Chapter 6

248 6 3
                                    

Author's Note: Hello readers! Salamat sa pagbabasa nyo ng Secret Prince, sorry kung ngayon lang ulet ako makakpag-update ha? Anyway, sana magustuhan nyo ang chapter na ito. 

Mobile lang ang gamit ko kaya medyo mabagal, nagpapatulong lang ako sa author ni Nika para mapagsama-sama ko ang mga nagagawa kong chapters kaya lagpas ng 1page ito. 

---

Albie's Pov

"Bakit di mo pa rin aminin sa kanya? Gusto mo ba na ibang tao pa ang magsabi sa kanya ng totoo??" tanong ni Tom habang natakbo kami.

Napatingin lang ako sa kanya, naguguluhan ako.

Hindi ko sigurado kung ano'ng sasabihin ni Nika oras na aminin ko sa kanya ang tunay kong pagkatao.

"Akin na nga yang bag! Nandyan ba yung damit ko?" tanong ko na lang kay Tom.

"Wala! Wala ka namang sinabi na magdala ako eh!" 

Tsk!

"Ang engot naman ng isang to oh!" sabi ko, "Tawagan mo si Gary! Kamo magdala ng pera saka ng damit ko! Pati yung kotse dalhin nya!" sabi ko pa, tsk.

"Easy, di ka naman galit nyan?" sagot ni Tom.

"Inuutusan kita! Wag mo painitin lalo ang ulo ko!" singhal ko.

"S-sorry, Y-Young Master." sabi nya sabay tinawagan si Gary.

Wala ako sa mood para makipaglokohan ngayon, nasa alanganing sitwasyon ang girlfriend ko!

"Parating na daw po, Young Master." sabi ni Tom sabay nag-bow.

After thirty-three minutes, dumating si Gary at dala nya ang lahat ng mga pinadadala ko.

Agad kong pinalitan ang damit ko, inayos ko rin ang hitsura ko saka ako puumasok sa lungga ng mga gangsters.

In just a snap, nabawi ko ang girlfriend ko.

Pinasakay ko sya sa kotseng pinadala ko kay Gary, madami syang tanong pero binalewala ko na lang.

Sila Tom?

Pinaayos ko ang bahay ni Nika sa kanila kaya kanina pa sila umalis.

Dinala ko sa mansyon si Nika, sa tunay kong bahay kung saan hindi ako si Albie na taga-squatter's area.

"John! Nasaan ba si Albie ha?! S-saka bakit kayo magkamukha? Sino ka ba ha? Kakambal ka ba nya?!" tanong ni Nika sa ken, ako si John sa paningin nya.

"Don't talk or ask about that brat." sabi ko, as John.

Nahihirapan ako, gusto kong yakapin si nika peor di ko magawa dahil hindi ako si Albie sa paningin nya.

"Aakyat muna ako, hintayin mo si Tom." sabi ko saka ako umakyat sa second floor.

Nika's Pov

Napanganga na lang ako nung iwan ako ni John sa malawak na living room nila.

Grabe ang isang yon ha?

Tama daw ba na iwan ako sa ganitong lugar tapos sabi pa nya, hintayin ko si Tom?

"N-Nika?" boses ni Tom ang narinig ko, agad ko syang nilingon.

"Tom, ikaw nga! Ano'ng ginagawa mo dito? Nakita mo si Albie? Nasaan sya?" sunud-sunod na tanong ko.

Sorry naman, natataranta na ako saka gusto kong yakapin si Al.

"N-nandito na sya.. P-pero kasi, ano.." nauutal si Tom, parang ayaw nyang sabihin kung bakit nandito si Albie.

Secret Prince (A Fan Fiction) ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon