Chapter 3: Sit-in

202 21 18
                                    

JEMEIAH'S POV

Bored na ako. Nakaka-antok boses ng prof namin. Ughhhhhhhhh

Kanina ko pa kinukurot sarili ko para di ako makatulog. Paulit-ulit na kasi sinasabi niya eh, kala mo naman kung di pa namin napag-aralan yan nuon. Tsaka mali din naman sinasabi niyang iba. . . grrrrrrrr. . Gusto ko na tuloy umalis.

"Sir may I go out?" Biglang tanong ng katabi ko.

Parang wala sa isip na tumango naman si Sir at pinagpatuloy niya na ulit ang pagdadada sa harap. Tumayo na si seatmate at tinungo ang pinto kasama ang lahat ng gamit. Yung totoo, iihi ba yun o harapang magka-cutting?

Well ang sabi nga lang naman niya ay lalabas daw siya at pumayag din naman si Sir.

Sinundan ko ng tingin si seatmate palabas ng room. Pagkalabas niya ay biglang bumukas ulit ang pintuan at may istorbong pumasok.

"Sir may I join this class?" Malakas na tanong nung istorbo.

Uh-oh! Parang may masama akong kutob.

Tinaasan siya ng kilay ni Sir.

"You decided not to attend your proper time and now you're disrupting another class?"

"Sir hindi kasi ako ginising ni Mommy. Kasalanan ko ba yun?" Pagdadahilan lang naman niya.

Ang kapal talaga. . . hahahaha
Sinagot na nga si Sir sa harap ng maraming tao, idinahilan pa ang nanay. Baliw lang.

Napapikit si Sir at napahawak sa sintido. Siguro alam niyang walang patutunguhan ang pakikipagusap sa taong ito tsaka good thing na din siguro na naisipan niyang pumasok, sa ibang klase nga lang.

"Just look for a sit." Pagsuko ni Sir.

Ayan na siya. Agad kong ilinipat ang backpack ko sa katabing upuan. Tumigil naman siya doon habang nakatingin sakin. Di ko siya pinansin at nagkunwaring nagtetake-notes. Di naman siya nagsalita at basta na lang umupo dun, di alintana kung may naka-upo o wala.

"May naka-upo diyan." Bulong ko sa kanya.

"Kala ko di mo nanaman ako papansinin Babe" sagot niya lang sakin.

"Bat ka andito?" Flat kong tanong. Kapag kasi parang naiinis boses ko eh aasarin niya ako kasi apektado daw ako na andito siya. Kapag naman medyo masaya boses ko eh baka nanaman sabihin niya na TUWANG-TUWA daw ako na andito siya. . tsssss

Wala kaya akong takas diyan. Lahat ginagawa niyang dahilan para sabihin na apektado ako sa kanya in a romantic way.

"Nakita kita eh, parang bored ka kasi kaya kahit ayaw ko sana pumasok eh pinilit ko na lang para masiyahan ka WINK!"

Hahahahahhaha. .  haaaaaaaayyyy. .

Ayan nanaman po yang kalokohan niya. Simula nung kinantahan ko siya noong department week namin eh lagi niya na akong inaasar. Kapag dinedeadma ko siya ay di niya ako tinitigilan, kapag sinita ko naman ay lalo lang niyang ginagatungan.

"Bag mo ito diba?" Tanong niya. Alam pala niyang bag ko yun. . .tssssss

Haaaaaaayyyyy. . .

Hinila ko na lang iyon at nagfeel-at-home na din siya sa upuan niya. Ipinatong niya ang kanyang mga braso sa table at pinatong din ang kanyang ulo doon. Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagdu-doodle sa notebook ko.

May isang batang tumatakbo tapos tumalon siya paakyat ng isang building. Yun bang parang nagpa-parkour. Galing nung bata! Nagdrawing din ako ng parang mga silhouettes na hinahabol niya. Kunwari mga ninja yun na mabibilis gumalaw. Kinidnap kasi nila yung lola niya na kasalukuyang head ng clan nila at bilang tagapagmana at pinakamalapit sa lola ay siya ang magliligtas dito.

UNI (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon