KATTY'S POV:
"Babe, si Shaina ba yun?"
Tinuro ni Deric ang lalakeng nakahawak sa bewang ni Shan.
"HOY!!!!"
Agad kong nilapitan yung lalakeng nakahawak sa bewang ni Shan at hinampas hampas ko ng bag ko.
"HAYOP KA!! MANYAKIS KA!! BITAWAN MO YUNG BESTFRIEND KO!!"
Bumitaw sya at agad kong hinila ang kamay ni Shan.
"Shan are you okay? Ginahasa ka ba ng lalake na to? Shan? Shan!!"
Agad kong sinalo si Shan sa pagbagsak nya at tinulungan naman ako agad ni Deric.
"Inalalayan ko lang sya because she was too drunk. And hopeless romantic. Hahaha"
Tinapat ko ang kamao ko sa mukha nya.
"NAKIKITA MO TONG KAMAO NATO? YAN ANG SISIRA SA BUNGO MO SA SUSUNOD NA LAPITAN MO ULIT ANG BESTFRIEND KO!!"
"Woah! Relax ka lang Miss."
"Pare, pagpasensyahan mo na girlfriend ko." sabat bigla ni Deric.
"Wag mong lolokohin girlfriend mo pare patay ka dyan. Hahahaha"
Hindi na pinansin ni Deric yung lalake at mukhang lasing narin.
Grabe ngayon lang ako kinabahan sa ginawa ko. My ghad!
Inihiga na namin si Shan sa kama ko.
"Salamat Deric ha. Mukhang tinopak nanaman tong si Shan eh."
Kiniss nya ako sa noo at niyakap.
"It's okay babe.. Ang swerte ko dahil sobrang bait ng girlfriend ko."
Kumalas nako sa pagkakayap nya at ngumiti.
"See you tomorrow, Deric."
Pagkaalis niya agad kong nilock ang pinto.
Umupo ako sa tabe ni Shan.
Hinawi ko yung buhok na humaharang sa mukha nya at pinagmasdan sya.
"Shaina..."
Napabuntong hininga na lang ako..
Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa noo.
"Goodnight Shan.."
YOU ARE READING
It's Not Me
Romance"Shaina... I'm sorry... Hindi ko sinasadya." Ngumiti ako at umiwas ng tingin sa kanya. "Okay lang.. Yung sinabe ko.. Kalimutan mo na lang. Kalokohan lang siguro lahat ng yun. Hahahaha." "Shaina.." Tumalikod ako at kusang tumulo ang luha ko.. "Mauna...