3

4.1K 174 59
                                    

Chapter 3

Irene

Time passed quickly that I didn't even realize na ikatlong linggo na ng klase namin. Realization hit me few days ago. Dahil sa takot ko sa taong nagpapadala sa akin ng mga weird letters and items, napuno ang summer ko ng pangangamba. Should I be concerned for my safety? Should I go and tell the police about my problem?

Natatakot akong ipaalam sa pamilya ko ang nararanasan ko. Baka kasi sa pagkakataong malaman ng taong nagpapadala sa akin ng mga letter with weird and cryptic messages na nagsumbong ako sa awtoridad, saktan niya at idamay niya ang pamilya ko sa gulong ito.

Gusto kong sabihin ito sa mga kaibigan ko ngunit ayaw ko nang idamay pa sila sa gulong ito.

It started on the last day of clearance when all of a sudden, my locker was filled with empty envelopes with marks of letter E on them. Noong una, hindi ko lang iyon pinansin dahil baka niloloko ako ng mga kaibigan ko. . .

I stacked all the empty envelopes that fell from my locker. Pinakita ko ito sa mga kaibigan ko.

"Hoy, kayo talaga e ang hilig manloko. Sayang pera niyo rito, ah. Waste of paper din," natatawang reklamo ko sa kanila habang pinapakita ang stack ng envelopes na hawak ko. I chuckled nervously, trying to laugh out the nervousness that I am feeling.

Roselyn, Crystal, and Remy furrowed their brows.

"Sure ka, beh? Wala kaming nilalagay na ganyan sa locker mo," tanggi ni Remy. Inabot niya ang kamay niya. "Pahiram nga."

Binigay ko sa kanya ang envelopes na nahulog mula sa locker ko. In-inspeksyon niya ang envelopes.

"Wala kaming nilalagay na ganito sa locker mo, Irene," depensa ni Crystal. "Magkakasama naman tayo lagi, hindi ba?"

"At saka kung pinaprank ka namin, hindi naman magiging kalamya ang panlolokong gagawin namin, 'no!" Tumawa naman silang tatlo.

Sinubukan kong hindi na lang isipin iyon dahil baka may estudyante lang na nanloloko sa akin ngunit hindi pa natapos iyon sa envelopes. Noong summer, may nagpapadala sa akin ng letters kada linggo. In-express niya ang "pagmamahal" niya sa akin by numerating things that he liked about me, but I didn't even appreciate it. Sobrang creepy niya.

Iyong nagpapadala sa akin ng letters, they became even more bothersome noong nagsimula na ang klase. Just like what he did before, he just expressed his admiration for me. When classes started, may kasama nang litrato ang mga letrang pinapadala niya sa locker ko. One picture of me eating with my friends, another picture of me walking on the way home. Nakaramdam ako ng irrational fear when he started sending me pictures of me on random situations everyday.

Yesterday, he sent me the weirdest stuff. Sinira pa nga niya ang cute kong lock. It wasn't a letter, not even a picture. It was a doll that resembled me. Ang nakakatakot lang doon, if you inspected closely, there was a detailed genital on the doll. Para itong voodoo doll but it was a chibi version of me.

Nakaharap ako ngayon sa locker ko with trembling knees, anxious about what I'm going to receive from that person again. Kinapa ko ang pinto ng aking locker. Pikit-mata kong binuksan ang locker ko.

Wow.

I released a sigh of relief nothing weird was here. There was a very small note, though.

I am Evil Cupid.

Ano raw?

Kunot ang noo kong tinago ang note na iyon sa aking bulsa at sinara na ang locker ko. Kinuha ko naman mula sa maliit kong pitaka ang bagong bili kong lock for my locker.

Holmes Detective Club ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon