Zeus.
Hindi ko alam kung saan ko ba pwedeng dalhin si Hera pero nang may makita akong restaurant na nadaanan namin ay tumigil ako at pinark ko ang sasakyan ko sa tapat non. Open restaurant ito na para bang organic restaurant ang disenyo.
Ako ang unang bumaba para pagbuksan siya ng pinto at napangiwi na lang ako ng mabilis na itong nakababa. "No need Zeus. I'm fine. Thank you anyway." Nakangiting sabi pa nito at natawa na lang tuloy ako. Well, I guess Hera is not like the other girls I've dated before. Mas cool pa nga ata ito kaysa sakin. Hehe. "Tara na? I'm really starving." Humawak pa ito sa tyan at nangusot ang ilong.
Wow! As in wow! Hera is really different.
Iling iling na lang ako ng magkasabay kaming pumasok sa loob ng restaurant. The waiter approached us at sakto naman at hindi na kailangan ng reservation. Iginaya kami ng waiter sa area na hindi masyadong nasisikatan ng sinag ng araw. Open kasi ito as in walang bubog. Although, mainit dahil malapit ng mag-lunch time, hindi masyadong maalinsangan ang lugar. Malamig at sariwa ang hangin na nakakagaan sa pakiramdam.
I was about to pull a chair for her ng umiling na naman siya at malapad na nginitian ako. Wala na akong nagawa at umupo na lang ako sa upuan sa tapat niya. "You're really different huh?" Hindi ko na maiwasang ikomento. Tatlong beses na akong nabara e. Tsk. Wala talaga akong kaalam alam pagdating sa mga babae.
Makapagpaturo nga don sa dalawang gago.
"Am I? Is that a positive or negative?"
"A positive." Tipid na sabi ko. Sakto naman na dumating ang waiter at inabutan kami ng menu book. Hindi naman kami namili pa ng pagkain at parehas na pasta ang inorder namin. Seafood marinara for me and tuna pesto naman for her at parehas na orange juice na lang ang inorder namin. "Do you want some deserts?" Tanong ko pa. Umiling lang siya kaya umalis na ang waiter.
Mahabang katahimikan ang dumaan sa pagitan namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko, nahihiya ako at baka mabara na naman niya ako at mukang ganon din naman siya. Awkward.
"Anyway, thank you pala don bar kung saan tayo unang nag-meet? Gumaan kahit papano ang pakiramdam ko kasi may nakausap ako." Nakangiting sabi nito. "Nakakatawa lang at sa tagal ng panahon ay ngayon ko lang naisipang mag-move on na sana dapat ko pang ginawa." Iling iling na sabi niya habang nilalaro laro ang tissue holder na nakapatong sa lamesa.
"It's okay. I'm glad na nakatulong ako kahit hindi ako aware. And thank you din kasi dahil sayo natanggap ko na din na hindi na kami talaga pwede ni Martha." Late ko ng na-realize yung binitawan kong salita kasi nagangat siya ng tingin at bakas sa muka niya na hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Goddamnit!
"Eto na po ang order niyo Ma'am and Sir. Enjoy your date po." Nakangiting sabi ng waiter na nag-serve ng inorder namin. Hindi ko na inintindi ang pagsabi niya ng 'date' dahil thankful ako at dumating siya. Tangina!
"Oh." Mahinang komento niya. Siguro iniisip pa din niya yung sinabi ko. Tangina talaga Zeus! Minsan ka na nga lang magsalita, wala pang kwenta! "Let's eat." Nilingon ko siya at malapad na ulit ang pagkakangiti niya. She tried to ignore what I said a while ago. Thanks to her.
Another awkward silence came. At tanging paglagutok lang ng kobyertos at ang paglunok namin ang maririnig.
Another first time.
First time kong matameme sa date. Oo, tahimik talaga ako lalo na kung ayaw ko sa kasama ko. Pero si Hera to e. Si Hera tong kaharap ko pero bakit nakakaramdam ako ng hiya? Tangina! Para akong teenager. Para akong high school student na pinansin ng crush. Tangina talaga!
"Ah Zeus?" Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtingala ko para makita ko ang maamo niyang muka. "Can I ask you some question? You know para naman mawala ang ilangan natin." Natatawang sabi niya. Hays, mukang pati siya ay nararamdaman 'yon. Sabagay ngayon lang naman ang first date namin together na hindi lasing.
BINABASA MO ANG
The Unwritten Destiny (#ZeuRa)
Short Story✅ COMPLETED ✅ SPECIAL CHAPTER of Married To Mr. Artista #3: [Hera Nicole & Zeus Arkin's special chapter] Hanggang saan lang kaya ang kayang gawin ni Zeus saalang-alang ng pagibig? Kaya niya kayang kuhanin ang babaeng pinaniniwalaan niyang destiny n...