Chapter 6-B

207 5 1
                                    

Chapter 6-B

Albie's Pov

"BAKIT John ang itinawag nya sayo at baket sumagot ka?" tanong ni Nika sa ken, adik naman kase tong bibig ko!

"Calm down, baby. Let me explain everything." sagot ko sabay hingang-malalim.

"Okay, magpaliwanag ka." aniya.

Tokneneng na kalabaw naman yan! Masasakal ako nitong katabi ko mamaya.

Tumingin ako sa kanya ng diretso sa mga mata nya, sa maniwala kayo't sa hinde e seryoso ako.

"Gusto mo ko makilala talaga di ba? The real me." naks, english yon! Boom!

"Oo, at may dapat na ba akong malamang ngayon?" usisa nya, natataranta na ako.

Buwisit, katok ng katok yung isa sa labas. Istorbo eh!

"Leave us, alone!" sigaw ko saka tumigil yung epal kong butler. Hay nako naman!

"Al." tawag sa kin ni Nika.

"Okay, I'm Albert John. Mas kilala mo ako as Albie, pero sa bah-- sa mansyon.. Ako si John." tuloy-tuloy kong sinabi. Walang kurap yan!

Eto namang si Nika, naguluhan yata sa sinabi ko? Salubong ang kilay. At nakatitig sa aken.

"Isa lang si Albie na makulit, pilyo at taga-squatter's area saka si John na masunget, isnabero't nakatira sa mansyon." sige, ako na ang nanlait sa sarili ko. Masungit at isnabero, isang malupet na BOW!

"Seryoso ka sa sinasabi mo?" anak ng tinolang kalabaw naman yan, oh. Nika seryoso ako!

"Sige, ayaw mo yata. Joke lang, joke lang yon!" sagot ko, boink! Haha! Nabatukan pa ko.

"Letse naman, sabi na kalokohan mo pinaiiral mo eh! May nalalaman ka pa na iisa kayo ni John!

Talaga tong unggoy na to." kegwapo ko namang ungooy?!

Humarap ako sa kanya saka ko sya hinawakan sa magkabilang balikat.

"Ano ka ba? Bakit ayaw mong maniwala? Di ka ba nagtatakang magkamukha si John at saka si Albie? Ako? Hello?" sabi ko na lang, umiling ang bruha.

"So, seryoso ka? Niloko mo ako, ganun ba yon? Pinaniwala mo ko na magkaibang tao si John at ikaw?" umuusok na ang ilong nya. Eeeeeeennggg!!!

"Nika, wag mo isipin ang ganon. May dahilan ako kung bat ko nagawa yon." sagot ko.

She smirks and slapped my face, my precious face!

"Bakit mo ko sinampal? Di mo ba alam na gandang lalake na lang ang puhunan ko?" pabirong sabi ko. Sinusubukan ko syang patawanin, bakit ba?

"That's for fooling me, Albert! Pinaniwala mo ko sa isang kalokohan! Tapos ano, ha? Iiwan mo ako sa ere? Ganun ba yon?! I hate you!" nangingiyak na sabi nya.

"NIKA, will you please listen to me first?" I am holding Nika's face.

Nagtatalo pa rin kami that time, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Mahirap pa namang amuhin si Nika. She has a strong personality, mas matapang pa siya sa akin kung tutuusin.

And now, we're still in a situation like this. Ayaw nya akong pakinggan, iniirapan lang nya ko.

"Ano pa ba ang kailangang pag-usapan, Al?! Ano pa ang kailangang kong marinig na kasinungalingan, ha?! You've been lying to me from the start!" she answered me with her teary eyes.

Sh*t! I hate seeing her eyes like that!

"Baby, please. Wag mong gawin to, let me talk." puro ganyan linya ko mula kanina.

Secret Prince (A Fan Fiction) ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon