Chapter 2: Special Birthday Present

27 1 0
                                    

Open me.....

Di ko alam kung bakit ako kinabahan sa nabasa ko. dala na rin ng kyuryusidad ay ipinasok ko ito sa loob ng bag ko at mamaya ay titignan ko kung ano ang nasa loob ng CD'ng ito. Pumasok sa isip ko sina mama't papa pero mabiis akong umiling dahil sa ideyang pumasok sa isip ko. Naghugas na ako ng aking kamay pero nakatingin pa rin ako sa bag ko kung nasaan ang CD.

Nang matapos ako ay lumabas na ako sa CR at umupo ulit sa upuan kong nasa pinakahuling row kaya di na ako nahirapang hanapin ito.

"Our school have a council consist of 7 students and I am one of them. If you are planing to ask me who they are, better stop it. I won't answer your question because even I am one of the council, i don't know who they are." Sabi nung Roselia habang inililibot ang paningin sa amin. "Is it clear?"

"Yes!" Di ako nakisabay sa pagsabi ng yes dahil masyado akong naguluhan sa sinabi niya. isn't it strange that the students here don't know who are the student councils?

"Okay. You can now proceed to your respective class. that's all for today" Sabi niya saka pumasok sa backstage. Sinundan ko sya gamit ang aking tingin at nang tuluyan na siyang makapasok dito ay saka ako tumayo ng tuluyan at lumabas sa hall. Para naman akong nanibago sa temperatura dito sa labas dahil medyo malamig sa loob ng hall.

Kinuha ko sa bulsa ko ang binigay ni manong na mapa at hinanap dito ang principal's office. Nang makita ko ito ay naglakad na ako at saka kumaliwa kaya dinaanan ko ang Aguinaldo building at saka kumanan at kumaliwa ulit at dumeretso. Nakita ko na ang signage na may sulat na 'Principal's Office'. Kumatok ako dito ng tatlong beses.

"Come in!" Rinig kong sigaw ng nasa loob, must be the principal.

I opened the door and enter there. I look around here inside the office. It is simple but the elegance is still at presence.

"You must be the transferee  from St. Jerome University." Principal said while looking at me from head to toe. "Please take your seat."

Umupo naman ako sa isang mini sofa na nakaharap sa mesang Principal at idinekwatro ang binti ko.

"Good Morning Ms. Principal. I'm sorry for the disturbance." Sabi ko sabay tungo.

"What brought you here?" Tanong sa akin ni Ms. Principal habang may binabasang papel.

"I am here to get my schedule Ms. Principal." Sabi ko habang tinitignan ang mga kuko ko sa kamay.

I don't know if it's just me or not. But I have this strange feeling in Ms. Principal's presence, something....eerie.

"Oh yeah. I forgot to give it to your Mother." sabi niya sabay bukas ng drawer niya sabay halungkat dito. "You know? Your mother is great." She said while checking the pile of paper. "honestly, your mother is an idol of mine, we're friends. Very great friend. "

"You reminds me of her so much. Its like the two of you are photocopied. Hahaha." sabi nito sabay tawa ng mahina. Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasasabi niya. Di ko alam na magkakilala sila nina Mama. "Oh here it is." sabi niya sabay ayos ng upo. "Here is your schedule."

"Thank you Ms. Principal." sabi ko sabay tayo at bahagyang nag-bow.

"Nah. You can call me Tita Precy." sabi nito sabay wink sa akin.

Tumalikod na ako at saka nagsimulang maglakad. I frowned when I hear her chuckle. Psh.

***
Matapos ang morning period namin ay lumabas na ako sa claasroom. Marami-rami rin akong nakasabay sa paglabas dahil lunch break na. Nang madaanan ko ang canteen ay napansin kong napakaraming bumibili, siguro posibleng magkaroon ng mini-stampid.Rinig na rinig ko dito ang mga kwentuhan, tawanan at sigawan ng mga estudyante. Napakasakit sa tenga.

Linagpasan ko ang ang canteen at dumeretso sa bench area at umupo dito. Inilabas ko ang Laptop ko at ang CD na galing sa kung sino man.

'Siguro regalo ito.'

Inilagay ko na ang CD sa lalagyan ng CD. Nabigla ako nang maging black ang screen. Lagot! Siguradong papatayin ako ni Mama kapag may virus ito!

Napanatag ako nang may lumabas na mga words pero at the same naguluhan din.

"One Click and you Time will Tick until you can Never be Seek." Mahinang basa KO dito. Di ko alam kung bakit naging matahimik ang paligid ko. Ang tanging naririnig ko lamang ang mabagal na galaw ng hangin at ang pag-click ko.

Nagfade ang mga words na ito at napalitan ng isang picture. Kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Unti-unti nang tumutulo ang butil ng pawis sa noo ko dahil di ko rin maipagkakaila ang tindi ng init ngayon lalo na at tanghaling tapat ngayon.

'Sina mama at papa.'

Nakaupo sila sa sofa habang nanonood ng TV. Halata namang nasa labas ang nagpicture nito dahil nasama sa picture ang railings ng bintana namin.

'Wait.. Kung hindi sila ang nagpicture, edi sino?'

Kumunot ang noo ko and at the same time ay naguluhan. Ibig sabihin hindi ito galing sa kanila.

Bigla naman ulit itong nagfade at lumabas ang mga words.

"I think your getting it." Mahinang basa ko sa mga words na nakikita ko ko sa laptop.

Halos mabitawan ko ang aking laptop dahil sa nagpop out na litrato.

"N-no w-way..." Sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Ang nasa litrato ay sina mama at papa...... D-Duguan..

Mas lalong tumahimik ang paligid ko at ang tanging naririnig ko lamang ang mahinang pag-iyak ko. Ang tunog ng mga dahong tila ba ay sumasayaw at pinapasaya ako sa gitna ng aking pag-iyak.

'Happy Birthday! As your birthday present, I manage to kill your parents and now your next....

   From:
CD'

-Y-

Corpus DataWhere stories live. Discover now