JEMEIAH'S POV
"Ah sorry" hingi ko ng paumanhin sa taong naapakan ko nang umatras ako. Paglingon ko ay si Eriane pala.
"It's ok" sagot naman niya at walang lingon-likod niya akong iniwan. Bumalik siya sa kaniyang mga kabarkada na maiingay at maaarte.
"Nakatitig ka nanaman sa kanya." Panunukso sakin ng kaibigan ko.
"Napatingin lang, iba yun sa tinititigan yung tao." Depensa ko naman.
"Ok, sabi mo eh. Tsaka, wala kang pag-asa dyan kasi magaganda at mga outgoing na tao ang type niyan. Wag ka ng umasa. Mas-masasaktan ka lang. Halika na nga." Hinila niya na ako at dinala sa mga kaibigan namin.
Hindi man halata ay kaibigan ko talaga tong taong toh, kasi wala siyang sawang pinapaalala sakin na hindi ako maganda at hindi ako mata-typan ng kahit na sino. . .hahaha
Na-gets niyo ba? Sige linawin ko na lang. Babae ako at si Eriane na tinititigan ko raw ay isang babae rin. Bisexual ako at ganun din naman siya. Kaya lang, ang mga nagiging girlfriend o boyfriend niya ay yung mga magaganda o gwapo talaga at malayo ang personality sa akin. So ayun. Pero di ko siya gusto. Nagagandahan lang ako sa kanya.
May gathering ang department namin at dahil magka-department kami ni Eriane eh nakasalamuha ko siya ngayon. Magkakilala kami, actually iisa ang circle of friends namin nung high school kaya lang di kami close. Kapag nagkikita kami ay nagpapansinan naman kami, tanguan nga lang pero atleast pinapansin niya ako at ganun din naman ako sa kanya.
Natapos na ang assembly at magsisimula na ang mga walang kwentang pakulo ng mga organizers. Habang nakaupo sa monoblock chair sa isang gilid ay nahagip ng mata ko ang grupo ng mga studyante na tumatakas palabas ng hall. Kaagad kong nakilala ang isang pigura na kasama sa mga ito, walang iba kundi si Eriane.
Mga pasaway talaga pero naiintindihan ko naman. Maski kami ng mga kaibigan ko ay gusto na ding magsarili kaysa sa mabagot sa boring na mga pambatang palaro na naihanda. Wala lang kaming lakas ng loob na tumakas, di tulad nila.
Lumipas pa ang isa't kalahating oras bago kami pinalabas para maghanda ng mga kanya-kanyang booths ng klase.
Tambay ako ngayon dito sa booth namin, di sa pagmamayabang pero ako ang pinaka-gusto nilang tumoka dito. Announcement booth itong set-up namin ngayon. Pwede kang magrequest ng message o kanta sa booth namin. Patok na patok nga 'toh eh, naglalabasan lahat ng mga naglalandian at nagtotorpehang mga tao.
Katatapos ko nga lang magbasa ng isang buong yellow paper na pag-amin ng isang lalaki sa ini-istalk nitong babae eh. Grabe lang! Talo pa yung pinasa kong book review sa isang subject namin.
Hindi naman sa pakiki-alam pero nagkaroon nga siya ng lakas ng loob para umamin pero pati ba naman yung pagbibilang niya kung ilang beses pumunta ang iniirog nito papuntang ladies room sa isang araw eh sinabi. Creepy lang!!
"Girl, may request oh!" May inabot na isang red rose ma may note na nakasabit.
"Favor daw, Pwedeng pabasa daw yang nakasulat sa harap nung crush niya?" Bulong sakin ng kaklase ko.
"Sino crush niya?! Baka naman kung sino yan ah. . .Yoko nga!" Maarte ako noh. Kapag di ko type yung tao eh di ko ginagawa yung hinihinging favor. Bahala sila dyan. Taga basa lang naman kasi ako kasi boses lang asset ko.
"Si Eriane yung pagbibigyan mo niyan, diba friends naman kayo? Kaw rinequest eh. Gusto niya daw boses mo. Haranahin mo daw tapos tanungin mo kung pwede siyang isayaw." Pagpapaliwanag niya sa akin.
"Kung kunwari, kung sakali na pumayag siya sa sayaw, sino magsasayaw sa kanya? Ako din ba o yung taong yan? Tsaka akala ko message lang sasabihin ko, bakit ako kakanta? Lugi naman ako niyan. Daming tao kaya."
BINABASA MO ANG
UNI (gxg)
Romance"Stop pretending to be my jealous girlfriend Rian." "Just because I'm not your girlfriend doesn't mean I can't get JEALOUS Eya!"