CHAPTER 5: Gusto ko ng chicks ^___^

88 11 1
                                    

ERIANE'S POV

"Patingin picture niya. Maganda?"

"Hmmmmmm. . . Pagiisipan ko muna. . ." Sabi ko habang nakatingin sa babaeng tinutukoy ko. Kita yung reaction niya sa sinabi ko. Di siya pangit mind you, though di din siya yung tipong pansinin, pero nitong mga nakaraang weeks na lumipas eh lagi siyang nahahagip ng mga mata ko. Sabi ko nga noon palang, Never ko siyang naisip as prospect pero hindi ko maitatanggi na habang tumatagal ay feeling ko nakikita ko na yung natatago niyang ganda. Oiy! Di ko siya iniinsulto ah, talagang nakatago ganda niya. Yun bang wala sa itsura yung ganda. . .hahahaha. . joke lang ^__^

"Boses niya lang ata pala gusto ko ^__^" Pagtatapos ko sa aking sinasabi.

"Ano?!" Tanong ni Eya, di siguro matanggap na yun lang sinabi kong naka-attract sakin.. Hahaha

"Sabi ko maganda boses niya kaya lang lagi niya akong sinusungitan. Pahard-to-get nga yung babaeng yun eh. Kala mo naman kagandahan. . . hahahahahha" Nangiti na lang din siya sa mga pinagsasasabi ko.

"Lalo akong naintriga!!!! Patingin picture niya. . .dali na!"

"Di pwede, baka ano pang gawin sakin nung babaeng yun." Tanggi ko.

Kulitin niyo pa ko, sige lang! .. . hahaha

"Di naman namin sasabihin sa kanya eh. Di nga namin siya kilala. Sige nah!" Pangungulit parin nila sakin.

Don't worry, kahit ako pa magsabi . . .hehehe

"Hoy Eya, pict mo nga daw. Gusto nilang makita eh ^__^"

Ayun siya, nawala ngiti sa maninipis niyang mga labi.

"Nga pala, yung PE uniform ko kailangan ko bukas ah. Wag mong kalimutang dalhin." Tuloy ko parin.

Yep! Binuking ko nga siya sa barkada. Wala namang problemang malaman nila eh. Alam niyo ba kung bakit? Kasi hindi naman yun totoo. Ewan ko ba sa kanya kung bakit nako-conscious siya sa isang bagay na hindi naman dapat ikahiya. Wala naman kaming relasyon, wala akong gusto sa kanya and at the same time ay ganun din naman ata siya. Feeling ko wala. . . . . . like wala -____-

Well, onti sakin ay gusto kong mayroon nga. I don't know. . . . .

Parang . . . . .kakaiba lang.

Ramdam ko kasi talaga na parang ayaw niya sakin dahil sa hindi ko mawaring dahilan so feeling ko achievement yun kung mafall nga siya sa akin.

Hey! Don't you dare point fingers at me. Alam ko, kahit ayaw niyong aminin, may mga times na ganyan kayo, so don't you dare!

Anyway. . . . . . Oo inaamin ko na inaasar ko nga siya at kinukulit para baka sakaling maimprint ko sarili ko sa kanya, parang mga baby chicks lang.

Naimagine ko tuloy yung chick na susunod-sunod sakin tapos pwede mo pang ilagay sa bulsa at dalhin kung saan-saan, ang cuuuuuute! Tapos naimagine ko siya na sumusunod-sunod sakin . . . . . .at may dala siyang chick. . . . DOUBLE CUUUUUUTE! . . . hahahah

Kung anu-ano na naiisip ko. Saan naman ako makakahanap ng new hatched chick aber?? . . . haaaaayyyyy. . .Anyway, basta. . . Ang point ay gusto ko siyang sumusunod sakin.

(Gusto ko din ng baby chick. . saka na lang yung baby goat -____-)

Baka sakaling mahulog siya sakin at magbago pakikitungo niya. It's not really such a bad thing naman eh. Kung di niya ako gusto, edi di niya ako gusto. Kahit naman pilitin mo ang isang tao, kung wala siyang feelings sayo eh di ka naman niya mamahalin eh, diba! Walang magiging problema kung walang mangyayari. I might be wasting my time but . . . I might still get to enjoy it ^__^ like what I'm doing now. . .hehehe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNI (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon