Prologue

100 4 4
                                    

May mga bagay na laging nangyayari sa Realidad, hinding-hindi na mawawala yun kagaya nalang ng pagkain araw-araw, paghinga, pagpunta ng eskwelahan o trabaho o kung saan man ang gusto mong puntahan.

Hindi ka crush ng crush mo.

Umaasa ka na magkakabalikan ulit kayo.

Hindi ka pa nagkakaboyfriend o girlfriend kahit kailan.

Kinikilig ka nalang sa love life ng iba.

Kinakain ka na ng K-Drama, anime, manga, webtoon, wattpad o kung ano man yan.



May mga tao ring mas gustong mamuhay sa Fantasy o pag-iimagine ng kung ano-ano kagaya nalang ng mga unicorn, dragon, Santa Claus.

Crush ka ng mga oppa mo.

Kagatin ka sana ng bampira kagaya ni Kaname.

Magkakatotoo sila Levi, Usui, Yato o sa ibang salita, mga fictional characters.

Gusto mo makapatay ng totoong zombie kagaya nung nasa The Walking Dead.



Meron rin namang mga umaasa nalang sa Illusion o belief. Akala mo totoo pero hindi pala. Ilusiyonada!

Yung akala mo crush ka rin niya pero hindi pala kasi akala mo lang yun. Tandaan, lahat ng "akala" ay nakakamatay.

May magbibigay ng mga pagkain na cinecrave mo.

Isang araw, pagkagising mo, may love life ka na agad.

Yung akala mo tutuparin niya mga pangako niya kaso napako.


Ako si Yuuraine Ezra B. Zaragosa. 16 years old. HUMSS Student. Minsan ng nasaktan pero hindi pa nagkakaboyfriend.


At ito ang aking kwento.


*


HIIII!!! THIS IS MY FIRST TAGALOG STORY WHICH CLEARLY MEANS THIS IS NOT GOOD AS YOU EXPECTED BUT I'M TRYING MY BEST TO MAKE THIS GOOD AS I CAN. THIS STORY IS ALSO A HALF- FALF. HALF FICTIONAL, HALF NON-FICTIONAL. SOME EVENTS HAPPENED IN THE REAL WORLD AT YUNG MGA CHARACTERS IS BINASE KO SA MGA UGALI NG MGA KAKILALA KO (pero yung ibang details naman is fiction nalang hehe)

AYOKO NA MAG-ENGLISH. ITO ANG UNA KONG TAGALOG STORY SO PLEASE LANG, KUNG MAAAWA KAYO SAKIN BASAHIN NIYO TO. MUAHAHAHA PERO KUNG AYAW NYO EDI WAG GUYS BABALA, MADAMING MURA DITO (lalo na yung isang lalaki na supporting character lang naman hmmp) IBANG KLASE RIN KASI MGA UGALI NG MGA CHARACTERS KO EH. BINALAAN KO NA KAYO, KUNG AYAW NIYO MAKABASA NG MGA BAD WORDS PWEDE NIYO NAMAN ISKIP YUNG PART NA YUN OR WAG NIYO NA BASAHIN ITO, GOODBYE NALANG T_T (huhu)

PAKILAGAY NIYO TO SA LIBRARY NIYO! HUEHUE ~Yunis

Reality (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon