Entry 3: Jamsel

58 6 4
                                    

Hahahahahaha! Yes! Ang laki ng GPA ko ngayon. Yes yes yes! Sana naman matuwa nito sila Mama at Papa.

So satisfactory. *tears of joy

-

"Jamsel! Asan ka na bang bata ka? Mag saing kana yung mga kapatid mo mamatay na sa gutom!" Si Mama.

Wow galing SOBRA. Ganda naman ng BUNGAD ng Nanay ko ngayon. OA, patay agad?

"Opo ito na po papasok na sa bahay. Pwede si Shenza lang muna Ma? Nakakapagod pa kaya kagagaling lang sa school. Kailangan pa ng brain cells ko ng pahinga." Reklamo ko.

"BRAIN CELLS? Ano yun kuya?" Bunso.

"Liya paglaki mo malalaman mo din yan. Cute mo talaga." Mabait na ako. Lol

"Kuya mag saing KANA!" Shenza

"Manahimik ka diyan Shenza! Manghugas kana tambak na kagabe pa yan."

"Mama o si Kuya!"

"Punyeta naman manahimik kayo! Kayo kaya maglaba ng mga brief niyo!" Mama naman! Nalaman tuloy ng mga kapit bahay namin na siya naglalaba ng mga brief namin. Nakakahiya 200x!!!

"Oh ano bat kayo natahimik? Nahihiya? Yan kasi kung sinusunod kaagad ang utos ng magulang, edi sana walang mabubuko."

*SILENCE*

.

.

.

"Magandang araw po!" Kelton? " Ahm. Hello po Mama ni Jemson, ah nandito po ba siya?"

"Ay oo nandon sa loob pasok ka Kelton."

Oh yes I'm save! Nice timing Kelton. Kaibigan talaga kita. Hezhezhez

-

"Hi Pare!" Bati niya sakin tapos lumapit sabay bulong. "Balita ko Mama mo pa rin naglalaba ng brief mo, totoo ba? Kelton

"Ito ka oh." Showing my pinky finger in front of his face. Hindi talaga ako sanay mag middle finger. Eh? Pero seryoso di ako sanay. Hahahahaha.

"Ang bading Pinky finger." Lumayo siya kunti.

"Manahimk ka nalang kaya? Pwede ba yun?" Ako.

"Okay lang yan pare. Gala tayo mamaya nila Hayme. Hintay lang ako dun sa sala set niyo with Liya." Gay

-
Oh diba? Saya ng araw ko. 😒

Sige see you next time gotta go. 😜

Daily Lives of College Students Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon