Zeus.
"Mukang ayos na daw yung magasawa ah?"
"Oo nga. Sakin pa nanggulo ang gagong 'yon. Sabi na e, mahal naman niya ang asawa niya dati pa. Tsk, torpe pa kasi e. Gago talaga!" Iling-iling na sabi ni Clyde kay Aries.
Hindi na ako nagsalita pa at tahimik na lang akong uminom. Nasa bahay kasi ang dalawang gago at talagang dito pa nila naisip na pagkwentuhan si Martha at Jake? Nakakagago naman talaga oh. Hindi ba sila aware na nasasaktan ako dito? Tangina!
Inisang inom ko ang alak na hawak ko ng magring ang cellphone ko. Tipid akong napangiti ng nagtext sakin si Hera. Siya yung babaeng na-meet ko sa bar few days ago. Kagaya ko ay broken hearted din siya. Kaya siguro nagkasundo kaming dalawa. Isa pa mabait si Hera at sobrang amo pa ng muka niya, muka talaga siyang anghel. Kung tutuusin nga ay pwedeng pwede ko siyang ligawan para makatulong sakin sa pag-mumove on kay Martha. Pero hindi. Hindi ako kagaya ng dalawang to na sobrang gago para manakit ng damdamin ng mga babae. Sobrang bait ni Hera gaya ni Martha at hindi bagay dito ang gawing panakip butas lang.
Kinuha ko ang cellphone ko para mag-reply sakaniya ng makaramdam ako ng pagbato galing sa likod. Tinignan ko ng masama ang dalawa at nakangisi lang ang mga gago sakin. "Ano bang problema niyo ha?" Tangina. Sila ang punta ng punta dito, nanahimik ako e. Pagumpugin ko tong dalawang to e.
"Haha. Wala naman, napagusapan ka na kasi namin pero hindi ka nakikinig. Ano? Bagong chicks ba yan? Pakilala mo naman kami oh." Nakangising sabi ni Clyde. Naku po! Si Clyde pa ba? Eh ang isang to ang pinaka-gago sa lahat. At swerte ng walanghiyang to at hindi pa nasasaktan. Kapag talaga ito ay umiyak nang dahil sa babae, pagtatawanan ko talaga to.
"Clyde, ayaw mag-share nan ni Zeus. Damot mo pre!" Parang batang sabi naman ni Aries. Kinuha ko ang tissue holder na malapit sakin at ibinato ko 'yon sakaniya. At ang swerte ni kupal at nakailag pa. "Gago! Muntik na ang muka! Ang daming manghihinayang kapag nagasgasan ang gwapo kong muka!" Ang sama ng tingin niya sakin pero wala akong pakialam. Sila tong nanggugulo sa buhay ko e. Bahala sila dyan. Tsk!
Hindi ko na lang pinansin ang dalawa at nagreply na ako kay Hera. Ilang segundo pa ay mabilis na nagreply si Hera. Babasahin ko na sana ang text niya ng kuhanin ni Aries ang cellphone ko.
"Fuck! Ano ba!" Seryoso. Paguuntugin ko na talaga tong dalawang to.
"Pwede ba tayong magkita bukas? Kung hindi ka busy?" Malakas na basa ni Aries sa reply ni Hera. "Uyy, niyaya siya ng babae. Tangina! Napahanga mo ako don, Pareng Zeus." Tawa ng tawa si Aries ng ibalik nito sakin ang cellphone.
Binura ko agad ang reply ni Hera ng makuha ang cellphone ko at masama ko silang tinignan. "Alam niyo umuwi na nga kayo! Istorbo kayo e!"
"Eto naman si Pareng Zeus nabuking ka lang dyan e. Uyyy, lumalove life." Patuloy pa na pangaasar ni Clyde. Hindi na ako nagsalita at tumalikod na lang ako sakaniya. "Huy! Sino ba yan? Si Sheena ba yan? Si Andy or si Mikaela?" Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at hindi na ako sumagot pa sa tanong niya. "Hoy Pare!" Pahabol pa nito. Tsk, bahala kayo dyan. Mga gago kayo!
"Tange, baka si Beth 'yon." Pahabol pa ni Aries. Mga gago talaga, wala sa mga binanggit niyo!
Iling iling ako ng pumasok ako sa kwarto ko at sinara ko agad ang pinto. Baka sumunod pa yung dalawang 'yon e. Lahi pamandin ng makukulit ang dalawang 'yon. Hindi ka nila tatantanan kakakulit. Ewan ko ba, parang babae ata ang dalawang 'yon. Napaka-dadaldal kasi. Tsk.
Humiga ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa. Buti na lang hindi naka-save ang number ni Hera dito sa cellphone ko kaya hindi nabasa ni Aries kung sino ang nagtext sakin. "Mamatay kayong dalawa sa kakaisip." I smirked at agad na nagreply kay Hera.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Destiny (#ZeuRa)
Nouvelles✅ COMPLETED ✅ SPECIAL CHAPTER of Married To Mr. Artista #3: [Hera Nicole & Zeus Arkin's special chapter] Hanggang saan lang kaya ang kayang gawin ni Zeus saalang-alang ng pagibig? Kaya niya kayang kuhanin ang babaeng pinaniniwalaan niyang destiny n...