KATTY'S POV:
Pinagmasdan ko syang palayo samin at napabutong hininga.
"It's okay babe, malaki na sya."
Tinitigan ko sya sa mata with all the sincerity.
"Deric, salamat.."
"No Kat, thank you.. You gave me a chance to love you.."
"Pero thank you talaga, Deric. Dahil sayo gumaling si papa."
Hinawakan nya ang pisngi ko at tumitig saking mga mata..
"Kat.. Mahal na mahal kita.. And what I really want to say is.. Ahmm, Kat? Will you--"
"Ah. Deric nagugutom nako. Pwede bang kumain muna tayo ng dinner sa Restaurant tabi ng Marisette Bar?"
Napakamot sya bigla sa batok nya at napangisi na nahihiya.
"Sige sige tara. Ayokong nalilipasan ng gutom ang babe ko eh."
Hinawakan nya ang kamay ko at naglakad na kame.
Shaina's POV:
"Hi Sexy.."
Bati sakin ng isang gwapong lalake na balbas sarado.
"Hi."
Sabay shot ng tequilla.
"I like you. Can we share a drink?"
"Ayoko."
Nagsmirk sya at mas lalo syang lumapit sakin..
"I can make you happy baby..""
Sabay kindat sakin.
Ininom ko ang alak at napangisi sa kawalan.
"Yan yung linyang gusto kong sabihin sa kanya.."
"If he can't love you, just forget about him. Andito naman ako. Just give me a chance. I will love you for the rest of my life."
pang uuto ng gagong to.
Hawak hawak ko yung baso habang dinuduro duro sya.
"Hoy! Mahal ako nun no!! Mamatay na yung nagsabing hindi nya ako mahal."
At nilagok ko ang isang basong tequilla.
"Hahahaha! Nakakatakot ka naman. Pasalamat ka type kita"
"Ssssh! Wag kang maingay *hik* baka magselos yun! *hik* Hahahaha!"
Umiikot na ang paligid ko.. nagdidilim narin ang paningin ko at pakiramdam ko tutumba nako
"Come here baby.. aalalayan na kita."
YOU ARE READING
It's Not Me
Romance"Shaina... I'm sorry... Hindi ko sinasadya." Ngumiti ako at umiwas ng tingin sa kanya. "Okay lang.. Yung sinabe ko.. Kalimutan mo na lang. Kalokohan lang siguro lahat ng yun. Hahahaha." "Shaina.." Tumalikod ako at kusang tumulo ang luha ko.. "Mauna...