Ang sarap pa sana ng tulog ko pero nagising ako nang maramdaman na may kayakap yata ako.
Pagdilat ko ng mga mata ko bumungad sakin ang maamong mukha ni Harold. Oo nga pala kasama ko nga pala sya.
Napangiti ako at pinagsawa ko ang mata ko sa kakatitig sa bawat parte ng mukha nya.
Napahinga ako ng malalim.
Kasi heto na naman yung puso ko. Di ko na naman ma explain.
Di ko alam pero bakit parang ayaw ko yatang kumawala sa pagkakayakap nito sakin.
Bakit kaya iba ang pakiramdam sa tuwing nakukulong ako sa mga bisig nya?
Haay! Baka san pa mapunta yung isip ko kaya mas maigi ng bumangon baka di ko pa mapigilan ang sarili ko.
Pumasok na ako sa banyo para makaligo. Paglabas ko ay gising na siya.
Napatingin ito at di nakaligtas sakin yung paghagod nito ng tingin pero dagli din nitong iniwas.
"Good morning.";wika nito sabay tayo para pumasok din ng banyo.
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko. Nakatapis nga lang pala ako. Dali-dali nalang akong nagbihis habang sya nasa banyo na.
Nandito kami sa isang favorite restaurant ng parents ko.
Dito kasi sinagot ni mum si dad kaya super special sa kanila ang lugar na ito.
40yrs anniversary nila. Si dad ang mahilig mag surprise kay mommy but this time gusto din ni mum na si dad ang ma surprise kaya she ask help from me.
Ni reserved na din ni mommy itong place. Na invite ko na din lahat ng close friends nila.
"Birthday ng dad mo?";maya narinig kong tanong ni Harold habang inaayos namin ang loob ng restaurant. Dala ko na lahat kasi ng props for the party tomorrow para mag de-decorate nalang.
I took a glimpse of him.
"Nope. Anniversary ng parents ko since they've been together.";sagot ko habang inaayos yung mga pictures nila together. Yung mga moments na magkasama sila.
Napapangiti ako habang nakikita ko ang mga pictures nila.
I know how much they love each other.
Tinulungan ako ni Harold.
"Ang sweet naman ng parents mo.";sabi nito habang nakatingin sa hawak nitong picture.
"Oo nga eh...nakakainggit.";saad ko ng hindi nag-iisip.
"Hindi ba ako sweet?";tanong nito.
Napataas ang kilay ko at napalingon dito.
Ang tamis ng ngiti nito. Ang gwapo talaga ng lalaking ito. Bakit ganun?
"Chocolate ka ba?";natatawa ko nalang na tanong dito kaya napangiti ito lalo.
Lumapit ito sakin. Parang sumikip ang earth. Biglang kumabog ng malakas yung puso ko.
"Mas matamis pa ako sa chocolates baby.";wika nito.
"Wanna try?";he teased me.
Inirapan ko sya para pagtakpan yung nararamdaman ko.
"Ayoko. Kakaumay.";natatawa kong sagot.
"Do you think?!";wika nito na halos gadangkal nalang yung pagitan namin.
BINABASA MO ANG
Bet In Love [COMPLETED]
RomansaPustahan! It's all started on a bet! Harold is so called crush ng bayan. Bukod sa matalino, gwapo , matangkad plus super hot nito. He's a type of a man na hindi na nagkaroon ng seryosong relasyon after iniwan sya ng una nyang minahal. Issabelle is a...