CHAPTER1-GETTING READY

695 15 2
                                    

Thea's POV


"Mgaaa bes kain na"
"Oo wait lang "
"Asan ba si thea?"
"Nandun tulog pa ata"


Aisshhh...Ang iingay nila. Inaantok pa ako.

"Hoy Thea'ng tulog mantika gumising kana dyaaaannnn!"Alex.

Imbis na gumising ako tinalukbong ko yung kumot ko.Aishhh walang pasok eh. Bukas pa.

"Bukas na nga yung pasukan hindi pa tayo nakakabili ng mga gagamitin."Elisse.


Napatalon ako sa kama ko ..Halaaaaa oo nga pala ano ba yannnn.


"Buti naman gumising kana."
Sabi ni Nixe.

"sino bang hindi magigising?Eh ang iingay nyooo ha?!"sabi ko nakakainis urghhh.

"Oh kalma chill lang tayo?ang aga aga nagiging dragon ka hay. mag ayos kana at kakain na tayo.Readyyy for shopping na dis mga bishhh."Di rin excited tong si Shayne eh no?

"Sige na sige na susunod na ako sa baba.Alis na shoo shoo"sabi ko sa kanila sabay tulak palabas ng kwarto ko.

Kailangan ko na talagang maglock ng kwarto next time Bwahahaha. Charrott lang.

Siguro nagtataka kayo kung sino yung mga yun no?.
Hayyy mga kaibigan ko sila at oo nasa iisang bahay lang kami.

Since magkakaibigan kami mula pa nung first year high school eh naisipan naming mag iisang bahay nalang kaming lima.

At pumayag naman yung mga parents namin,wala kaming problema dito dahil sila na yung nagbabayad ng mga gastusin namin.

Dahil isa pa, gusto nila kaming maging independent.Maayos naman itong bahay.

Dalawang palapag at puro kwarto na sa taas.Dito sa baba yung kusina,sala,hapagkainan at isang c.r.pero sa bawat kwarto namin sa taas may tig iisang banyo. Iisang sasakyan ang ginagamit naming lahat.well dalawa yung sasakyan na nandito pero isa lang ginagamit namin.Para tipid sa gas syempre.

Pagbaba ko ng kwarto nandun sila lahan sa dining table at nagkwekwentuhan habang kumakain.

"Sana maging masaya yung year natin ngayon sa campus."Shayne

"Ako mamimili ng damit natin mamaya pag nagshopping tayo para desente tayo pag pasok sa campus."Nixe.

Oo nga pala hindi ko nasabi sa inyo na tuesday and thursday lang nag uuniform.And monday bukas first day of school malamang.

"Pag may nang away sa inyo sabihin nyo sa kin ha?Gugulpuhin natin mga kutong lupa na yun"Alex

Hindi na namin napigilang tumawa.

"Oh anong nakakatawa?"Alex

"Eh kasi eh hahahahha kutong lupa talaga?"sabi ko.aishhh binatukan ba naman ako. Anshakhit ah.

UNEXPECTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon