Nagtaka ang lahat kung ano ba ang eksaktong ibig sabihin nito.
"Marahil ay nagtataka kayo kung ano ba ang ibig kong sabihin. Lahat ng nakabunot ng Letter A ay may tiyansang makalaya."
Natuwa ang lahat ng taong nakakuha ng letter A, kabaligtaran naman ang naramdaman ng mga nakakuha ng letter B. Ang lalaki pang naagawan ng letter A ay nagsimulang mayamot ngunit hindi magawang pumalag dahil na rin sa taong nang-agaw rito. Pinipilit pang huwag mapangiti ni Gold dahil sa pang-aagaw nito ng papel na sumang-ayon naman sa gusto niya.
"Ngunit huwag kayong magpakasaya kaagad dahil hindi lang doon nagtatapos ang lahat. Dalawa lang ang puwedeng mangyari sa inyo kapag itinuloy ninyo ito: Ang Operation: Final Destination—ang makalaya o ang mamatay," pagpapatuloy pa niya. Kinilabutan ang marami dahil sa sinabi nito.
"Anong ibig mong sabihin na mamamatay?" tanong ng isang naka-cap na lalaki na maitim ang kulay at nakasando kaya't kitang-kita ang malalaki nitong mga muscles.
"Para makalaya kayo, kailangan niyong makarating sa finish line ng gubat ng Old Prisoners." Mas kinilabutan ang lahat nang marinig ang salitang "Old Prisoners".
"Tama ang narinig niyo, walang nakakaalam kung saan nakakulong ang Old Prisoners maliban sa detalyeng ito ay isang gubat. Mahigit Limampu ang Old Prisoners na ipinakalat sa Dark Forest upang magsilbing challenge sa inyo—na deserving ng pangalawang pagkakataong makalaya.
Nagtaas ng kamay si Green upang magtanong. "Mayor, makikipaglaban po ba kami sa mga Old Prisoners para makarating sa finish line?" inosenteng tanong ni Green. Napahagikhik ang mayor sa tanong na iyon.
"Siyempre, kailangang niyong makipaglaban sa kanila."
Doon pa lang ay nawalan na ng ganang ituloy ang Operation: Final Destinationng karamihan sa mga convict. Ang makipaglaban sa mga taong iyon ay pagpapatiwakal. Pinunit ng karamihan sa mga nakakuha ng letter A ang kanilang papel dahil suko na silang makalaya. Sina Green at Haru ay nagdadalawang isip na ituloy iyon. Nakita ni Haru si Green na nakapikit ang mga mata na para bang nagfo-focus sa isang bagay na hindi niya alam. Tinanong niya ito kung ano ang ginagawa nito ngunit hindi siya nakatanggap ng kahit na anong sagot. Tiningnan lamang niya si Green hanggang sa makita nitong halos hindi na ito makahinga sa sobrang kaba. Pawis na pawis din ito na para bang sinasakal siya.
"Anong nangyayari sa 'yo?" taka nitong tanong. Naghabol ng hininga si Green saka sumagot.
"Haru, ano satingin mo? Itutuloy mo ba ito o hindi?"
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ito o hindi." Nagtaas siya ng kamay upang magtanong sa mayor.
"Mayor, gaano kalaki ang tiyansang makapunta sa finish line?"Nagkaroon ng anim na segundong katahimikan saka tumugon si Mayor Jack. "0.1%", sagot nito na labis na ikinagulat ni Haru.
"Hoy bata, sa duwag mong iyan naisip mong itanong pa iyan?" sabi ng isang preso. "Baka wala ka pang ideya kung gaano ka-walang puso ang mga kriminal naiyon," sabi naman ng isa pa.
"Hindi. Hindi ko na ito itutuloy. Mas may tiyansa pang makalaya ako kung mananatili ako sa loob nito kaysa umasang makakauwi ako ng buhay. Gusto ko pang makasama ang mama ko nang matagal. Siya na lang ang nananatiling dahilan kung bakit nandito ako."
"Tumayo na ang lahat ng presong gusto ng pagkakataong makalaya—". Hindi pa man natatapos ng mayor ang pagsasalita niya'y tumayo na kaagad si Gold. Napatingin sa kanya ang mayor kayat napatingin na rin ang lahat ng tao kabilang na sina Green at Haru.
"Haru, may tiwala ka ba sa akin?"
"Huh? Anong ibig mong sabihin?"
"Sino pa ang gustong tumuloy?" tanong ng mayor habang naghihintay ng panibagong tatayo. Nagpapakiramdaman pa ang iba sa susunod na matapang na tatayo. Ang sumunod na tumayo ay si Joey. Walang ideya ang lahat kung sino ba si Joey. Tahimik kasi ito at palaging mag-isa.
Napangiti ang mayor.
"Gusto mong makasama ang mama mo nang matagal, 'di ba?"
Tumango si Haru habang nagtatakang nakatingin sa mga mata niGreen.
"Kung ganoon..."
"Sino pang gustong mag-risk ng buhay?"
Tumayo si Moon. Ang lalaking may kakulangan sa height ngunit charming ang hitsura. Kung titingnan siya, magkakaroon ka ng hinuha na papogi lang ang alam nito sa buhay. Wala namang alam sa kanya maliban sa pagiging pogi nito.
"Huling tanong ko na ito... sino pa ang gustong tumuloy?Ito na ang huling tiyansa ninyo kaya't tumayo na kayo."
Maraming nagulat nang makitang sabay na tumayo sina Green at Haru—ang dalawang pinakawalang kumpiyansa sa lahat ng preso—ang pinakainosente sa kanila. Nagulat si Haru dahil bigla na lamang siyang hinila ni Green papatayo. "Ano bang ginagawa mo, Green?"
"May tiwala ka sa akin, 'di ba?Hindi dapat tayo nandito kaya walang dahilan para manatili tayo rito."
"Pero narinig mo ba ang sinabi ng mayor?0.1 lang ang tiyansang makarating tayo sa finish line."
"Magtiwala ka lang sa akin. Satingin ko, panahon na para maging tunay tayong mga lalaki. Masyadong duwag ang tingin ng mga tao sa atin dahil hindi tayo mahilig sa gulo. Nakakalungkot lang isipin na ginagawang basehan ng mga tao ang pagiging warfreak para sabihing "matapang" ang isang tao."
"Kung ganoon, hindi mo ba ikinikunsidera ang sarili mo bilang isang duwag?"
"Kung universal na depinisyon ng duwag ang susundin, masasabi kong hindi. Pero iyon ang makikita ng mga tao hangga't magpapakita ka ng pagpapakumbaba."
Nauunawaan ni Haru ang mga sinasabi ng kaibigan kayat napagisip-isip niyang may katotoohanan ang mga sinasabi nito.
Nakarinig sila ng pang-iinsulto mula sa mga kapwa-preso na nangmamaliit sa kanila ngunit pinili nilang huwag na lang itong pansinin.
Isang linggo matapos ang bunutan ay bumiyahe na ang mga preso ng F11 Jail na sina Haru, Green, Gold, Joey at Moon sakay ng isang bus patungo sa Yuzu District—isang arena na may layong 1 km mula sa Dark Forest. Dito magtatagpo ang lahat ng mga preso na piniling mag-take ng risk upang makalaya. Dito ipapaliwanag sa kanila kung paano ang magiging takbo ng challenge.
Ang Dark Forest ay kasing-bilog ng buwan at may layong 2000 kilometro ang entrance mula sa finish line o ang exit. Ang buong gilid ng Dark Forest ay napapaligiran ng mga mga malalaki at matataas na puno. Ang dalawang kilometro na nasa eksaktong gitna ng pabilog na Dark Forest ay isang empty field. May sekyon din ang gubat na may 2000 kilometrong batis na nagtutuloy-tuloy mula entrance hanggang exit kaya't hindi mahirap hanapin kung saan ang exit kung ito lamang ang susundan.Ngunit, nasa gitna ng batis ay ang HQ ng mga Old Prisoners na may lawak na 5kms kaya't kailangan nilang lumiko ng direksyon upang maiwasan ang maagang kamatayan.May mga abandonadong bahaynatinatawag na "Forest House" na nagkalat sa buong gubat na puwede nilang pagpahingaan. Magiging ligtas sila kapag pumasok dito dahil pinagbabawalan ang mga Old Prisonersna lumapit isang kilometro mula rito. May layong 490kms ang bawat Forest House at pa-zigzag ang direksyon nito sa isa't isa. Aktibo ang mga Old Prisoners sa oras ng sunset at sunrise. Umaatake rin ang mga ito sa ibang oras ngunit paisa-isa lamang. Isang porsyento lamang ang tiyansang hindi ka atakihin ng mga Old Prisoners kaya't kailangang buo ang loob sa pakikipaglaban. Mayroon lamang silang 50 Days para manatili sa loob ng Dark Forest at kung magtatagal pa sila rito ay wala silang ibang kapalaran kundi ang maging prey ng isa sa mga Old Prisoner na si Joh the Cannibal.
YOU ARE READING
The Prisoners War
ActionAng New Prisoners ay binigyan ng tiyansang makalaya sa kanilang pagkakakulong kapalit ang maka-survive sa gubat ng mga Old Prioners. Ang Old Prisoners ang mga pinaka-kinatatakutang Kriminal sa buong mundo dahil sa kanilang husay sa pagpatay at pagig...