"I like you."
Another day, another confession.
...
'Di sakin ah, asa pa ako, I'm a potato.
My bestfriend, Mio, looked at the guy while smiling. Pero hindi nagtagal, parang pinagsama-sama na lahat ng masamang hangin at napunta kay Mio.
"Like mo 'to." Sagot ni Mio. Sabay sampal dun sa lalaki. Sinimulan bugbugin ni Mio yung lalaki, sinasabutan habang umiikot na parang kinakaladkad. Hindi na ako nagulat.
"Walangya ka! Sasabihin mo gusto mo ako?! Pero ang totoo perlas ng sinalangan lang ang habol mo sakin! Hoy, updated ako! I know you're a f*ckboy who loves to target pretty ladies just to get inside their panties. Kadiri ka! Kung nangangati ka, kamutin mo mag-isa, 'wag ka na mangdamay, hindi ka gwapo, g*go!" Parang nakamegaphone si Mio kung sumigaw. Lalong dumami yung tao sa paligid kaya sa tingin ko kailangan ko na pigilan si Mio. Napakamot nalang ako sa ulo ko.
"Tama na, Mio!!!" Naihiwalay ko yung kamay ni Mio sa buhok nung lalaki. "Kuya, tumakbo ka na hangga't hindi pa nag-eevolve 'tong kaibigan ko!!" Sigaw ko kaya kumaripas ng takbo si kuya kasama yung tropa niya.
*
"Mio, let me remind you that you're a volleyball player, not a mixed martial arts player okay?! Bola dapat ang pinapatay mo, hindi tao." Nasa disciplinary office kami ngayon. Pinatawag kami kasi nakita sa CCTV camera yung scene na nangyari kanina. Medyo suki kami ni Mio dito pero ako hindi napapagalitan. Kausap namin si Coach Rich, coach ng volleyball team. Syempre, studyante niya si Mio eh.
"On the other hand, Yuuraine, you did a great job once again. You were not just born as a swimmer, but also a hero." From Lion to Bunny, real quick. Bago pa man ako makapagsalita, may humawak sakin sa ulo.
"Oo naman, studyante ko 'to eh. Kanino pa ba magmamana ng kabayanihan 'to? Edi sakin." Sabi ni Coach Lianne, coach ko siya sa swimming team. Parang may invisible laser na lumalabas sa kanilang mata, parang yung kay Superman.
+_______________________________+
"Parang humangin bigla, naramdaman mo yun Mio? Grabe ang hangin!!!" Sigaw ni Coach Rich. Napatingin nalang si Mio sakanya at napafacepalm.Medyo hindi kasi magkasundo ang coach ko at coach ni Mio. Baka LQ... charot!
"Hala ang immature, ano ka? Elementary? Tara na nga Yuuraine at Mio. Iwan niyo na yang matandang isip-bata." Pangangasar ni Coach Lianne. Magsasalita pa sana si Coach Rich pero natawa nalang kami ni Mio at umalis na ng disciplinary office. Nauna na si Coach Lianne kasi may gagawin pa daw siya kaya naiwan kami ni Mio. Naglakad-lakad nalang kami ni Mio sa hallway.
"Lagi nalang silang ganyan. Why can't they just marry each other already? Obvious naman na gusto nila yung isa't isa." Pagrereklamo ni Mio. Parang mas stress pa siya dun sa dalawang coach. Frustrated siya mga bes.
"Alam mo, hindi naman ganun kadali umamin at ayain pakasalan yung taong gusto mo no. Dahan-dahan lang dapat bes. Atsaka, bakit mo ba pinoproblema love life ng iba? Eh ikaw nga walang lovelife eh. Problemahin mo muna yu- ARAY!" Bigla akong pinalo ni Mio sa braso, masakit, volleyplayer 'to huhu.

BINABASA MO ANG
Reality (Tagalog)
Teen Fiction"Reality is a prison." "But you, yourself, create your own reality. Therefore, your actions is what it makes it reality." "So at the end of the day, what I do is what it is?" "It is what it is." (2017//Revised)