5

3.4K 141 31
                                    

Chapter 5

Irene

The moment our teacher dismissed our class, tumalon ang puso ko sa saya. Sobrang frustrating ng studies lately. Siguro nakakaramdam lang ako ng pressure dahil nga ako ay gagraduate na sa senior high school, I need to maintain good grades to be qualified on the University I want to study at. Ayaw kong maging disappointment sa mga magulang ko kaya gagalingan ko na ngayong Grade 12. I am not aiming for the highest grades or honors. Basta maging qualified lang ako sa requirements na hinihingi ng college na gusto kong pasukan, okay na ako.

"Roselyn!" tawag ko sa aking kaibigan. Lumapit naman si Roselyn sa akin at nginitian ako.

"Grabe, gutom na gutom na ako. Excited na akong lumamon kasama kayo!" anang Roselyn sa akin. Tumawa naman ako sa sinabi niya. Ganito kasi ang terminologies niya palagi kapag kakain nang gutom. Lamon.

"Ikaw talaga," sita ko sa kanya. "Pakihintay na lang ako mamaya sa gate ng school natin. May kukunin at ilalagay lang ako sa locker ko, okay? Mauna na kayo."

Tumango naman siya sa sinabi ko bilang tugon. Aniya, "Sige. Kitakits!"

Pinanood ko ang kaibigan kong bumaba. Mayamaya pa, bumaba na ako sa kabilang hagdan dahil sa gawing iyon mas madaling marating ang locker room.

I appreciate afternoons a lot. Napakaganda ng view lalo na kapag golden hour na tapos hindi na ganoon kainit in comparison to the temperature every morning or lunch. Hindi rin ganoon ka-ingay ang mga hallway dahil nakauwi na ang lower levels. Tanging senior high school na lang ang natitira sa school sa tuwing ganitong oras -- 4 pm.

Tatlong palapag ang nadaanan ko at sa wakas ay nakarating na ako sa gawi ng mga locker namin. Sinakbit ko sa harapan ko ang aking bag. Nilabas ko ang mga notebook at librong hindi ko naman kailangan. Pampagaan na rin ng bag at saka hindi naman lahat ng dala ko ngayon ay kailangan kong ireview. Isasama ko sa akin pauwi ang mga gamit na kailangan ko lang. Activities and assignments lang naman ang gagawin ko at hindi ito ganoon kahirap kaya kaunting libro at notebook lang ang dadalhin ko.

Sa bandang dulo pa ang aking locker. Napakunot ang noo ko nang may makita akong taong nakasuot ng uniform ng Watson High sa tapat ng locker ko. Alam ko kung nasaan ang locker ko; tantya ko pa ang layo nito dahil mag-iisang taon ko na itong locker. Ang nakakapagtaka lang, hindi ko makita ang mukha ng taong nasa harap ng locker ko.

"Hoy, ikaw!" sigaw ko sa kanya. Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Little by little, nakita ko rin ang detalye ng nakatakip sa mukha niya. He's wearing a mask with a creepy design.

Nataranta ang lalaki nang harapin ko siya. "Ikaw ba iyong nagpapadala sa akin ng mga letters at nakakatakot na items?" I confronted him, pointing my fingers at his face.

Hahampasin ko siya ngunit naka-ilag siya kaagad kaya napahawak lang ako sa name plate niya sa uniform. He ran away quickly.

Bwisit!

Sa bilis ng takbo niya, hindi niya namalayang nahila ko ang name plate niya mula sa kanyang uniform. Nilapit ko ito sa mga mata ko at in-inspeksyon.

Edward Cruz.

I should tell Kate and her friends about this.

Nilagay ko sa bulsa ng aking palda ang name plate ng lalaking iyon. Matibay itong ebidensya para makompronta ko na siya. I'd tell him to stop sending me scary stuff or else I'm going to tell the teachers or even the authorities about this. It is lowkey harrassing me, to be honest.

Kinuha ko ang phone ko at dali-daling minessage ang mga kaibigan kong mauna na sila. Sayang, I still want to spend time with them but I'd take care of this messy situation first. Gusto ko nang matapos ang secret admirer thingy na ito.

Holmes Detective Club ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon