70

166 5 1
                                    



Lumipas ang mga araw, buwan at taon, Dumami ang mga projects ko at naging hectic schedules ko. 

Ni maayos na tulog yata wala ako. May schedule ako ngayon para sa isang Cf. Ang sabi may kasama akong rookie group, di naman pinakilala sakin ng Manager ko.

I am not in the mood para umalis ng dorm pero my manager scolded me. Hays.

Tinry kong matulog sa van pero may isang asungot na nambwibwisit eh.


Johnny: Hoy

You: hoy ka rin 

Johnny: Asan ka ba

You: sa earth.

Johnny: Gaga, umayos ka nga. Kasama ko na si Ten dito.

You: Edi wow

Johnny: Bilisan mo na kanina pa kami dito eh

You: ako ba yung nagd-drive? 

Johnny: paliparin mo na yung van nyo -tenten


Di ko na sila ni-replyan. Alam ko na kung sino mga kasama ko sa Cf na yon. Kahit di na kami nag-uusap ni Jaehyun, close pa rin naman ako sa NCT.

Ang Huli nyang sinabi sakin ay wait me. wag kang mapapagod hintayin ako, kari.

Ayun lang, pero anong petsa na? haha.

Hindi ako tinantanan ng mga unggoy na yon hanggang di pa ko nakakarating sa venue. Bwiset na Bwsiet din naman ako set kaya lagi akong nasisita ng director. 

Thank you sa mga unggoy na kasama ko.

"Sumama ka na, Kari. Magtatampo si Daddy kapag di ka pumunta ngayon." Sabi ni Ten sakin na parang kinokensensya pa ako.

"Oo nga, magagalit si Daddy." Pa-beking sabi ni Johnny. Nakiki-Daddy naman 'to.

"Daddy ko yon! Hindi mo sya daddy!" 

"Edi si Tito!"

"Ano naman ang mapapala ko kung pupunta ako don? Family nyo yon Ten."

"Family natin, Kari." 

Pasimpleng naubo si Johnny sa tabi namin ni Ten. " Kikiligin na sana ako kaso wag na lang pala."


Nagpaalam ako kay manager, hindi pa ako tapos magsalita, Um-oo na siya. Ibang klase. Tsk.

"Matutuwa sina Mommy kapag nakita ka nya ulit." Sabi ni ten habang nagd-drive.

"Oo nga, Kari. Matagal na rin simula nung huli kang nakita ng Mommy."

"Hindi mo yon Mommy, Johnny!" Sigaw naman ni Ten kay Johnny na nasa backseat.

"Edi si Tita!"


Nag-sigawan lang sila ni Johnny hanggang sa makarating kami sa isang... Food park? Oo nga, matagal ko na rin hindi nakita sina Mommy. 4 years? Oo, 4 years na nga rin yata pero never pa kaming nagpunta ni Mom sa isang food park. Si Ten ang lagi nyang pinasasama sakin whenever na inaaya ko siya magpunta sa Food Park.

"Dito? Andito si Mom?" Tanong ko kay Ten. "Yup, Mom is here."

Malayo pa lang natanaw ko na si Mommy sa isang Food stall. Naka-upo kasama ang Daddy ni Ten at ang isang Familiar na babaeng may-edad na rin.

inoubliable | jung  jaehyunWhere stories live. Discover now