043

157 7 0
                                    

»Without you I feel broke
Like I'm half of a whole«

🍀🍀🍀🍀

NANG makarating ako sa bahay nila lola agad kong binlock si Aikel or Seungcheol hyung,ayokong mag deact dahil gusto ko parin namang makausap sila Nanay at Dokyeom hgung tsaka yung iba pa.  Nakita ko yung huling message ni Seungcheol hyung.  Binlock ko narin yung sim nya sa phone ko kaya hindi na sya makakapag text sakin. 

"Apo,  kamusta naman ang byahe mo dito? " tanong ni Lola.  Ngumiti naman ako sakanya. 

"Okay lang po La. Gusto ko lang talaga kayong bisitahin" sabi ko at tumabi sakin si Lola.  Simula kasi ng maging busy sila Mommy at Daddy si Lola na ang nag alaga sakin.  Sya din ang nagpadala sakin sa Seoul para dun mag aral. 

"Apo,  umamin ka nga saakin.  Bakit ka malungkot?  Hindi ka ba nakapag dala ng brief—" ayan nanaman si Lola pinapaalala nanaman yung masalimuot na nakaraan. 

"La naman eh! "

"Joke lang hehe, pero yung totoo nga. Bakit ang lungkot mo?  Hindi ko mabasa sa bibig mo dahil palagi kang nakangiti pero kahit kailan di mo madadaya ang mata mo.  Halata sa mata mo ang lungkot.  Apo, nandito ka nga sa tabi ko pero ang layo ng isip mo"

Oh tignan mo,  buti pa si Lola napansin yung nararamdaman kong kalungkutan.  Si Seungcheol hyung hindi man labg mapansin pagmamahal ko sakanya Tsk! 

"Ganun pala yun no La?  Kahit na pilit akong lumalayo kay Seungcheol hyung,  lalo ko lang syang naaalala" sabi ko at natingin kay Lola. 

"Hays.  Ano nanaman bang nangyari kay Seungcheol at sayo?" kilala ni Lola si Seungcheol hyung.  Dahil tuwing bumibisita ako dati sya laman ng bibig ko.  Sya yung pabaon kong kwento kay lola. 

"May mahal syang iba La, gusto ko na syang layuan pero bakit parang lalo ko lang namimiss yung presensya nya"

"Ganto kasi yan apo.. The more na lalayo ka sakanya,  the more na maaalala mo sya.  Simple lang kasi iniisip mo sya,  lagi mong tinatatak sa isip mo na kalimutan sya.  Pero dahil sa mga bagay na nakasanayan mo na.  Kahit sa basurahan lanv eh maaalala mo sya,  ulti mo pagtae mo nga ata si Seungcheol ang nasa isip mo ano?"

"Ang dugyot naman nyan La!  Pero oo sya nga" napa pout nalang ako. 

"Hay nako apo.  Mabuti pa't matulog ka na alam kong napagod ka sa byahe.  Bukas na natin pag usapan si Seungcheol"

"Sige La goodnight" kiniss ko si lola sa noo nya at umakyat na sa kwarto ko para matulog. 

🍀🍀🍀🍀
Hala ako rin chan 😭😭 Goodnight kiss mo rin si accoe! 

tell me why • cheolchanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon