Chapter 3: Let the War Begin

2 0 0
                                    


Isang linggo matapos ang bunutan ay bumiyahe na ang mga preso ng F11 Jail na sina Haru, Green, Gold, Joey at Moon sakay ng isang bus patungo sa Yuzu District—isang arena na may layong 1 km mula sa Dark Forest. Dito magtatagpo ang lahat ng mga preso na piniling mag-take ng risk upang makalaya. Dito ipapaliwanag sa kanila kung paano ang magiging takbo ng challenge.

Ang Dark Forest ay kasing-bilog ng buwan at may layong 2000 kilometro ang entrance mula sa finish line o ang exit. Ang buong gilid ng Dark Forest ay napapaligiran ng mga mga malalaki at matataas na puno. Ang dalawang kilometro na nasa eksaktong gitna ng pabilog na Dark Forest ay isang empty field. May sekyon din ang gubat na may 2000 kilometrong batis na nagtutuloy-tuloy mula entrance hanggang exit kaya't hindi mahirap hanapin kung saan ang exit kung ito lamang ang susundan.Ngunit, nasa gitna ng batis ay ang HQ ng mga Old Prisoners na may lawak na 5kms kaya't kailangan nilang lumiko ng direksyon upang maiwasan ang maagang kamatayan.May mga abandonadong bahaynatinatawag na "Forest House" na nagkalat sa buong gubat na puwede nilang pagpahingaan. Magiging ligtas sila kapag pumasok dito dahil pinagbabawalan ang mga Old Prisonersna lumapit isang kilometro mula rito. May layong 490kms ang bawat Forest House at pa-zigzag ang direksyon nito sa isa't isa. Aktibo ang mga Old Prisoners sa oras ng sunset at sunrise. Umaatake rin ang mga ito sa ibang oras ngunit paisa-isa lamang. Isang porsyento lamang ang tiyansang hindi ka atakihin ng mga Old Prisoners kaya't kailangang buo ang loob sa pakikipaglaban. Mayroon lamang silang 50 Days para manatili sa loob ng Dark Forest at kung magtatagal pa sila rito ay wala silang ibang kapalaran kundi ang maging prey ng isa sa mga Old Prisoner na si Joh the Cannibal.

Naiintindihan ng mga kalahok ang nangyayari kaya't matapos niyon ay pinapasok na sila sa entrance ng Dark Forest. Binigyan sila ng numero upang maging madali ang pagbibigay sa kanila ng pagkakakilanlan. Ang F11 team ay hindi naghihiwalay, nagsilbing leader nila si Gold. Mayroong ibinigay sa kanila na isang monster truck ang F11 Jail bilang pagsuporta sa katapangan nila. Ang problema, wala ni isa sa kanila ang marunong magpatakbo nito. May napansin si Haru na isang babaeng walang kasama na para bang siya lang mag-isa. Nalilito pa ito kung saan siya lalapit kaya't tinawag siya at kinausap ni Haru. Nagpakilala siya at sinabi niyang Sert ang pangalan niya.Dagdag pa niya,sa Jail kung saan siya galing ay siya lamang ang naglakas-loob na sumali sa challenge. Napabilib sina Green at Haru dahil sakababae nitong tao'y daig pa sila sa katapangan. Inalok siyang sumali sa F11 Team at mabilis naman siyang pumayag.Natuwa pa sila nang malamang marunong din pala itong magpatakbo ng monster truck.Habang nagmamasid sa paligid, nakita ni Moon ang kapatid nitong si Sunny na nag-iisa. Dahil doon ay naisip niyang baka sumali din ito na katulad niya kayat nakaramdam siya ng pagkabahala sa kaligtasan nito. Ganunpaman, wala na siyang ibang magagawa dahil hindi na puwedeng umatras. Naging bahagi rin ng F11 ang kapatid nito kaya naging pito na sila. Nagusap-usap angmga kalahokkung sino-sino ang magkakampihan kaya't nagkaroon na lamang ng limang grupo na maghihiwa-hiwalay at magkakanya-kanya upang makarating sa finish line. Umabot sa 17 ang naging miyembro ng F11 Team. Tig-iisa mula saCL Jail (Sert) at Tab Jail (Sunny), tigta-tatlo mula sa Note Jail (Lucas, Drimithie, Jing)at Hole Jail(Style, Paris, 45) at apat sa Pro Jail (Ada, Eli, Falcon, Creak).

May isa pang monster truck ang dumating galing sa Note Jail kayat naging malaking advantage din iyon para sa kanila. Ang katunayan ay mayroon ding monster truck ang ibang grupo kaya hindilang sa kanila ang may advantage. Binigyan sila ng mapa upang mas maging madali sa kanila ang pagdating sa finish line.

Isa-isa nang nagsialisan ang mga preso bilang isang grupo. Ang ilan pa sa kanila'y nagmamadali na para bang may nagaganap na karera. Papaalis na sana sila niyon nang sabihin ni Green na huwag muna silang umalis. Walang ideya ang lahat kung bakit kailangang sabihin iyon ni Green, pinakinggan iyon ni Gold na para bang alam niyang makakabuti sa kanila kung susundin niya ito. Halos kalahating oras silang naghintay doon saka sinabi ni Green na maaari na silang umalis. 20 kilometro pa ang layo ng unang Forest Housena mapagpapahingaan nila. 3pm na at kailangan nilang magmadali bago maging aktibo ang mga Old Prisoners. Habang nasa biyahe ay may napansin ang miyembro ng Hole Jail na si Collins na kung ano 10 kilometro ang layo mula sa kanila. Napatanong siya kayat napatingin na rin ang ibang grupo sa tinintingnan nito. Walang makita ang lahat maliban lang sa kanya. Ipinaliwang niya ang kakayahan niyang makakita sa layong 10 kilometro kayat natuwa ang lahat dahil malaking advantage iyon para sa grupo nila. Habang papalapit ang truck ay pinagpapawisan naito sa pangingilabot. 5 kilometro mula sa tinutukoy nitong kakaibang bagay ay nakita niya ang pugot na mga ulo ng hindi sa bababa sa 20 katao. Sinabi niya ang nakita niya kayat nagpasya ang grupo na huminto muna saglit. Naisip nilang kung pugot na ulo nga ang mga ito'y maaaring may Old Prisoner na naroroon na siyang pumatay sa mga ito—at maaring naroroon pa siya hanggang ngayon at nagtatago lamang. Nagtalo ang karamihan kung didiretso pa ba sila roon o kung magbabago na lang ng direksyon upang mas ligtas.Pero ano pa mang desisyon ang gawin nila, kay Gold pa rin ang masusunod kaya't hiningi nila ang opinion nito.

The Prisoners WarWhere stories live. Discover now