SHAINA'S POV;
"SHAINA!!!! Halika na dalian mo! Tignan natin yung sunset! Dali!!!"
"Ngayon ka lang ba nakakita nyan? My ghad Katty! Hindi pako nakakapag ayos!"
Agad kaming nakarating sa pampang.
"Wow... Nakikita mo ba nakikita ko Shan? Ang ganda di ba?"
Tumingin ako sa sunset at tinignan sya..
Pinagmasdan ko ang mga ngiti nya na nagpapatigil ng hininga ko.
"Sobrang ganda nga... Kamukha mo."
"Mukha ba kong lumulubog na araw sa dagat Ha!"
"Hahahahaha! Ang arte mo! Halika nga dito."
Niyakap ko sya patalikod.
"Ay.. lakas makarelationship goals oh! Grabe! Hahahaha"
Kumalas sya sa pagkakayakap ko at kinurot pisngi ko.
"WHAT! Hahahaha."
"Friendship goals! Hahahahaha!"
Sabay takbo papalayo.
Hahabulin ko na sana sya ng biglang dumating si Deric.
Alam ko naman.. na sa una pa lang talo nako.
"Deric.."
Nagyakapan sila at hinalikan ni Deric sa noo si Kat.
"Kamusta ang babe ko? Namiss moko agad no?"
Hinapit nya sa bewang si Kat na nagpaiwas sakin ng tingin.
"Pano mo nalaman na andito ako?"
"Kay tita. Oh, Hi Shaina!"
Kumaway ako at ngumiti.
"Sige mauna nako sa inyo. Lalanggamin lang ako dito. Hehehehe."
"No Shan, stay with us."
Pigil sakin ni Kat.
"Gusto kong mag Marisette Bar, magboy hunting ako. Hahaha!"
At nagsimula nakong maglakad palayo.
"What?! No! Dun ka lang sa Hotel!"
Napangisi ako..
Nagseselos ka ba Kat?
Natatakot ka ba na may makilala ako?
Na may mahalin ako?
"Hayaan mo na sya babe.. napakaprotective mong masyado sa bestfriend mo. Hahaha!"
"Baka marape sya dun!"
Ay, oo nga pala.
Bestfriend mo nga pala ako.
Hanggang dun lang yun.
YOU ARE READING
It's Not Me
Romance"Shaina... I'm sorry... Hindi ko sinasadya." Ngumiti ako at umiwas ng tingin sa kanya. "Okay lang.. Yung sinabe ko.. Kalimutan mo na lang. Kalokohan lang siguro lahat ng yun. Hahahaha." "Shaina.." Tumalikod ako at kusang tumulo ang luha ko.. "Mauna...