039

132 7 3
                                    

»When half of me is gone, 
How can I live as one? «

🍀🍀🍀🍀

NANG makaupo ako sa upuan sa tapat ng may bintana.  Agad akong tumingin sa labas.

Nakita ko sya. 

Teka- Anong ginagawa nya dito?

Nakita ko si Seungcheol hyung na hingal na hingal na tumitingin sa mga nakaupo.

Tumungo sya sa guard at kinausap ito, syempre di ko marinig.  Una dahil nasa loob ako pangalawa nakatalikod sya kaya di ko mabasa ang bibig nya. 

Naaalala ko lahat kung pano nagsimula. Nakakalungkot lang na isiping lalayo na ko sakanya.

Agad namang may nagsalita na sinasabing aalis na ang train.

Umandar na kami nakatingin lang ako kay Seungcheol hanggang sa mawala na sya sa paningin ko.

Goodbye Seungcheol hyung. . .

Naiinis ako sa sarili ko. 

Ang duwag ko.  Bakit ganun,  bakit di ko manlang nagawang umamin sakanya? 

"Oh iho,  bakit ka umiiyak?" napatingin ako sa lola na katabi ko. 

Umiiyak pala ako.  Di ko namalayang umiiyak ako,  agad ko namang pinunasan ang luha sa pisngi ko at ngumiti kay Lola. 

"Nako lola.  Hindi po, napuwing lang po ako" sabi ko pero napailing sya. 

"Alam kong umiiyak ka.  May naiwan ka no?" tumango lang ako. 

"Hays.  Mahirap talagang umalis ng may naiiwanan."

"Hindi naman po sa nahihirapan akong umalis ng dahil sakanya.  Sa totoo nga po kagustuhan ko to.  Gusto ko ng lumayo kasi ayokong lumalim yung nararamdaman ko sakanya"

"Kung ako sayo babalikan ko yun" tinignan ko si Lola,  nakangiti sya sakin. 

"Ha?  Eh bakit po?" naguguluhang tanong ko. 

"Aamin ako sakanya.  Kasi kahit na hindi nya matanggap na mahal ko sya atlis alam nya na mahal ko sya" napangiti nalang ako sa sinabi ni Lola

"Pero wala na po akong magagawa eh hehe,  pero salamat po sa sinabi nyo kahit papaano gumaan ang loob ko" sabi ko at ngumiti nalang din sya. 

Hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako. 

tell me why • cheolchanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon