Chapter 11: Got a new buddy

25 1 2
                                    

Dedicated to: twinsbear

Heiress Diaries

Yvone's POV

Minulat ko ang mga mata ko at puro puti ang nakikita ko. Aww, ang sakit parin ng ulo ko.

"Oh besshy dahan-dahan lang." Napatingin ako kay besshy Ella. Nandito pala siya. Tumingin ako sa paligid para tignan kung may iba pang tao, pero wala.

"Kamusta pakiramdam mo? Sabi ng doctor napasama daw ang impact ng bola sa'yo." Kaya pala medyo masakit parin ang ulo ko.

"Ayos na ako besshy, salamat." Saan na kaya nagpunta si Mr. Keso.

"Buti na lang kasama mo si Chase kanina. Siya ang naghatid sa'yo dito sa clinic." Nanlaki ang mata ko. Hindi ko inaasahan na gagawin yun ni Mr. Keso. Naalala ko nung pinagtanggol niya ko mula kanila Cath kanina.

"Pinapunta niya ako dito para bantayan ka, pagkatapos umalis na rin siya." Parang nagiging mabait na sa'kin si Mr. Keso ah. Hmmm...

"Parang may nangyayaring kakaiba ah. I smell something's fishy." Umamoy-amoy pa siya sa paligid. Hayst. Tumayo na ako at naglakad na palabas.

"Tara na besshy may klase pa tayo." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakatulala lang ako nung bumalik kami ng room. Wala ako sa mood para makinig ng lesson, aishhh.

"Ms. Reyes, can you please read the second paragraph." Nagulantang ako nung marinig ko ang apelyido ko.

"Ma'am?" Ewan ko ba pero wala pa ko sa sarili ko ngayon. Siguro epekto 'to ng bola kanina.

"Read the second paragraph." A-ah yun pala.

"When it's raining, there is a raindrops. When there's a rain, the children can't play. When it's dark, we can't see. When it's too bright, we can't open our eyes. When--" 'Di ko na natapos yung sasabihin ko nung pinigilan na ako ni ma'am.

"You don't have your book? Get out of my class!" Aishhh. Wala akong libro kaya yung mga sinabi ko kanina gawa-gawa ko lang. Pano ba naman kasi naiwan ko yung libro ko sa locker.

Heiress in DisguiseWhere stories live. Discover now