Chapter 4 (Part 2)

483 7 0
                                    

Zeus.

Pero ang plano kong pag-amin sana sakaniya ay hindi na natuloy. Naging busy na kasi kami pareho sa kaniya kaniya naming field. Bukod sa business ni Daddy na ako na ang nag-mamanage ay nagtayo pa kami ng sarili naming business na apat. Kaya sobrang busy talaga ako at siya naman ay busy sa lumalaki niyang negosyo at nagsisimula na din siyang tupadin ang mga pangarap niya.

Isa pa, hindi ko pa din kayang i-level up ang relasyon namin ni Hera dahil kay Martha.

I still love Martha, halos dalawang dekado ko siyang minahal kaya imposibleng basta na lang 'yon mawala iyon. She still holds a special space in my heart na kahit si Hera na ang lahat ang omookyupa ng lahat ng 'yon, meron pa ding puwang dito sa puso ko si Martha.

Kaya ng nabalitaan naming wala na siya, part of me was also gone. Para na din akong namatay. Bumalik ako sa pagiging tahimik, masungit, mysterious at kahit si Hera ay hindi na niya ako kayang pasayahin.

How?

Paano ako magiging masaya kung nawala si Martha hindi lang sa buhay ko kundi sa buhay naming lahat? I cried, I grieve and my life becomes black and white. Ayokong maniwalang wala na siya, ayokong maniwala iniwan na niya kami, ayokong maiwala na agad siyang kinuha samin.

Hindi ko kaya...

"Zeus, kumain ka na kaya dyan." Nilingon ko siya ng magpatong siya ng dalawang putaheng ulam sa harap ko. "Sabi nila Aries hindi ka daw kumakain e. Kaya pinuntahan kita para sabayan ka." Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang siya.

Nagsimula na siyang maglagay ng pagkain sa plato. Ayoko mang kumain pero wala akong choice dahil kay Hera.

Minsan naisip ko na baka sa sobrang pagluluksa ko sa pagkawala ni Martha ay baka tuluyan na ding mawala si Hera sakin. Ayoko namang mangyari 'yon pero ayokong maging unfair sakaniya, ayokong piliting maging masaya kahit hindi naman talaga.

We started eating at panay ang kwento niya. Nag-ooperate na daw ang coffee shop nilang tatlo nila Michelle at Yumi and so far ay ayos naman daw ang sale. Nagtatrabaho na din siya dito sa construction firm bilang Interior Designer namin pero ang shipping line business niya ay nagooperate pa din pero may mga hinire na siyang mga tauhan na siyang nagmamanage non.

"Zeus." Nagangat ako ng tingin ng tawagin niya ako. "Alam kong nagluluksa ka sa pagkawala ni Martha. Kahit naman ako, kami. Sobra kaming nasasaktan pero ayaw ni kambal na nakikita tayong ganito. Sabi niya, life goes on. Sabi niya dapat masaya tayo kahit pa nasasaktan tayo." Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. "5 years? 5 years na siyang kasama ng nasa Itaas. At nakikita niya tayong nalulungkot, nasasaktan at umiiyak kaya alam kong pati siya ay nalulungkot din." Pinikit ko saglit ang mga mata ko at muling nagmulat. Inalis ko ang kamay niya at kinuha ang coat ko na nakasabit sa upuan ko. "Zeus!" Hindi ko siya nilingon at nagtuloy tuloy lang ako palabas ng opisina.

Sumakay ako sa sasakyan ko at doon ko inilabas muli ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong hindi ako dapat na ganito dahil hindi naman ako ang asawa. Pero kasi ako ang kababata niya, minahal ko siya ng sobra na halos ibigay ko na ang buong buhay ko sakaniya at ngayong wala na siya, hindi ko matanggap. Ayokong tanggapin. Hindi ko kaya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagsimula ng magmaneho. "Sorry Hera, mahal kita. Mahal na mahal kita pero di ko kayang maging masaya na alam kong wala na ang babaeng minsan ko ding naging mundo. Kailangan ko lang mag-move on para naman kapag minahal kita, buong buo ako. Walang bahid ng past, walang Martha at walang dating Zeus."

Please wait for me Hera.

~~*~~

"What? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?" Tinignan ko siya at tumango lang siya. "Paano?" Nangangatal na tanong ko. Hindi ako makapaniwala.

The Unwritten Destiny (#ZeuRa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon