JEMEIAH'S POV
"Hoy Mike sino ba kasi yun?! Tapos sinabi mo pa sa kanyang ako may plano nun! Kung anu-ano na iniisip nun ngayon."
"Eh ano prinoproblema mo eh hindi naman yun totoo. Bat ka ba apektado sa iniisip niya?" Balik niya naman sakin.
"Hindi kami close pero ayokong isipan niya ako ng kung anu-ano. Ayoko ng intriga. Sabihin mo sa kanya na wala akong gusto sa kanya." Utos ko sa kanya. Ok lang sakin kung ako magsimula ng joke pero ayoko kapag ako yung napagtripan at linagay sa spotlight. Tsaka, di talaga kami close ni Eriane. Ayoko sa maaarte, at isa siya sa mga ganun.
"Arte mo!" Sabi niya sabay kuha sa mic at malakas na sinabi kay Eriane na joke niya lang na may gusto ako sa kanya.
Kinuha ko din yung mic, "Hindi ko siya pinilit na sabihin yan ah. .. ." di ko natapos sasabihin ko kasi inagaw sakin nung mokong yung mic.
"Pinilit niya akong sabihin yun!" Baliw talaga!
"Hindi ko siya pinilit, sinabihan ko lang siya kasi yun ang totoo!" Paliwanag ko ulit.
Tapos inaasar lang ako nung mga kaklase ni Eriane sa stall nila kasi defensive daw ako at sinasabi ko lang daw yun kasi binasted ako ni Eriane. Tapos nakangisi lang naman sakin yung dalaga at nakataas pa yung isang kilay.
Biglang nagvibrate phone ko at pangalan niya ang lumabas. Binasa ko yung text.
ERIANE:
Bat defensive ka? Relax ka lang, I have time naman kaya may oras ako sa panliligaw mo. WINK!REPLY KO:
Hindi kita liligawan at wala akong oras para sayo. Hanapin mo na lang yung manliligaw mo na torpe!ERIANE:
Hahahahaha. . . Selos ka naman agad kasi may manliligaw ako. Sabi ko nga na I have time for you kaya wag ka na malungkot. Sige tawag ka na lang.Tiningnan ko siya sa stall nila at prenteng-prente siyang nakaupo, nakamasid at naka-ngisi sakin.
AKO:
Bat naman kita tatawagan?!ERIANE:
Because I like your voice at alam kong nagseselos ka na kaya aaluin kita. . WINK!Adik toh! Ano kayang trip niya? Parang kanina lang eh naiirita siya kasi kinantahan ko siya tapos ngayon eh kung anu-ano na sinasabi. Wala naman talaga akong gusto sa kanya eh.
AKO:
Kung gusto mo yung boses ko, pwede ka namang magrequest dito sa booth namin may bayad nga lang.ERIANE:
Sinabihan ka lang na maganda boses eh pinagdamot mo na. May sasabihin ako kaya tumawag ka!AKO:
Ikaw pala may sasabihin eh, kaya dapat ikaw ang tumawag. Tsaka may pila po yung requests, kailangan mong sumunod sa patakaran.Bumalik na ako sa upuan ko at nagbasa ng mga messages na pinapasabi habang patingin-tingin sa phone kung nagreply na siya.
First time ko siyang makatext. Oo nga! Barkada kami nung highschool pero ngayon palang kami nagkatextsan. Nagulat pa nga ako at may number ako sa kanya eh. Mayron din naman sakin number niya pero ni minsan ay di ko kinailangan na itext siya. Kala ko nga din na nag-iba na siya ng number eh.
******************
ERIANE'S POV
"Iba talaga kung maganda ah, pati mga straight na babae eh napapa-baluktot mo. . .hehe" Biro sakin ni Mell.
"Bakit, akala mo ba straight si Eya?" Tanong ko naman sa kanya.
"Hindi siya straight?!" Gulat niyang tanong.

BINABASA MO ANG
UNI (gxg)
Romance"Stop pretending to be my jealous girlfriend Rian." "Just because I'm not your girlfriend doesn't mean I can't get JEALOUS Eya!"