Chapter 3 (Sino ako?)

3K 74 2
                                    

Adriana's point of view

Kasalukuyan akong nasa dorm pilit ko parin hinahabol ang hininga ko, hindi ko maintindihan ang mga nangyayare sa lugar na ito. Mas lalong hindi ko maintindihan ang nangyayare sakin. Nagkaroon ngkatanungan ang isip ko

ano ba ako ?

Hindi ko rin talaga matandaan yung pamilya ko, talagang si Auntie lang ang kilala ko, naalala ko ang mga sinabi niya bago niya ako iwan sa lugar na ito....

Flashback..

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko

Pero nanatili siyang tahimik at diretso ang pagmamaneho

"Auntie saan ba talaga tayo pupunta napaka dilim dito nakakatakot" pagmumuryot ko hindi kase pamilyar ang lugar na to

"Manahimik ka malalaman mo din mamaya" malamig ngunit maawtororidad niyang boses

Nanatili nalang akong tahimik at pinagmasdan ang lugar, nasa gitna na ata kami ng kagubatan dahil puro puno ito. Nakakatakot dito

Mga ilang oras pa nakarating na kami sa pupuntahan namin, pinagmasdan ko yung lugar.

Napakataas na kastilyo namamangha ako ngunit ramdam ko ang kaba at takot sa lugar na ito parang may kakaiba parang may misteryo

"Andito na tayo" sabi ni Auntie

"Opo " sagot ko at bumaba na ng sasakyan

"Ano pong ginagawa natin dito ?" Tanong ko

" dito ka na magaaral " tipid niyang sagot. Hindi rin siya tumitingin

"Po!!!" Gulat kong tanong, sa lugar na ito !

"Pero bakit po?" Tanong ko ulit at nakita kong may lumabas na dalawang tao sa may gate, isang babae at lalake at palapit sila samin

"Pumasok kana" utos ni Auntie

"Pero auntie..." angal ko

"Pumasok kana Adriana! Dito ka kabilang, ito ang mundo mo!" Sigaw nito

"Ito ang mundo mo , dapat kang manatili dito para maprotektahan mo ang iyong sarili mag iingat ka Adriana sa lugar na ito mo malalaman ang iyong pagkatao " dagdag nito

Naiiyak ako bakit ganito, bakit ganyan siya?
Kahit anong emosyon wala akong makita.

Iiwan ako ni Auntie pero natatakot ako hindi ko kaya mag isa...

Naglakad na si Auntie palayo at sumakay na sa kotse at pinaandar ito

Hinabol ko siya hanggang sa kaya ko pero sadyang nakakapanghina, napaluhod na lamang ako habang dinaramdam ang pangyayari na hindi ko inaasahan.

Naramdaman ko nalang na umiiyak na pala ko

"Miss tayo na po sa loob "

Napatingin ako sa babaeng nagsalita at medyo kinilabutan ako sa boses niya, ang lalim.. nag-aalangan akong sumunod pero ano bang mapapala ko kung tatanggi ako hindi ko naman na mahahabol si Auntie.

Nagpatuloy na kami sa loob, napansin ko yung itsura nung babae napaka putla ng kanyang balat kahit yung lalake din siguro ay talagang mapuputi sila.

Pero wala akong panahon para pagtuunan ng pansin ang lahat

End of flashback..

Hindi ko talaga maintindihan, lalo na yung sinasabi ni Auntie. Naguguluhan ako, sa nangyare at sa pagkatao ko. Ngayon may tanong sa isip ko, Ano ba ako? at Sino ako?

Pero hindi ko naman alam kung saan ako mag hahanap ng kasagutan na gusto kong malaman. Hindi ko naman mga kilala ang mga  tao dito..

Hindi sila tao! Mga halimaw sila..
Bakit kaya naging ganito ang buhay ko parusa ba to?

Rosewood University [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon