"Sunny, kung gusto mo talagang sumali ro'n. Bibigyan kita ng tip, sa bawat Wind Area ay may nakabantay na Old Prisoner kayat hangga't maaari, huwag na huwag kang dadaan do'n—malayo sa mga Forest House."
Napatakip siya ng bibig sa bigla dahil sa naalala. "Ito 'yong tinatatawag nilang Wind Area, hindi ba?" nangingilabot nitong pagkukumpirma.Oo ang isinagot ng lahat saka siya tuluyang nangilabot.
"May Old Prisoner," nangangatog ang tuhod nitong banggit. Kinilabutan din ang marami dahil sa sinabi nito at nagsimulang magmasid sa palagid. Si Sert na nagmamaneho ay biglang bumilis ang tibok ng puso sa kaba. Ganoon din si Haru. Si Green, ipinikit ang mga mata upang mag-focus pero hindi niya magawa dahil sa kabang nararamdaman niya. Ang totoo niyan ay nag-focus na rin siya kanina ngunit wala siyang nakitang kahit na anong hint.
Lahat ay nagmamasid sa paligid...
Mabilis ang tibok ng puso...
"Sigurado ka bang mayroon ngang Old Prisoner dito?" tanong ni Moon sa kapatid, lalong pinagpapawisan dahil sa kaba.
Si Gold, bagama't hindi nagpapapakita ng kahit na anong pagkakaba sa mga kasama ay kinakabahan na rin. Pero hindi siya natatakot. Tiwala siya sa kakayahan niya.
Mayamaya ay nagimbal ang lahat dahil satunog na narinig nila mula sa himpapawid hanggang sa papalapit ito sa kanila. Tumingin ang lahat sa itaas...
Isang Old Prisoner ang nakita nilang may hawak-hawak na espada habang mabilis na patungo sa kanila upang pumugot ng ulo.
Si Beheader.
Mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi nila nakita kung paano nagawa ni Joey na labanan ang halos isang pulgada na pagtama ng espada nito sa leeg ni Sunny. Napahinto sa pagmamaneho si Sert at ang isa pa dahil sa gulat.Nakita na lang nilang nakatayo sa malawak na lupa sina Beheader at Joey. Nabilib sila dahil sa ginawa nito. Si Sunny na utang ang buhay kay Joey ay bakas pa rin ang takot sa mga mata. Ang akala niya'y mamamatay na siya.
"Bakit kayo tumigil?" tanong ni Joey.
"Anong bakit? Huwag mong sabihing kakalabanin mo siya?" tanong ni Dimitrhi. Sinundan ito ni Lucas. "Hindi mo siya kaya, Joey. Siguro naman kilala ko siya."
"Hindi ko 'to gagawin para mamatay tayong lahat dito. Una pa lang, alam ko nang mangyayari ito."
"Joey, sigurado ka ba sa gagawin mong iyan?" pag-aalala ni Haru.
"Ano pang hinihintay niyo. Parating na ang iba pang mga Old Prisoners," pananakot niya.
Mabilis kumilos si Beheader ngunit kinakayang sabayan ito ni Joey. Habang espada ang ginagamit ni Beheader, si Joey ay walang ibang magawa kundi ang umilag. Nagulat ang lahat dahil sa husay ni Joey na makipaglaban. Hindi nila inakalang magaling pala ito. "Ano pang hinihintay niyo? Umalis na kayo. Bilisan niyo na." Sinenyasan ni Gold sina Sert at Jing na paandarin na ang makina at sinunod naman nila ito.
"Maraming salamat, Joey. Mag-ingat ka!" sigaw ni Moon dito habang papalayo ang sasakyan. Lubos ang pasasalamat nito rito dahil sa pagliligtas nito sa kanyang kapatid.
"Kaya mo iyan!" cheer ng lahat mula rito.
Nang tuluyan nang mawala sa eksena ang mga ito...
Bigla na lang natumba ang isa sa kanila, dumanak ang dugo sa lupa, gumulong ang ulo papunta sa paa ng isa. At saka ito tinapakan at sinipa papunta sa malayong lugar.Nasasabayan man niya ang bilis ng kalaban, dito pa magtatapos ang buhay niya.
Chapter III: Give Me the Last Breath
Bakas sa mukha ng lahat ang pagkalungkot. Halos lahat sila ay umaasang mabubuhay pa ang kasamahan, bagama't hindi sila nage-expect na mabubuhay pa ito.Tahimik ang lahat at malungkot. Si Gold, may isang bagay na nasa isip niya. Si Sunny, takot na takot pa rin hanggang ngayon matapos ang malapit na kamatayan.
"Mabubuhay pa siya, 'di ba?" tanong ni Haru sa mga kasama habang nasa ibaba lang ang tingin. Labis ang pag-asa sa mga mata niya, na may halong pagdududa kung magiging mabuti nga ang lagay nito.
Walang sumagot sa mga kasama niya. Katulad niya, ganoon din ang nararamdaman ng mga ito.
Iniisip nilang kahit na matalo pa ni Joey si Beheader, delikado pa rin ang gubat at may tiyansang hindi na siya makarating sa finish line dahil sa iba pang mga Old Prisoners na nakakalat sa buong gubat.
Natapos ang araw na ligtas silang nakabalik sa Old Prisoners. Tahimik lang silang lahat at walang kibuan dahil sa nangyari. Hindi man nila sabihin, iisa lang ang nasa isip nila—Ang pagbabalik ni Joey.
Natapos ang gabing iyon na walang Joey ang dumating sa kanila. Nagpasya silang tumigil muna roon ng isa pang araw upang hintayin ang pagbabakasakaling pagdating ng kasama. Ngunit wala.
Nag-move on na lang sila matapos niyon. Iyon na lang ang puwede nilang gawin.
Sa sumunod na araw, pinlano nila ng mabuti ang gagawin nila sa tulong na rin nina Green at Gold. Dahil sa nangyaring pag-atake ng Old Prisoner ay hindi nila maiwasang maging vulnerable.
Habang patuloy ang pagtakbo ng sinasakyang monster truck ay may napansin si Collins na paparating na monster truck sa daanan nila. Sinabi niya ito sa lahat kaya't natakot ang marami. Inisip na baka isa itong Old Prisoner. Ngunit nagsimulang kumalma ang mga ito nang sabihin ni Collins na New Prisoners lamang ito na pabaligtad ng direksyon mula sa kanila. Nagsimula silang magtaka kung bakit ganoon ang direksyon ng mga ito.
"Tingin mo bakit sila papunta rito?" tanong ni Falcon kay Collins.
"Hindi ko alam, wala akong ideya."
"Nasa direksyon natin ang finish line, pero bakit sila palayo ro'n?"
"Hindi naman kaya...?"
Nagsimulang makita nang marami ang malayong monster truck na sinasabi ni Collins. Laking gulat ni Collins nang makitang may isang higanteng humahabol sa mga ito. Limang beses ang laki nito sa monster truck ng ibang New Prisoners. Kita rin niya ang takot na takot na mga mukha ng mga sakay nito. Sinabi niya ito sa mga kasama kaya't inutos ni Gold na ihinto muna ang sasakyan upang magdesisyon kung ano ang gagawin.
to be continued...
YOU ARE READING
The Prisoners War
AksiAng New Prisoners ay binigyan ng tiyansang makalaya sa kanilang pagkakakulong kapalit ang maka-survive sa gubat ng mga Old Prioners. Ang Old Prisoners ang mga pinaka-kinatatakutang Kriminal sa buong mundo dahil sa kanilang husay sa pagpatay at pagig...