Zeus.
Hawak hawak ko ang kamay niya at hinila ko siya palabas ng ice cream parlor. Ang ganda na sana ng mood naming dalawa kung hindi lang dahil sa mga chismosa sa paligid. Tsk. Tumigil ako sa paghila ng makarating kami sa kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto at mukang ayaw pa niyang kumilos. I have no choice kung hindi pilitin siyang sumakay.
She looked at me with disbelief.
"Sige. Iyak na." Umiyak na nga siya gaya ng sinabi ko. Iniwas ko ang tingin ko at hinayaan ko na lang siyang umiyak. I'm sorry Martha. I love you so much that's why I don't want to see you crying. But, you need to.
"Kapag pagod ka na. Bumitaw ka na." Hindi ko siya magawang tignan. Pinokus ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa kalsada na para bang 'yon na ang pinakamagandang bagay na nakita ko. Nagtutubig na ang mga mata ko at ayokong makita niyang naiiyak ako at nasasaktan para sakaniya. "Ang pagibig kasi ay parang sinulid. Kapag nakabuhol na kailangan mo ng putulin kasi kahit anong gawin mo di mo na yung maaayos pa. Kagaya ngayon, kung nasasaktan ka na itigil mo na." Hindi agad siya nakapagsalita. Pero rinig ko pa ang mahina niyang paghikbi. Tangina! Nasasaktan ako! Nasasaktan akong nakikita siyang ganito.
Martha, you deserved better. Hindi yung ganito...
"Hindi ko kaya." She said between her sobs. Yeah. Right. Hindi niya kayang mawala kay Jake. Tangina! Ang swerte niya. Ang swerte swerte niya na mahal na mahal siya ng babaeng pinapangarap ko. "Zeus, salamat dahil nandito ka. Pero di mo kailangang damayan ako. Masaya akong may isa akong kaibigang kagaya mo." Kaibigan? Oo nga pala. Hanggang doon lang pala kami. Hindi ko alam pero parang nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya.
Gago ka Zeus! Hindi mo ba tanggap na hanggang kaibigan ka lang? Fuck!
"Mahal kita Martha, naiintindihan mo ba yon? Mahal na mahal kita kaya ayokong maging kaibigan mo lang!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Halatang nagulat siya sa inaakto ko at miski ako ay nagulat din. Hindi ko akalaing sisigawan ko si Martha pero gusto kong ipaintindi sakaniya na maawa naman siya sa sarili niya. "Ayokong nakikita kang umiiyak dahil lang sa lalaki. Pinakasalan ka niya, asawa ka niya kaya may karapatan kang magalit sakaniya pero kapag hindi na talaga pwede, tama na. Tama na Martha!" Malakas na sigaw ko atsaka pinagsusuntok ang manibela ng kotse ko. Ramdam ko ang pagbasa ng pisngi ko at hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak.
Ang sakit. Napaka-sakit na may mahal na iba ang babaeng pinakamamahal mo. Sobrang nakakagago na handa kang saluhin siya pero ayaw niyang bumitaw sa relasyon nila ni Jake na wala namang pagmamahal.
Martha, ako na lang. Ako na lang ang mahalin mo.
"Ikaw ang makinig sakin Zeus! Alam mong may asawa na ako kaya dapat hindi mo na ako mahalin pa. May iba dyan na kagaya mong walang commitment hindi kagaya kong kasal na." Nagulat ako ng pati siya ay sumigaw na din. "Layuan mo na ako Zeus. Please iwanan mo na ako. Wag na ako. Hindi na tayo pwede." Layuan? Tangina! Martha, kung kaya ko lang gawin ang pinaguutos mo, matagal na sana kitang layuan. Pero hindi, hindi ko kaya. Para akong dinudurog, para akong pinapatay.
I looked at her when she put her hands in her face and started to cry again. Cry again... Because of me. Because of a jerk like me.
Hindi ko na pigilan ang sarili kong yakapin siya. I hugged her tight and kissed her hair. Hindi naman siya tumigil sa pagiyak at hinayaan ko na lang na yakapin siya. "Tahan na. Sorry. Sshh. Stop crying. It fucking hurts to see you crying. Please Martha." Inangat niya ang muka niya at mabilis na lumayo sakin. She wiped her tears na sana 'yon ang ginawa ko at hindi ang sigawan siya.
Napakatanga ko. Ang tanga tanga ko.
"Kung nasasaktan na kita, tama na Zeus. Hindi ka bayani para magpaka-martyr sakin." Natigilan ako sa sinabi niya. Oo di nga ako bayani pero handa akong saluhin ang bala na tatama sakaniya. Ganon ko siya kamahal.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Destiny (#ZeuRa)
Short Story✅ COMPLETED ✅ SPECIAL CHAPTER of Married To Mr. Artista #3: [Hera Nicole & Zeus Arkin's special chapter] Hanggang saan lang kaya ang kayang gawin ni Zeus saalang-alang ng pagibig? Kaya niya kayang kuhanin ang babaeng pinaniniwalaan niyang destiny n...