I - Sa Kanyang Mga Mata

916 36 26
                                    

Pakibasa muna ang deskripsyon ng istorya upang maunawaan ninyo ang simula ng kwento.

Kabanata 1: Sa Kanyang Mga Mata

PAGKATAPOS na magkabungguan ng babae at Emmanuel—at masilayan ang magandang mukha nito ay napagtanto niyang gusto na niya ito. Agad niyang tinanong kung anong pangalan ng naturang babae at sinagot naman siya nito ng, "Felicita. Felicita Mariano ang aking buong pangalan."

Si Emmanuel ay agad na nabighani sa napakamalumanay na tinig ni Felicita. Nagbalik siya sa kanyang tamang wisyo ng mapagtantong kanina pa siya nakatulala sa mga labi ni Felicita.

Natawa naman ang kanyang babaing kaharap at ngumiti ng bahagya—bagay na mas ikinaganda ni Felicita sa paningin ng lalaki.

"At ako nga pala si Emmanuel, kung iyong mararapatin."

Sa isip-isip ni Emmanuel ay nahanap na niya ang babaeng pinapangarap niya, at iyon ay walang kung hindi si Felicita.

Tinanong ng lalaki ang babae kung saan ito nakatira. Tinuro naman ng babae ang dibdib ni Emmanuel, sa tapat ng mismong puso nito. Patago namang kinilig si Emmanuel. Pilit niyang huwag itong ipakita sa dalaga.

"Sa puso ko talaga ka nakatira?"

"Ang puso mo lamang ang makapagtuturo kung saan mo ako mahahanap. Paalam kaibigan, hanggang sa muli."

At sa huling pagkakataon ay nasilayan ni Emmanuel ang mga mata ni Felicita. Napakusot siya ng mata ng tila ba naging kulay pula ang mga ito.

NUNG gabing ding iyon ay hindi dinalaw ng antok si Emmanuel. 'Di maalis sa kanyang isipan ang natatanging mga katangian ng babaeng kanyang nakabungguan nitong hapon lamanh. Ang mga labi nito na kasing-pula ng dugo. Ang balat nitong kasing-puti ng tanghaling-tapat. At ang mga mata nitong tila ba perlas sa gitna ng Karagatang Pasipiko.

Maya-maya'y biglang kumatok ang kasambahay ng pamilya nina Emmanuel. Sumigaw ito sa labas ng kanyang pintuan.

"Magandang gabi, Señorito. Pinapasabi ng iyong ina na mas makabubuting ika'y matulog na at 'wag na alalahanin ang mga buhay-buhay."

Kasalukuyang naglalakad si Emmanuel sa loob ng isang palasyo ng bigla na lamang may bumangga sa kanyang babae—ang prinsesa ng palasyo.

Hinawakan niya ito sa mga braso nito upang alalayan itong tumayo.

Tinitigan niya ang mga mapupula nitong mga labi, ang matangos nitong ilong, at ang maputi nitong balat. Nang mapadako siya sa mga mata nito ay wari ba hinigop siya ng kung anong pwersa dahil sa angkin nitong ningning.

Nahinuha ni Emmanuel na tila ba nangyari na ito sa kanya datiang may makabanggaang babae—pero limot niya na ito kung saan at kailan.

Kaagad namang umalis ang babae at hindi na nagawa pang makapagpaalam kay Emmanuel. Bigla na lamang may tumawag sa kanya at siya nito. May kasama itong pitong mga pawang tagabantay rin ng palasyo.

Felicita [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon