True Love?
Para saken ang True love ay nakita mo na, natagpuan mo na, nakabangga mo pa sa train, nahawakan ang piso mo, at naging sa in-relationship status pa kayo sa facebook.
Pero hindi lahat ng True Love ay nagiging Last Love. Pwedeng nag-hiwalay kayo pero siya parin ang True Love mo. Hindi ko sinasabing hindi mo mahal si Current Love ha! Ang sinasabi ko lang ay na-meet mo na si True Love yun nga lang, wrong timing kaya hindi siya naging si Last Love.
Magulo ba? Magulo talaga ang Love Love na yan! Kaya nga dapat magulo ka rin para agree sayo si Love.
Let's start the story telling.
Stella
Dylan
(Grade 1)
New student palang ako sa school ko nun. Pang-umaga yung klase ko. Syempre may mga matataray akong classmates na lagi akong pinapaiyak. Yes, I was a crybaby back then.
"Hoy! Bakit ang laki ng mata mo?" Probinsyana ako so hindi ko alam kung paano ide-defend sarili ko. So umiiyak lang ako kapag inaasar ako. Mataray naman talaga ako eh. Hindi lang ako sanay kasi syempre I was a new student di ba. I want to have friends so gusto kong maging friendly image ko.
Lagi akong nagsusumbong sa teachers ko nun and swear maasar kayo sa sinasabi nila saken. "Hayaan mo lang kasi." Yan lang yung sinasabi nila. As a child, syempre gusto ko laging masaya. Gusto ko nakikita ko na may ginagawa silang way para hindi na ako awayin.
After a couple of months nagkaroon ako ng isang friend. Ang bait grabe.
Ayun, I got used to my life sa school na yun. Sinagot ko na din yung mga umaaway saken na girls pero I can't deal with the boys na bully.
One day, may quiz kami. I heard someone saying the "hulaan nalang natin" lines. I was a child, I didn't know na mali yun. So hinulaan ko yung quiz and the teacher was shocked nung maaga akong natapos. Kinausap niya Mom ko at sinabing uulitin ko yung quiz and stuff.
Nagtataka ba kayo kung nasan ang romance? Here it goes.
May gathering nun ng mga Grade 1. So magsasama yung pang-umaga and pang-hapon na section.
I was playing 'nanay-tatay' with my one and only friend when this cute guy appeared.
Ang cute niya talaga. Half-japanese. Syempre bata ako eh, naging crush ko agad siya. And ayun, everytime na uwian na namin, hinihintay ko siya pumasok sa classroom kasi di ba pang-umaga ako at pang-hapon siya.
(Grade 2)
So ayan, Grade 2 na kami. Nag-pang hapon ako na section kasi hirap ako gumising ng umaga. Ang wow! Classmate ko siya!
Nag-decide yung Mom ko na mag-school bus ako. Hidni ko alam kung destiny ba ito, kasi Busmate ko siya!
As an introduction, nag-laro kami ng truth or consequence(hindi pa 'dare' yung tawag nun)
Lahat nga ng truth questions nila is "Sino crush mo?"
When it was my time na to choose, syempre I chose Truth di ba kasi baka kung anong ipagawa kung Dare.
"Sino crush mo?" Alam ko naman na yun yung itatanong eh. So sinabi ko na sasabihin ko nalang sa teachers at pumayag naman sila. Binulong ko sa teacher ko kung sino.
"Si Dylan po."
And I was shocked kasi the class bully heard it! He was sitting right next to our teacher pala.
"Si Dylan daw crush ni Stella!" Syempre all the students laughed kasi I was being bullied since Grade 1 so bakit naman ako magkaka-crush sa isang cool guy. Yeah, he was treated as one of the Gwapos in our section. I was the loser so nakakatawa talagang pakinggan na nagka-crush ako sa sikat.
BINABASA MO ANG
True Love
Romansa(COMPLETED) For you, what is the definition of True Love? This story is my definition of True Love.