Chapter Twelve

788 24 0
                                    


Daemon's POV

  Ilang linggo na naming hinahanap sina Keith at Carlo pero bigo pa rin kami sa paghanap.Nawawalan na ng pagasa muli si Kiev ngayong nawawala nanaman ang mahal niya.

Maaga akong nagising at nagayos ng kama ko,dumiretso ako sa c.r para maghilamos at magtooth brush.Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa hagdan para sana tumambay sa may sala ng makita ko si Kiev na nakatulala lang.

Iniisipniya pa rin siguro ang kalagayan ng magina niya.Kahit naman siguro ako eh,pag di ko kasama ang mahal ko di ako mapapakali.

"Kiev?ayos ka lang?"tanong ko.Tiningnan niya ako at saka siya nagpakawala ng hangin.

"Mukha ba akong okay?"sabi niya kaya napangiti ako ng tipid at saka umiling.Lumapit ako sa kanya at saka umupo sa tabi niya.

"Si Keith?huwag kang mawalan ng pagasa na hindi mo siya makikita at ang anak niyo.Hindi tayo susuko agad dahil lang sa hindi natin siya mahanap.Sabi nga nila,mahirap hanapin ang hindi nagpapakita.Kiev,wag mong baguhin ang sarili mo."sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sakin.

"Sa ating mga lalaki ikaw ang pinakabunso Daemon,pero kung magsalita ka parang mas matanda ka.Mas matured ang utak mo kesa samin.Si Ethan hanggang ngayon comatose pa rin at hindi pa nagigising.Isa pa yung pandak na yun,mangiiwan din."sabi niya kaya bahagya kaming napatawa.

"Sali naman kami sa usapan ng mag ama!hahaha"bapalingon kami sa may hagdan ng may magsalitang kabayo na may mahabang baba.

Sila Asher,Zyler,at Yohann pala.

"Ano pinaguusapan niyo?"tanong ni Yohann.

"Wala Yohann,namimiss lang ni Kiev si Keith."sabi ko.

"Alam mo Daemon,sating lahat na nandito ikaw lang ang tumatawag sa first name ni Chase na Kiev.Kahit si Keith Chase nag tawag sa kaniya eh.Pero siguro para maiba nga naman..hahaha"sabi ni Yohann dahilan para mapatawa kaming lima dito.

----

Umpisa nanaman ng paghahanap sa buong sulok ng siyudad kung nasaan si Keith pero wala talaga.Nawawalan na rin ako ng pag asa.Kung malaman kaya ni Ethan toh?siguradong malulungkot yun.

Carlo's POV

    "Carlo!pakibantayan yung niluluto ko please!"sigaw ni Keith sakin.

"Sige!"sigaw ko pabalik.Isang buwan ang nakalipas simula nang maaksidente siya at mawalan ng alaala.Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nasolo ko na siya o malulungkot dahil marami siyang mga naiwan na talagang mahal niya.Buntis si Keith nung maaksidente siya at ngayon pinagsisisihan ko,dahil namatay ang bata sa sinapupunan niya.Ang unang anak nila ni Chase napatay ko at paniguradong mapapatay ako nila Ethan.Si Marko,galit sakin.Wala na akong kakampi ni isa.Nagmahal lang naman ako ah?masama ba?

Oo masama dahil sakin aynamatay ang bunga ng pagmamahalan nila ni Chase.Alam ko na ang consequence pag nalaman lahat ni Keith ang lahat at kasinungalingan ko.

"Carlo?ang lalim ata ng iniisip mo?may problema ba?"tanong ni Keith.

"Wala ito,Alexa.Sige na baka nasusunog na yung niluluto mo."sabi ko.Pinalitan ko rin ang pangalan niya.Andami kong kasalanang nagawa sa kanya.

"I love you,Carlo "sabi niya sakin kaya napangiti ako at hi alikan siya sa noo at niyakap.Kahit kelan ayokong lokohin si Keith.Ako ang nasasaktan.Tama nga sila,nasa huli ang pagsisisi.

Nakapatay ako ng isang munting anghel dahil sa katarantaduhan ko.

"Pag nakaalala ka ba,Keith?iiwan mo ba ako?"tanong ko sa kanya habang nakayakap.Alam kong nagtataka siya sa sinasabi ko.

That Girl Is A Gangster 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon