Chapter 2: Elijah

84 10 0
                                    

Heiress Diaries

Yvone POV

"Beshy wag kana magtampo." Nandito kami ngayon sa canteen. 

"Alam ko na gagawin mo Vone para hindi na siya magtampo." Bulong ni Earl, Nandito pa kasi si besshy.

"Ano?"

"Ayoko nga sabihin." Hala ano ba yan. Bakit ayaw pa niyang sabihin?

"Ano nga please." Sabi ko kay Earl habang naka pout. "Sige na nga kawawa ka naman eh" Ay grabe siya.

"Bumili ka ng Teddy Bear. Nakwento niya saakin nung isang araw na gusto niya ng Teddy Bear." Eh san ako kukuha ng pera pambili ng Teddy Bear?

"Ako na bahala." Wow ah, kakatanong ko lang meron na agad. Sabagay may pagka rich kid naman siya.

                          ***

Nasaan naba yung sinasabi ni Earl na store ng teddy bear. May kaartihan din pala sa katawan yung lalaki nayun. Hindi ako sinamahan kasi tinatamad daw siya.

Napalinga-linga ako sa paligid at nakita ko narin ang store ng teddy bear na hinahanap ko. Agad-agad akong pumasok sa loob at naghanap ng magandang teddy bear na kasya sa perang binigay ni Earl.

Wahh!! Why so daming magagandang teddy bear? Hindi naalis yung tingin ko sa malaking teddy bear na kulay blue.

Hindi ko maabot yung teddy kasi nasa taas kaya tumingkayad ako. Maya-maya ay na out of balance ako. Buti nalang may nakasalo saakin.

Wait, what? May sumalo saakin?

"Are you okay, miss?" Oh shemay gulay. Why so handsome?

"Y-yes, thank you."

"Bibilin mo ba 'to?" Tanong niya sabay turo sa teddy bear na hawak ko, grabe ang laki naman neto. "Hindi. Tinitingnan ko lang kasi ang ganda."

"If that's so, I'll buy it." Binigay ko na sakanya yung teddy bear na pagkalaki-laki. Hay sayang naman, type ko pa naman yung teddy bear nayun. Favorite ko kaya yung color blue.

Pero sabagay wala naman akong perang pambili.

Pumili na ako ng teddy bear at pumunta sa counter. "Ma'am 5000 pesos po" 5000? Kulang yung dala kong pera, paano nayan? Eh ayan na nga yung pinaka simple at maliit na teddy bear na nakita ko tapos 5000.

"Ah ganon ba. Wag--" Hindi natuloy yung sasabihin ko ng may nagsalita. "I'll pay it" Sabi niya habang inaabot sa parang guard yung binili niyang malaking teddy bear.

Heiress in DisguiseWhere stories live. Discover now