1 - Miss Blonde

123 8 17
                                    

Miss Blonde

Touchdown Davao City..

Di ko man aminin ay kinakabahan na ako sa magiging bagong chapter ng buhay ko. Paano mabubuhay ang isang Zoila dito? Naman oh!

This place was a bit familiar to me dahil di ko pa masyadong kabisado. Ilang beses pa lang naman kasi ako napunta dito. Kung bibilangin ko siguro ay nasa tatlong beses pa lang.

Mabuti na lang at may kapatid si Dadskie dito na mabait, maganda at gusto ako. Si Tita Vickie.

Ok na ako siguro dito. Sana.. Malayo na 'to sa Manila, di ako makikita di Dadskie dito. Unless kung sasabihin ni Tita pero dahil maganda ako at matalino, sinabihan ko na si Tita na wag sabihin kay Dad na nandito ako. Pumayag naman sya. Mabait talaga.

"So anong balak mo ngayon Zoi?" tanong ni Tita habang naghahapunan kami dito sa kanilang Mansion. Kasama naming kumakain si Ate Tina at si Tito Greg. Naiilang ako sa aura ni Tito. Masasabi mo talagang maawtoridad ang dating. Pero wapakels ako. Di ko naman sya kadugo.

Actually, wala akong masagot kay Tita. Anu bang plano ko? May isang milyon naman akong dala. Mabubuhay na naman siguro ako nito. Pero hanggang kelan? Duhpeg! Ayaw kong isipin.

"Zero plans Tita. Di ko alam." walang gana kong sabi.

"Ayaw mo bang ipagpatuloy ang pag aaral mo dito? Sayang naman yung kurso mo."

Yung kurso kong Business Administration na pinilit lang naman sakin ni Dadskie. Ayoko nun. Actually wala talaga akong naisip na kunin na kurso noon kaya pumayag na lang ako sa kagustohan ng matanda kong ama.

Pero kung iisipin ay sayang nga talaga yung kurso ko. Pinaghirapan ko din yun ng tatlong taon ha. 1 year na lang sana ay graduate na ako. Pero ayoko na. Tinatamad ako. Pinalayas na naman ako. What's the point diba?

"Pag iisipan ko tita. Ngayon kasi on a state of shock pa ako. Gusto ko munang mag unwind. Ayoko namang biglain ang sarili ko dito. Baka mastress ako, sayang ang pinuhunan ko dito sa ganda ko."

Natawa kaming lahat sa sinabi ko except kay Tito. KJ!

"Ikaw bahala. Pero remember, walang suporta ang daddy mo ngayon sayo. You need to do something para naman magbago ang isip nya. Why.. Why not change Zoila?" medyo nailang pa si tita sa huling linya nya.

Bakit lahat na lang ng tao ay pinagbabago ako? Anu ba ako? Ok naman ako ah. I'm just enjoying my life to the fullest. And I love myself for who I am. Ano bang mali sa akin? Wala naman diba? I'm perfect and I know it.

Nginitian ko na lang si Tita at nagpatuloy sa pagkain. Ayoko syang sagotin bago maoffend ko pa sya. Sobrang bait pa naman nya sa akin.

Nag usap kami ni Tita na maghahanap ako ng sariling condo o apartment. Ayoko dito sa kanilang Mansion, masyadong tahimik, parang mamamatay ako dito. At tsaka sobrang seryoso ng mga tao dito. Mga KJ, paano kaya sila nabubuhay na ganito ang aura?

Kaya siguro lumayo si Breezy dito sa kanila. Speaking of that cousin of mine, ang bastos ng batang yun. Sinundo nga ako sa airport pero parang sinilaban naman ang kanyang pwet sa sobrang pagmamadali.

I know their family issues pero wala naman akong pakialam tungkol doon. Kaya lang dapat may paki pa din si Breezy sakin. Buddy kaya kami nung maliliit pa kami.

Lumaki na nga sya pero suplado pa din. Walang pinagbago. Ang pinagbago nya lang ay namayat na sya at sobrang gumwapo. Kung di lang sana masama na gustohin sya ay pinikot ko na yung lalaking yun. Pero yuck! That's incest! Pinsan ko sya, di man kami magkadugo pero pinsan ang turingan naming dalawa.

Taming the Uncontrollable ZoilaWhere stories live. Discover now