Simula

17 0 0
                                    

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin sa paglabas ko sa isang exclusive villa na nirentahan namin sa Boracay. Kakatapos lang ng klase at sa susunod na dalawang linggo ay meron na naman kaming pasok dahil sa summer class. I am here with my cousins and some friends.

"Alyana, san ka? Doon muna kami sa front beach. Sasama ka ba?"

"Dito lang muna ako. Susunod nalang ako."

That was Ismael, my cousin slash boy best friend. Siya yung pinaka close ko sa apat kaming magpipinsan. Sa States sila madalas tumitira pero kahit ganon, naging malapit parin kami dahil sa madalas na pag tatawag at pag vivideo call niya sa akin.

"Sige yan. Ingat ka mamaya ha. Sina Shan pupunta don. Sigurado ka bang magpapaiwan ka? O gusto mong samahan nalang muna kita dito?"

"Okay lang ako dito Ismael. Kaya ko namang hanapin kayo doon mamaya. Sige na, naghihintay sila sayo.  Huwag mo na akong alalahanin." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tiningnan lamang ako ni Ismael at tumango saka na umalis. 

One more thing that drove me in visiting this place is to forget. It's been two month since Luis, my high school sweetheart left me because I did not visit him in New York when they migrated. Iyon lang ang rason niya kung bakit niya ako iniwan. Sabi niya, hindi ko daw sya mahal kasi hindi ko raw  sya kayang puntahan at hindi ko daw  siya na mimiss.

Pagkatapos ng nangyari ay sinabi ko sa sarili ko na I deserve better. Hindi ko kailangan ng taong iiwan ako dahil sa isang mababaw na rason. Ngunit kahit ganoon, masakit parin para sa akin. Minahal ko siya, binigay lahat ng gusto niya at naging tapat ako sa kanya. Pero dahil hindi ako makapunta sa kanya, iiwan na niya ako? Aba'y parang hindi pwede.

Nahinto lamang ang pagmumuni muni ko ng may lalaking marahas na sinipa ang lupa at tumama ito sa pwesto ko.

Nakaupo na ako ngayon sa puting buhangin sa dagat hindi kalayuan sa villa na kinuha namin.

"Ayy, sorry miss. Natamaan ka ba?" 

"Ano bang problema mo? Nandadamay ka pa yata eh." Sabi ko habang hawak ang mata na sa tingin ko'y may pumasok na buhangin.

"Sorry talaga. Titingnan ko yung mata mo, okay lang ba?

"Huwag na. Kaya ko naman."

Pilit ko kinukusot ang aking mata upang mawala yung sakit. Ngunit hindi ko inaasahang mas lalo pa itong sasakit.

"Sabing ako na nga eh. Hindi naman akong masamang tao. Tsaka hindi naman kita sasaktan."

Napahinto ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya.

Ngayon ko lang namalayan na gwapong lalaki pala ang may atraso akin. His chinito eyes and white skin reminds me of my korean actor idol back in high school. He is also as tall as my cousin Ismael. Hindi ganun ka laki ang katawan ngunit meron din namang biceps.

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa aking mga mata at unti unti niya itong hinipan.

"Masakit pa ba?" sabi niya sa akin habang tinitingnan ako.

"Hindi na. Okay na. Salamat" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanyang mga mata.

"Sorry talaga miss ha. Hindi ko kasi nakita na may tao pala. Badtrip kasi ako eh."

"Sige na. Umalis ka na. Baka hinahanap ka na ng girlfriend mong naka LQ mo."

Sumilay ang isang ngisi sa kanyang labi pagkatapos ng sinabi ko.

"Wala akong girlfriend. At badtrip ako kasi hindi ko makita yung sinasabing souvenir shop dito na gustong bilhan ng mommy ko."

"Ah ganun ba." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Simula ng iniwan ako ni Luis, inabala ko na lamang ang sarili ko sa pag aaral. Bahay at paaralan lang ang naging puntahan ko ng mga panahong iyon. Ngayon lang ulit ako nakipaghalubilo sa mga tao at lumabas sa comfort zone ko.

"Sige mauna na ako. Hahanapin ko pa kasi yung shop na yun eh." Aniya na may bahid na inis at tamad na mga mata.

Tumango na lamang ako sa kanya at minamasdan habang paalis na sya.

Bumalik na rin ako sa aming villa at napag desisyonang sumunod sa mga pinsan at mga kaibigan ko.

"Alyana, here!" sigaw ni Christian ng nakita akong papunta sa direksyon nila.

"What take you so long, yan?" ani Ismael na may bahid ng pag aalala.

"Ahh wala, tumambay lang ako doon sa labas ng villa. I'm okay. Don't worry too much about me and enjoy the vacation. The view is nice." sabi ko kay Ismael sabay ngiti.

Umigting ang kanyang panga at yinakap niya ako.

"I know it's hard for you. I know you're not okay. If I could just see that Luis and punch him in his face or brutally kill him kung hindi mo lang ako pinipigilan. You deserve someone way much better than him yan. Let's enjoy while we're here okay?" 

May nabuong luha sa aking mga mata ngunit agad ko itong pinigilang bumaagsak at yinakap din si Ismael.

"Thank you, Ismael."

He let go of our hug at hinila na ako patungong dagat.

"Oh, wait. Tatanggalin ko lang yung rushguard ko."

"No, wear that. I know this is a beach, but please don't make my heart attack while seeing those guys looking at you."

Tumawa na lamang ako at sinunod ang sabi ni Ismael.

Habang nasa dagat na, nakita ko ang pamilyar na lalaking nakausap ko kanina. Papunta siya sa direksyon namin.

"I forgot to ask your name." sabi niya habang ngumingiti.

"You find me all the way here just to ask for my name?" sabi ko habang tumatawa.

Iba rin talaga ang lalaking ito eh.

"I'm Lance. Lance Lim. And you are?"

"Alyana."

"Okay. Nice to meet you, Alyana. See you around." sabi niya habang nangingiting nag wewave ang kanyang kamay.

Tinusok ni Ismael ang tagiliran ko.

"Sino yun? Kilala mo?"

Nginitian ko na lamang siya.

Lance. Lance Lim huh.

SOMEDAY, SOMEONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon