusong kamay.

"Hindi." Tipid kong sagot. Tumango lang naman siya at niyakag na ang mga kasama niya palabas ng class room. Sumunod naman ang ilang grupo pa ng magka-kaibigan hanggang sa naubos na silang lahat.

"Jhonalyn, ila-lock ko na tong pinto." Sabi ni ma'am kaya't tumayo na ko at lumabas. Ala sinco na pala at halos wala ng tao dito sa school pero ayoko pa ring umuwi.

Dala ang mabigat na yabag ng mga paa ko ay naglakad ako palabas ng gate, pumara ng jeep at sumakay, hindi nagbayad pero bumaba.

Pagtapak ng paa ko sa semento ay nakita ko ang labas ng aming bahay, malaki ito, may malawak na hardin, may matataas na puno pero walang kapitbahay. Puro damuhan ang nasa kabilang lote, may mga patay na daga, patay na aso't pusa, at mga basura.

Tinitigan ko ito sa loob ng ilang minuto tila ayaw pang gumalaw ng mga paa ko palapit sa pinto, kung hindi lang ito bahagyang bumukas hindi pa ko lalapit dito.

"Ate..." Nanghihinang boses ng batang babae ang tumawag sakin, ang nagbukas ng pinto, ang kapatid kong si Grace. Pagkapasok ay dahan dahan kong sinara ang pinto, masakit sa tenga ang langitngit nito pero kailangang maging maingat.

"Halika na." Ipit at pilit na pinapahinang boses ang namutawi sa bibig ko. Hawak ang payat na braso ng aking kapatid ay tumungo kami sa kwarto—ang kwarto naming nilipas na ng panahon.

Kinandado ko ang pinto at hinarangan ng mga mabibigat na bagay at kahit na alam kong hindi uubra ay ginamitan ko ito ng tape. Pagkatapos nun ay naupo na kami ng kapatid ko sa kama, hinintay na dumating ang kanina ko pa kinakatakutan, niyakap ko si Grace ng mahigpit at nagdasal kami pareho.

9:01

Bumalot ang kaba sa aking puso ng marinig ang yabag ng maraming tao, ang ingay nila ay sumisigaw ng lengguwaheng hindi ko maintindihan at gaya ng dati ay nalanghap na naman namin ang mabahong usok na nagmumula sa labas ng kwarto. Pumatak na naman ang luha sa aking mukha, tiningnan ko ang aking kapatid, wala na siyang malay. Nanghihina na ko, hindi na ako makahinga.

Bumagsak ako sa kama, tumama ang aking ulo sa sahig, masakit ito gaya ng dati. Ilang kalampag ang narinig ko sa pinto, pilit nila itong binubuksan at nagtagumpay na naman sila.

Nakita nila kaming nanghihina pero wala silang awa, sinaksak nila ko ng paulit ulit pati ang aking kapatid, nakita ko kung paano sila nagsaya ng maputol ang ulo ni Grace at ngayon ako naman.

Bumulwak ang masaganang dugo sa unang saksak na ginawa sa aking leeg, maya maya pa ay naramdaman ko na ang lagari na unti unting pumuputol sa ulo ko mula sa aking katawan at nagsaya sila ng makitang maghiwalay na ito.

Nakangiti sila at sumisigaw sa pagkagalak, ipinikit ko ang aking mata. Ayoko na, sana sa paggising ko, hindi na ito maulit.

"Ms. Dominguez!." Ang malakas na sigaw ng apelyido ko ang nagpamulat sa aking mag mata.

Galit na nakatingin sakin si ma'am at nasa akin ang atensyon ng buong klase. Gaya ng dati, ito na naman.

Nagsimula siyang manermon sakin at pinatayo pa ko, hindi ko tuloy maintindihan kung gusto niya ba kong pangaralan o pinapahiya niya talaga ko sa klase. Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase kong lalaki sa likod, at mapanglait na tingin ng mga babae.

"Sawa ka na ba sa buhay mo Dominguez kaya ayaw mo ng mag aral?." Tanong ni ma'am. Napayuko ako sa tanong niya. Napangiti ako, bumukas ang aking bibig at lumabas dito ang malakas na tawa na umalingawngaw sa loob ng tahimik room.

"Ako?. Nagsasawa?." Panimula ko at unti unti siyang tiningnan sa mata na puno ng galit, puno ng pagtatanong, puno ng awa para sa sarili ko, at puno ng pagtataka.

"Oo, nagsasawa na ko. Nagsasawa na kong paulit ulit na maramdaman ang sakit, nagsasawa na kong paulit ulit na hindi makahinga, nagsasawa na kong maramdaman ang paulit ulit na patayin!. Oo, sawang sawa na kong mabuhay!."

***

Author's Note

Ito dapat yung chapter one ng ginagawa kong story eh. Kaya lang di ko na madugtungan puro na lang ako hanggang chapter one. Hahaha.

ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon