Chapter 16

3K 52 3
                                    


"It's my first time to cook sinigang baby. Papasa na ba sa magiging misis ko?!";tanong nito after kong sumubo.

Di ko alam kung bakit biglang kumabog yung puso ko dahil sa narinig.

Napatingin ako sa kanya. Mataman syang nakatingin sakin.

Binigyan ko sya ng isang ngiti bago sumagot.

"Infairness masarap sya..I'm sure magugustuhan ng future wife mo.";wika ko dito kaya binigyan ako ng isang matamis na ngiti pabalik.

"I'm very pleased na nagustuhan mo.";sagot nito na sinuklian ko ng ngiti habang tinuloy ko na ang pagkain.

"Baby?!";pukaw nito sa atensyion ko.

Napaangat ako ng tingin.

"Yes?";sagot ko.

"Uhm...nothing. Kain kang mabuti.";nakangiti nyang sagot na tinanguhan ko nalang.

______________________________

Mabilis lumipas ang araw at sumapit ang araw ng kasal nina Jade at Cathy.

Nag-uumapaw sa galak ang puso ko habang sinasaksihan ang kanilang kasal. Nararamdaman ko na sobrang mahal nila ang isa't-isa.

Napahinga ako ng malalim habang nakatunghay sa ikinakasal.

"Ako kaya?";piping tanong ng isip ko.

Pinilit kong iwinaksi sa isipan ko ang tanong na yun ng may maramdaman akong tumabi sakin.

Napalingon ako dito. Kinindatan ako at binigyan ng isang matamis na ngiti. Ginantihan ko lang sya ng ngiti at ibinalik yung paningin ko sa ikinakasal.

"You look gorgeous baby.";bulong nito sa tenga ko.

"Thanks.";sagot ko pero ang mata ko nakatuon pa din sa harap.

Nang matapos ang kasal dumako na kami sa reception.

Maya-maya may lumapit sa amin ni Harold.

"Musta pinsan?";bungad na tanong nito kaya nabaling yung atensiyon namin dito.

"Ayos lang pinsan. Mabuti nakadalo kayo.";sagot nito dito at sa kasama nito.

"Syempre kasal ni Cathy. Ikaw nga ang gusto ko sana munang ikasal eh.";natatawa nitong sagot pero hinampas ng kasama nito.

"Pasensya kana sa pinsan mo.";narinig kong wika ng babae.

"Pinsan baka gusto mo din ipakilala samin yang kasama mo.";sabad agad nitong pinsan nya.

"Uhm...by the way pinsan si Issabelle...Issa, cousin ko nga pala si Sam and his wife si Len.";pakilala nito.

"Infairness ang ganda ng nabulag mo ngayon a. Matutuwa si Zandra pag nalaman nyang may girlfriend kana.";natatawang komento ni Sam.

"Pagpasensyahan mo na itong pinsan ni Harold a.";sabad agad ni Len sakin habang kinurot ito.

"No it's okay...di naman ako girlfriend ng pinsan nya.";nakangiti kong sagot. Kahit parang gusto kong tanungin kung sino si Zandra.

Pero naisip ko wala naman akong karapatan para alamin kung sino si Zandra.

"Anyway punta kayo this coming sunday sa bahay.";aya ng pinsan nito.

"Isama mo si Issabelle.";dagdag ni Len.

"Anong meron?";tanong ni Harold.

"Wedding anniversary namin.";nakangiting saad ni Sam.

Bet In Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon