4

3.8K 153 34
                                    

Chapter 4

Isang araw na rin ang lumipas simula nang mabanggit ni Irene ang kinahaharap niyang problema ngayon. To be honest, mahirap ang kasong 'yon. Komplikado ang problema niya dahil isang creepy secret admirer ang huma-harrass sa kanya. I feel inferior dahil mukhang hindi ako makakatulong sa problemang 'to.

I'm on my period today, you know, girls' problem every month. Mag-isa akong naglalakad patungo sa women's restroom. Mayroon kaming isang maliit na vending machine kung maituturing na pwedeng bilhan ng sanitary needs. Kailangan mo lang maghulog ng limang piso.

As soon as I arrived there, naghulog ako ng limang piso sa vending machine. Kinuha ko ang pads sa pinakailalim ng vending machine kung saan niya ibababa ang binili ko.

Pumasok ako sa loob ng women's bathroom at bumungad sa 'kin ang ingay ng mga babaeng estudyante. Iba rin talaga ang mga chismosa kapag nagsama-sama. They deserve a talk show since they know every scorching tea in this school. However, I am still not fond of gossipers dahil chismis lamang ang alam nila. No credible information.

Pumasok ako sa isang bakantang cubicle at nagpalit ng pads. Pinakinggan ko ang usapan ng mga chismosang estudyante. "Hot sana si sir Rache pero ang manyak niya. Kaya pala hindi siya pumapasok lately. Pinaghahanap ng pulis dahil sa blogpost na nag-expose sa kanya," ani isang babae. Kaagad namang napakunot ang noo ko nang marinig ko 'yon. Naririnig ba nila ang sinasabi nila? I can't believe na pinagnanasaan nila ang isang substitute teacher.

"True. The way he run his fingers through his hair, parang gusto ko na lang maging hair niya. Charot!" Tumawa naman sila nang batuhin ng isang babae 'yong linyang 'yon.

I know that teacher. Si sir Rache Dimakaratungan. 22 years old pa lamang siya at mag-iisang taong substitute teacher dito sa Watson High. I admit na he's attractive, but I am not into creepy men. Wala namang nababanggit na against sa clothing etiquette ng schools ang suotan niya ng damit ngunit tama bang i-unbotton mo ang unang butones ng polo mo, revealing your chest, kapag nagtuturo ka? Magtuturo ka ba talaga o nangse-seduce ka lang ng estudyante?

Over man itong sasabihin ko ngunit feeling ko'y sa gano'n nagsisimula ang isang sex offender. Mind you, senior high school and junior high school lamang ang tinuturuan dito sa Watson High. He's assigned to the junior high school which means na nagtuturo siya minsan sa mga estudyanteng 13 to 18 years old ang edad. Siyam hanggang anim na taon ang agwat ng edad niya sa 'min at hindi adults karamihan ang nag-aaral dito. Disturbing.

"Matalino si Rick Roswell dahil siya nga ang editorial writer ng newspaper ng Watson High. I can't believe that he has that many information about sir Rache's malicious acts towards minors."

Rick Roswell?

I know that guy. Kilala siya sa opinyon niyang pangmalakasan dahil pati gobyerno natin ay pinupuna niya sa kanyang editorial articles. He also runs his own blog site. It's an interesting website dahil bukod sa interesting ang view niya sa politics, he never hesitates to expose people with their wrong doings.

I disposed the old pads I used. Lumabas ako mula sa cubicle at naghugas ng kamay ko. I feel a little bit refreshed. Kaunti lang, siguro'y 20% lamang. The first few days of period sucks. Do women like me really have to suffer like this?

Tinuyo ko ang mga kamay ko nang matapos akong maghugas ng kamay. I felt eager to look at Rick Roswell's blog site dahil sa chismis na narinig ko.

Pagkabalik ko sa classroom, kaagad na umupo ako at kinuha ang phone ko na nasa bulsa ng bag ko. I turned the mobile data on and went to Rick's blogsite. Nasa front page ang pinaka-latest niyang article sa blogsite niya kaya pinindot ko ang more details para mabasa ko ang buong article. Mahaba-haba ito.

Holmes Detective Club ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon