3- Search is over

120 9 8
                                    


Search is over

Dalawang linggo na ako dito sa Davao. Sa loob ng two weeks na yon ay wala akong ginawa kundi ang mag explore, pumunta sa mga bars at uminom, magshopping at makialam sa mga lovelife ni Breezy at mga barkada niya.

The last scene I witnessed was the break up of Yanny and Dave. That was so heartbreaking for Yanny. Naawa ako sa kanya. Kahit na konting panahon ko lang syang nakilala ay napansin kong may pagkatulad kami sa ugali, makulit at masayahin. Pero sya ay syempre mabait na version, ako kasi demonyong version.

Kung ako siguro sa kalagayan ni Yanny that time ay sinabunotan ko na yung babaeng ahas, sinakal ko na para mamatay para mawala na lahat ng malalandi sa mundo, syempre exempted ako.

Malandi naman ako pero not to the point na mang aagaw ako ng boyfriend ng may boyfriend. Ang mga klaseng taong tulad nila ay sobrang cheap. Yuckyness!

Sa ganda kong to, di na ako kelangan pang mang agaw ng boyfriend ng iba. Kusa na lang silang lumalapit. (Devil laugh)

Anyway, I enjoyed my 2 weeks stay here in Davao. Maganda din pala dito. Di nga lang masyadong maingay at polluted tulad ng sa Manila. Pero unti unti na akong napapamahal sa lugar na to.

Pasalamat din ako sa tulong ni Dinodear. Kahit na inis na inis na sya sa akin sa kakabuntot at pangungulit ko ay sinasamahan nya pa rin ako sa pag eexplore ng buong Davao.

Sya lang naman kasi ang kasa kasama ko sa inuman. Sya lang ang pwedeng asahan sa mga ganyan. Good boy kasi si Breezy at tsaka patay na patay doon sa Aspyn nya.

Nging tropa na kami ni Dino. Masaya naman syang kasama kahit sobrang suplado. May regla lagi.

Last day, sinabihan nya ako na wag muna syang distorbohin dahil magsisimula na sila sa kanilang clinical exposure. Di daw sya pwedeng malasing dahil makakaharap na nila ang totoong mga taong may sakit. Baka mapahamak pa sya.

So ako naman ay pumayag na din. Ayoko din namang makapatay sya ng tao dahil sa kalasingan at hang over. May konsensya din naman ako.

Kaya dahil wala akong kasamang mag gala ay nanatili na lang muna ako sa mansion nina Tita Vickie.

Alam kong napakaboring pero titiisin ko na lang. At isa pa medyo, kumukonti na lang ang naiwan sa isang milyon kong pera. Baka maglaho na lang bigla at maging pulubi ako.

Dahil sa pagiging bored ko ay nag open na lang ako ng mga social media accounts ko.

Nagulat ako bigla ng mag pop out ang madaming mensahe galing sa mga kapatid ko.

Damn it! Chaka! Paano ko babasahin lahat to?

Ate, nasan ka?

Ate, bakit mo naman kami iniwan? Naminiss na kita dito. Uwi ka na please..

Magparamdam ka naman Zoila!

Zoila! Bakit di kita natatawagan sa number mo? Ano patay ka na ba?

Ate, bumalik ka na dito. Inaaway ako lagi ni Zyka. Walang may nagtatanggol sakin dito. Lagi nya akong inaalila. Pity me, ate!

Taming the Uncontrollable ZoilaWhere stories live. Discover now