YUURAINE'S P.O.V
"Yuuraine!!! Wala akong assignment sa Filipino!" Sigaw ni Mio sa tenga ko. Takte, parang nakamegaphone. Kagigil.
Umagang-umaga, ayun ang bungad sa akin. Tae, kakapasok ko palang ng classroom eh. Medyo late ako ngayon pero mas late yung teacher. Yes!
"Aray naman!! Makasigaw parang ang layo ko ah." Pagsusungit ko sabay hawi sa kamay niya na pinatong sa braso ko. "Last week pa yun innanouce ah."
"Yun nga eh! Dahil last week, edi natural lang na makalimutan ko diba?!"
"Ay, so kasalanan pa ni maam?" Naloka ako girl, si maam pa mag-aadjust?
"..." Speechless siya eh. "Basta! May vacant naman tayo mamaya diba? Samahan mo ko magpicture!"
"Ano pa nga bang magagawa ko?"
Ang assignment namin sa Filipino is photography. Magpipicture ka ng kahit ano basta may deep meaning or may kwento yung pinicturan mo. Isa lang naman kailangan pero dapat bongga.
HUMSS (Humanities and Social Sciences) lang ang may gantong assignment or baka yung section lang namin which is HUMSS 11-A. Si Jacob at Tania naman ay kumukuha ng STEM (Science, Technology, Engineering, and Mathematics). Gusto ni Jacob mag-architect tapos si Tania gustong kumuha ng med-tech sa kolehiyo. Nagkikita-kita lang kaming apat pag may chance, break or may vacant pero ngayon hindi namin kaschedule vacant nila. Pumasok na kami sa next class which is Personal Development. 1 hour lang yun pero nakakabaliw professor namin dun. English speaking na nga tapos kung sino-sino pa tinatawag pag nagtatanong siya. Dapat straight-english din ang sagot mo. Kamatay diba?
Natapos ang Personal Development ng LAHAT ng studyante, natatawag ni maam. Galeng. Next class namin is P.E, may P.E kami tuwing Tuesdays and Thursdays. Isang oras. Pero pag Tuesdays, it's either sa gymasium kami or sa field ng oval track. Tapos pag Thursdays, lesson kami. Swimming ang sports ko pero hindi naman ako pwede mag-swimming in both location kasi mababagok ako.
Since Tuesday ngayon, mag-lalaro kami. Sabi ni sir sa loob daw kami ng gymnasium maglalaro. Kahit papano naman ay marunong ako mag-volleyball. Flexible kasi ako, at sporty talaga. Kahit anong bola naman nilalaro ko.
Sports na may bola.
Nag-dig&pass nalang kami nila Mio kasama yung iba naming mga kaklase. Yung iba naman ay nag-babasketball at yung iba nagbabadminton. Sa section namin ay majority of the class is sporty which is a good thing. Pagkatapos namin maglaro ay nagpalit kami ng damit para hindi matuyuan ng pawis.
"Ano ba gusto mong picturan?" Tanong ko kay Mio habang nagpupunas ng pawis.
"Malay ko? Hindi naman ako mahilig magpicture eh." Sabi niya sabay lagay ng lip and cheek tint at pulbos sa mukha. Retouch is a must.
"Ah kaya pala lagi kang nagpapalit ng dp." Pang-aasar ko sabay kuha ng lip and cheek tint niya. Para naman magmukha akong tao kahit papano.
"'Di wow."
May 30 minutes vacant kami ngayon kumbaga parang merienda time since 2:30PM na. Bumaba kami ni Mio at naggala-gala sa campus. Vacant din ng TVL (Technical-Vocational-Livelihood). Ka-schedule namin sila sa mga vacant at sa P.E pero pag Tuesdays, sila ang nasa oval track at pag Thursdays naman ay nasa gymnasium sila. Kabaliktad ng schedule namin. Ka-schedule naman ng STEM ang ABM (Accountancy, Business, and Management) sa mga vacant at P.E.
BINABASA MO ANG
Reality (Tagalog)
Fiksi Remaja"Reality is a prison." "But you, yourself, create your own reality. Therefore, your actions is what it makes it reality." "So at the end of the day, what I do is what it is?" "It is what it is." (2017//Revised)