Chapter 7

259 5 4
                                    

Chapter 7

Albie's Pov

ANAK naman ng baklang inihaw na palaka oh!

"Ano'ng ginagawa mo dito?!" tanong ko kay Lizette.

Umuusok na ang ilong ni Nika!

Waaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!

"John, don't you missed me? Ikaw naman eh, ngayon lang tayo nagkita ulet tapos ganyan ka pa? Ikaw naman, chill ka lang ha? Easy boy." ay baliw talaga ang babae na to!

Ang sarap sapakin kung di lang sya babae!

Ayoko sa kanya, noon gusto ko sya!

Eh, si Nika na ang gusto ko ngayon kaya ayoko  na sa lintang pusa na to!

"Ehem! Excuse me, miss!" sabi ni Nika sabay inalis nya ang mga braso ni Lizette sa pagkakayakap sa aken.

"Who are you?" tanong naman ni Lizette.

"Girlfriend ko yan!" ako na ang sumagot, epal eh!

"WHAT?!?" aba nanglalaki pa ang mata ng bruha.

"G-I-R-L-F-R-I-E-N-D. Bow." nagbow ako, pang asar lang.

Hahahahahaha!!!

Si Papa, tahimik lang eh!

Di yata makapaniwalang makulit ang John nya ngayon?

Well, I'd rather be like this especially if I'm with my princess.

"This girl? Girlfriend mo? Nahihibang ka na ba or she just feed you something para masabi mo yan? This girl is a mess!" hey hey hey! Below the belt yan, gaga ka!

Lumapit ako kay Nika saka ko sya inakbayan.

"Pinakain? Well, masasarap naman ang mga luto nya. Saka, is she a mess to you? Kung ganoon eh... Sya na ang pinakamahal sa lahat ng mess sa mundo. At wag kang magtatangkang gumawa ng  mali sa kanya, ako ang makakalaban mo." magandang line na ba yon? Hahahaha!!

Hindi nakaimik ang gaga, nganga sya eh.

"Alam mo Lizette, tigilan mo na ang pagpapantasya sa ken ha? Alam ko naman kung gano kalakas ang tama mo pero may iba na ako eh." lapad ng ngiti ko, natatawa ako sa sinasabi ko.

Teka, bakit ganyan ka makatingin Nika?

Parang kakainin mo ako ng buhay ah?

Di pa ba maganda ang lines ko?

Crap.

Nika's Pov 

SA totoo lang, maganda naman ang mga sinabi ng mokong na to.

Pero gusto kong tawanan yung sinabi nya na...

"Alam mo Lizette, tigilan mo na ang pagpapantasya sa ken ha? Alam ko naman kung gano kalakas ang tama mo pero may iba na ako eh."

Ang lapad pa ng ngiti eh!

Eto namang epal na babaeng to, kung makapanghusga ng kapwa e WAGAS!

"Miss, alam mo ba na nasa teretoryo kita? Kaya wala kang karapatang sabihan ako ng kung anu-ano. Baka gusto mo na pakawalan ko ang aso ko?" sabi ko na lang.

I don't care if nandun ang Papa ni Al.

"You brat! How can you talk like that in-front of his father?" nagsalita ang mabait.

"Well, atleast ako nagpapakatotoo sa harapan nya.. Eh ikaw? Halatang umaarte ka lang na mabait ka eh."

Namilog ang mga mata ng bruha.

"Tsk. Liz, get out please. Leave us alone." sumeryoso na naman si Al.

Tamo tong bipolar na to!

Kanina, seryoso bigla naging makulet.

Tapos ngayon, seryoso na naman?

"I'll leave talaga! And I'm not yet done with you, b__tch!!" grabe talaga ang Lizette na to.

Walk out ang drama ng bruha.

"Dad, will you stop ruining our day? Kung wala ka nang magawa sa mansyon, wag mo naman kaming pagdiskitahan. Nika and I are having a great time together. At kahit ano ang gawin mo, she'll be your daughter-in-law. SOON." seryosong sinabi ni Al saka nya ako inakay papasok sa bahay.

Naiwan sa labas ang Papa nya.

Tama ba ang narinig ko?

Magpapakasal kami, SOON?

"Hindi pa ako tapos, John. Hindi ako papayag na makapasok sa pamilya natin ang babaeng yan. I'd rather have Lizette as your wife kesa sa babaeng yan." nakakagulat ang Papa nya, biglang sumulpot.

Nasa loob na kame ng bahay pero di namin namalayang sumunod pala ang Papa ni Al.

And honestly, nasaktan ako sa mga sinabi nya.

"Really dad? Mas gusto mo pa na mapangasawa ko ang babaeng walang ibang alam gawin kung di ang gumasta? Lizette and I were over, Dad. Matagal na kaming tapos kaya wag mo nang subukang guluhin kami ni Nika. And if I were you, hindi ko ilalayo sa anak ko ang babaeng mahal nya. Lalo na kung yung babaeng yon eh dinadala ang magiging apo ko." eh??? Ano yon, Albie???

Masama ang titigan ng mag-ama.

Di naman ako makaimik!

Maya-maya ay pumasok na rin si Tom.

Nawala sa eksena ang isang to ah?

"Ahm.. Bossing.... May sasabihin po ako." biglang sinabi ni Tom.

Napatingin kaming tatlo kay Tom.

Balisa sya at tila di alam ang gagawin.

"Ano'ng sasabihin mo?" tanong ni Al, hindi agad umimik si Tom.

Secret Prince (A Fan Fiction) ONHOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon