Chapter I: Conviction
Hindi alam ni Haru kung anong gagawin sa mga oras na ito. Nasa korte siya habang hinuhukom sa salang pagpatay sa girlfriend (Jane) ng half-brother (Jay) niya. Guilty ang naging hatol sa kanya kaya't wala siyang ibang naging patutunguhan kundi ang kulungan. Ang tanging naniniwala lamang na siya'y inosente ay ang kanyang ina at ang matalik na kaibigang si Joseph. Ang kapatid nito'y sagad sa buto ang hinanakit sa kanya. Wala na siyang ibang magagawa ngayon kundi ang tanggapin ang kapalarang nakakabit sa mga palad niya.
Kagaya ng isang pangkaraniwang kulungan, naging mahirap ang buhay ni Haru at minsan nga'y nawawala na siya sa sarili dahil sa sobrang pagkabagot. Kung mayroon nga lang lubid sa loob ng selda ay siguradong nagbigti na ito. Regular siyang dinadalaw ng kanyang ina sa unang taon niya sa kulungan ngunit nang magtagal ay isang beses na lamang siyang nadadalaw ng ina sa loob ng isang buwan. Lalo siyang na-depress dahil iniisip niyang hindi na siya gusto ng ina dahil sa pagiging isa niyang convict.
Laking-tuwa niya nang isang araw ay makita niya sa kauna-unahang pagkakataon si Jay magmula noong makulong siya. Binisita siya nito at sinabi ngang pinapatawad na niya ang kapatid. Ang totoo'y nakokosiyesiya lamang ito kaya't kunwari ay pinapatawad na niya si Haru. Alam ni Haru na wala siyang kasalanan kaya't hindi siya nito kailangang patawarin, ganumpaman, natutuwa pa rin siya dahil alam niyang hindi na masama ang loob ng kapatid sa kanya. "Nga pala, ikumusta mo na lang ako kay mama, sabihin mo sa kanyang mahal na mahal ko siya," sabi nito sa kuya.
Lumipas pa ang mga araw. Naging usapan sa loob ng kulungan ang tungkol sa Old Prisoners. Nangingilabot si Haru sa tuwing inilalarawan ng mga kapuwa-preso kung paano sila pumatay. Maliban sa pangingilabot, nakakaramdam din siya ng pagkamuhi sa mga ito dahil sa kanilang pagiging sobrang hindi makatao.
"1998 nangyari iyon, pinatay ng isa sa mga Old Prisoners ang mayor ng Pride City sa harap ng maraming tao. Nakasuot siya ng coat at nakatakip ang bibig niya kaya hindi nakikita ang mukha niya. Durog na durog ang ulo ng mayor dahil pinukpok niya 'yon gamit ang palakol," kuwento ng isang preso sa kapuwa-preso habang nakikinig si Haru sa isang tabi.
"Nabalitaan ko nga ang nangyaring iyan, pero wala talagang masbu-brutal pa roon sa may palayaw na "The Slicer". Minasaker lang naman niya ang mga tao sa Greed City. Lalaki-babae, bata-matanda, wala siyang pinatawad. Hiniwa niya lahat hangang sa lumabas ang laman-loob," sabi naman ng isang lalaking tatatlo na lang ang natitirang ngipin. Punong-puno pa ng tattoo ang buong-katawan.
"Kahit na sino pang Old Prisoner ang sabihin niyo, wala talagang makakatalo sa mass murderer na si Destroyer",sabi naman ng isa. Magsasalita pa sana siya tungkol kay Destroyer nang biglang dumating si Gold. Si Gold ang nagmimistulang leader sa loob dahil magaling itong makipaglaban. Mas matanda lang siya ng tatlong taon kay Haru.26. Matangkad. Maputi.May kapayatan at palaging nakasuot ng puting polo.Mayroon ding nakabalot na panyo sa noo niya.Natatakpan ng kaunting buhok niya ang ilang parte ng panyo.
"Tigilan niyo na iyang ka-kukuwento tungkol sa mga exaggerated na kuwento ng Old Prisoners. Kahit na ang rank 1 nila, hindi iyon uubra sa akin," pagmamayabang ni Gold habang diretso lang ang tingin. Nasa likod niya iyong tatlong nagkukuwentuhan kaya't hinarap niya ito.
"Naiintindihan niyo?"pagbabanta pa nito. Nakakaramdam ng paghanga si Haru kay Gold dahil sa expression ng mukha nitong parang walang emosyon.Pa-cool kumbaga.Masasabi niyang ito na ang pinaka-cool na taong nakilala niya kung hindi lang ito mayabang.
Isang araw ay naghanda ang lahat dahil sapagdalaw ng mayor ng Find City (ang lugar na kinaroroonan nila) sa preso upang ibalita ang isang mahalagang announcement. Pinapunta sa covered court ang lahat ng preso sa F11 Jail. Nakaupo samahabang upuanang lahat habang hinihintay ang pagsisimula ng speech ni Mayor Jack.20 rows lahat ang mga upuan, may kalahating metrong distansya ang bawat preso sa isa't isa.Sa bawat row ay mayroong mahigit dalawampung preso.
"Green, ano satingin mo ang mahalagang sasabihin ng mayor ng Find City?" may halong pagtatakang tanong ni Haru sa katabi.Nasa 15th row silang dalawa at halos nasa gitna ng nasabing row.
"Ewan ko ba, sa totoo lang natatae na ako sa kahihihintay."
Humigikhik na lang si Haru dahil inisip na baka isang joke lang iyon. Napaisip si Haru kung para saan kaya ang mga silya sa kaliwa at kanang bahagi ng covered court.
Tiningnan ni Haru ang iba pang mga preso mula sa kaliwa at kanan na halatang naiinip na sa kahihintay. Ang iba'y nakikitaan na ng pagkayamot sa mukha. Ang ilan naman ay nagrereklamo nang pabulong at kung ano-ano ang mga pinagsasasabi against sa mayor. Tumingin pa siya sa likod niya at sa dulo'y nakita niya ang pa-easy na mukha ni Gold habang seryosong nakatingin sa mayor na naghihintay sa isang tabi.
"Green, tingin mo kaya, anong nasa isip ni Gold sa mga oras na ito?"
Napalingon si Green sa sinusulyapan ni Haru at nagsimulang manghula. "Sa tingin niya sa mayor, mukhang gusto na niya iyong patayin," hinuha niya. Nagulat ang dalawa nang biglang ituon ni Gold ang tingin nito sa kanila kaya't mabilis silang humarap. Napa-buntong-hininga. "Nakakatakot talaga ang mga tingin niya," sabi ni Green.May pag-aalala.
Sinimulan ni mayor ang pagsasalita sa pamamagitan ng pag-ubo at saka humarap sa mic.
"Magandang araw sa inyong lahat. Alam kong kilala niyo na ako kaya't hindi ko na kailangang magpakilala. Gayunpaman, gusto ko pa ring magpakilala upang maging pormal ang announcement kong ito. Isa itong mahalagang announcement na siguradong ikatutuwa ninyo."
Nakarinig na naman ng pagrereklamo sa mga kapuwa-convict sina Haru at Green dahil sa pasikot-sikot at hindi direktang pagsasalita ng mayor. Naisip ni Green na masyadong reklamador ang mga nasa tabi.Wala naman silang magagawa.
May dumating na lalaking naka-tuxedo habang hawak-hawak ang isang transparent na box kaya't makikita mula sa labas ang mga lamang maliliit na papel na para bang may-raffle na magaganap.
Matapos pormal na magpakilala'y sinabi na nito ang paalala. "Gusto ko sanang bumunot kayo ng papel. Pumunta sa kanan ang makakakuha ng letter A, habang sa kaliwa ang letter B."
"Ah... para ro'n pala iyon..." nasabi ng binata matapos masagot ang sariling tanong kanina.
Isa-isa nang bumunot ang lahat. Nag-umpisa sa kaliwang bahagi ng silya pakanan, pababa, pakaliwa. Bumunot si Green at Letter A ang nakuha niya, nang bumunot si Haru ay Letter A din ang nakuha niya. Wala silang ka-ide-ideya kung para saan ang bunutan na iyon basta't sinusunod na lamang nila ang ipinapakiusap ng mayor. Si Gold ang pinakahuling bumunot at letter B ang nakuha niya. Mas gusto niya ang letter A dahil mas una ito sa alphabet kaya't sapilitan nitong kinuha ang letter A ng katabi.
"Okay, dahil tapos na kayong bumunot lahat, sasabihin ko na kung para saan ang bunutan na iyon. Ang pamunuan ng Find City ay nagbigay ng tiyansang makalaya kayo."
Nagtaka ang lahat kung ano ba ang eksaktong ibig sabihin nito.
"Marahil ay nagtataka kayo kung ano ba ang ibig kong sabihin. Lahat ng nakabunot ng Letter A ay may tiyansang makalaya."
To be continued...
YOU ARE READING
The Prisoners War
ActionAng New Prisoners ay binigyan ng tiyansang makalaya sa kanilang pagkakakulong kapalit ang maka-survive sa gubat ng mga Old Prioners. Ang Old Prisoners ang mga pinaka-kinatatakutang Kriminal sa buong mundo dahil sa kanilang husay sa pagpatay at pagig...