Happy Ending ( one shot )

31 3 1
                                    


"We met by an accident. Accident that will change our lives." - Athena

Nakasakay lang ako sa bus pauwe na rin kasi ako nun sa bahay. Masyadong malalim yung iniisip ko kaya medyo hindi ko na namamalayan na nag-traffic nanaman pala. Paghinto ng bus namin may nakatapat akong bus and there I saw him.

Katapat ko lang siya..

I was so sad that day, but when he waves his hand like he is pabebe waving at me. I almost laugh hard. I don't know, doon lang sa simpleng pagkaway niya parang nawala yung bigat sa dibdib ko at lalim ng iniisip ko.

Saglit lang umandar agad yung bus na sinasakyan namin. I felt sad, kasi hindi ko man lang nalaman yung name niya.. So, I back on my position before I see him.. But then bigla ulit huminto yung bus kaya napatinggin agad ako sa tapat ko and there I saw him..again.

I smiled sweetly to him, He smiled, too.

May inabot naman siya saakin na nakasulat sa sticky note.

Always remember that God has bigger plans. Smile :)
— Jaxon G.

Napangiti naman ako lalo ng mabasa ko yung binigay niya saakin, I was going to say thank you to him ng biglang umandar yung Bus na sinasakyan namin naka-stop light pala kanina kaya tumigil yung bus.

After nun, agad akong nag-search sa facebook if may name na Jaxon na kahit may anong apelyido na nagu-umpisa sa G but too sad, Wala akong nakita.

Sa lagi kong pagsakay ng bus I was thinking about him. Na sana makasabay ko siya o kaya kahit makasalubong man lang.. pero kahit isang beses hindi na kami ulit magkikita.. Nawalan na ako ng pag-asang makita pa siya ulit..

I just want to say thank you for giving me hope..

Sumakay na ako ng bus dahil kakauwe ko lang galing work.. pero hindi ko ineexpect na makikita ko pa siya ulit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang pakiramdam ko maririnig na ng mga tao sa paligid ko.

He did'nt see me. Naka-earphone lang siya at nakapikit. Dumaan ako sa harap niya at umupo sa tabi niya sa bandang bintana. Wala din naman akong choice kung hindi doon sa tabi niya, wala ng ibang free na upuan.


But too sad...

Sa buong byahe wala kaming pansinan. Akala ko pagnagkita na kami ulit magkakakilala na talaga kami but then hindi.. Mukha ngang hindi niya man lang ako naalala.. So, natulog nalang ako but I admit it nasaktan ako..

Paggising ko napatayo agad ako kasi medyo lagpas na ako sa kanto namin pero medyo nanghinayang pa ako kasi hindi nanaman kami nagkakilala.. Kaya napa-buntong hininga nalang ako at Nagmadali na akong bumaba dahil gabi gabi narin.

Habang naglalakad ako sa kanto namin. Hindi ko alam kung malungkot ba ako, naiinis o ano! Ang tagal ko din siyang hindi nakita tapos ganun diba? Pero nagulat nalang ako ng habang naglalakad ako may humawak sa braso ko.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko siyang hinihingal na nakatinggin saakin. May inabot siya saakin at nanlaki yung mata ko na naalala ko.

"Your phone. Buti nalang nakita ko agad. " sabi niya at abot saakin ng phone. Ngumiti naman ako sakanya ng malapad. Sa sobrang pre-accupied ng utak ko hindi ko man lang na-check gamit ko bago bumaba.

"Salamat. Sorry, napagod ka pa tuloy. " sabi ko pero siya ngumiti lang.. After nun, nag-offer na siyang ihahatid niya na ako sa bahay dahil gabi na din.. Pumayag naman ako dahil wala naman akong nakikitang mali and I know that he is a good person.

Happy Ending ( Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon