-4-

276 6 2
                                    

Jack the ripper



Habang pinapaikot sa kanyang mga daliri ang kulay itim na ballpen, ay hindi naman maalis ang mga mata ni Trevor sa mga larawan na nakapaskil sa loob ng kanyang opisina.

Ilang linggo na rin ang nakakaraan ng ibigay sa kanya ang kasong ito ngunit panay maling lead ang kinahahantungan nila. Masyadong matalino ang suspek na ultimo kahit ang iniiwan nitong bakas ay tumuturo sa ibang tao.

"Mag kape ka muna." Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na pag iisip ay dumating si Moradas-ang kanyang baguhang partner.

Hindi niya pinansin ang alok nito at tiningnang muli ang mga larawan. Tumatakbo ang oras at habang lumalampas ang bawat segundo papalapit na ng papalapit ang pagkaubos ng oras para sa susunod na biktima.

"Yung case na to parang yung nangyari sa london. Yung kay...kanino ba yun?. Yung taong 1888?." Pinikit ni Trevor ang kanyang mga mata at tumabi kay Moradas. Humigop muna siya ng kape upang kahit papaano'y mabawasan ang sakit ng ulo na binibigay sa kanya ng kaso.

"Yung kay Jack the ripper?." Saad ni Trevor pagkababa ng baso ng kape sa lamesa. "Oo yun!. Hindi na na-solve yun diba?." Sang ayon ni Moradas at napatango na lamang si Trevor.

Kung tutuusin ay parang kaso nga ni Jack the ripper ang hawak nila. Ayon sa imbestigasyon at base na rin sa mga hiwang natamo ng mga biktima, mukhang magaling sa paghawak ng kutsilyo ang suspek. Malinis din ito gumawa at plantsado. Ngunit isa lang ang hiling ni Trevor, ang hindi sana matulad ang kasong ito sa Jack the ripper case na kahit isang siglo na ang dumaan ay hindi pa rin matukoy kung sino nga ba ang nasa likod ng pagpatay.

"Pero may mga nabasa ko sa internet tungkol d'yan eh. Diba pinaghihinalaan din na si Dr. Jose Rizal si Jack the ripper?." Bahagyang natawa si Trevor sa sinabi ng kasama. Ilang beses na niyang nabasa ang mga haka hakang ito at hanggang ngayon ay hindi naman ito napatunayan.

"Wag mo sabihing nagpapaniwala ka d'yan?, yung mga ganyang bagay na napaka babaw ng mga basehan di mo na dapat pinagbaba-basa. Lalo lang nagpapalito sa mga detective yan." Sagot ni Trevor na nakapinta ang natatawang mukha.

Hindi niya alam kung bakit ito ang pinartner sa kanya, isang baguhang naniniwala sa alien, multo at mga kung anu-anong bagay na walang basehan.

Habang nasa kalagitnaan ng pag uusap ay may dumating na isang pulis at sinabing meron na namang natagpuang bangkay sa paaralan. Nagsitakbuhan sila papunta sa crime scene at katulad ng mga naunang biktima, ilang parte na naman nito ang nawawala tulad ngayon, nawawala ang kanang mata nito.

"Siya si Elizabeth Pabelonia. Gaya ng mga naunang biktima hindi na mahanap ang cellphone niya. Matalino talaga yung killer na yun." Report ng isang pulis na nagi-imbestiga at inabot ang papel na naglalaman ng impormasyon tungkol kay Pabelonia.

Habang binabasa ang mga nakasulat sa papel ay napalingon si Trevor sa kanyang partner na si Moradas na natakbo ngayon palapit sa kanya na may iwinawagayway na papel. "Sir Trevor!." Sigaw nito sa kanya at hinihingal na huminto sa kanyang harap.

"Sabi sa inyo sir parang kay Jack the ripper ang kasong to eh." Panimula nito at inabot ang envelope na may nakasulat na 'Dear Boss'.

Agad nila itong binasa at tulad ng 'Dear Boss' na iniwan ni Jack sa mga pulis noon ay dine-describe rin dito ang hitsura ng susunod na biktima. Nang matapos basahin ay nakalagay sa dulo nito ang katulad na initials ni Jack the ripper.

From J.R.

***

Author's Note

Ilang beses ko ng nababasa ang tungkol dito kay Jack the ripper kaya naisipan ko siya gawaan noon ng kwento. Kaya lang nabulok na lang to sa draft. Hindi ako sigurado kung tama pa ba yang natatandaan ko tungkol d'yan.

ThrillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon